"O, bakit ganyan ang itsura mo?"
Lalo akong nagpout ng magtanong si mommy.
nakakainis kasi
bakit kasi kailangan ako pa ang magbantay dun sa Cheska na bago naming kapitbahay.
sa gwapo kong ito, gagawin pa akong yaya ng isang makulit na batang babae.
dahil sa ayaw kong kulitin pa ako ni mommy, di ko na tinapos yung almusal ko.
nagtungo na lang ako sa may sink para mag toothbrush.
pero sinundan padin ako ni mommy.
"Oy, maliit na mama -- tinatanong ko po kayo kung bakit kayo nakasimangot?" tanong ulit ni mommy.
"E, kasi po. Ma- bakit kailangang sunduin ko pa iyong anak ng bagong lipat diyan sa tabi natin at isabay ko sa pagpasok sa eskuwelahan?" reklamo ko
"Kasi nga'y bagong lipat lang sila dito at new student sa eskuwelahan ninyo si Cheska kaya hindi niya pa alam ang pagpunta roon." sagot ni mommy
"Ah. mommy, ilang taon na nga po ulit yung Cheska?" tanong ko sa kanya.
"Six years old. Grade one pa lang siya."
"Naku, e di kailangan ko pa po palang alalayan iyon, Ma?"
"Sabi na nga ba't magiging yaya ako ng makulit na batang yun."
"Oo, hijo. But don't worry mukha naman siyang mabait na bata." sagot ni mommy.
"Ma naman e, looks can be deceiving."
Napatawa na lang si mommy sa reaksyon ko.
Since pinagtatawanan na lang ako dito ni mommy pumunta na lang ako sa may hagdan para magsapatos.
bigla kong natanong si mommy kung nasan ang parents ni Cheska
sabi lang niya, busy daw pareho sa work. Kaya hangga't wala pa yung parents ni Cheska, dito muna siya mag-stay samin.
Ano pa nga ba ang choice ko?
bago ako umalis, lumapit sakin si mommy at inabot sakin yung lunchbox ko.
"Be good to her ha" sabi na lang niya bago ako ikiniss sa pisngi.
"Opo-" di ko alam kung bakit ko nasabi yun.
Pero gagawin ko yun, ayaw kong biguin si mommy.
kaya eto ako ngayon naglalakad palabas ng gate
nagba-bye na din ako kay mommy.
BINABASA MO ANG
Second Chance (on-going)
RomanceDiagnosed with cancer, Cheska decided to go to a foreign country just to keep her loved ones from getting hurt including her childhood sweetheart Tyronne but the moment she got herself treated she doesn't seem to have a spot on the gentleman's life...