Sabay ulit kami papasok ni Cheska but this time ihahatid kami ni mommy.
May mga dala kasi akong props para sa play namin na gaganapin next week.
Mag ti-three weeks na din noong nagsimula ang first day of school at sa tingin ko nakaka adjust na din si.Cheska kahit papano.
Andito siya ngayon sa tabi ko na Masaya niyang pinaglalaruan yung hat na may ulo ng fox.
"hijo wala ka na bang naiwan? Aalis na tayo at baka malate pa kayo ni Cheska." taking sakin ni mama habang inaadjust niya yung aircon sa tapat ni Ches.
Mabilis kasing magkasipon to; konting mapatapat lang sa aircon sinisipon na agad. Nalaman namin yun nung naglaro kami ni Ches ng psp sa kwarto ko. Air conditioned pa naman dun.
Pagkalabas namin sinisipon na siya kaya ayun agad namang nagpaluto si mama ng soup tas naging okay na din siya.
Nilabas ko yung checklist ng mga props na dapat kong dalhin. Tiningnan ko kung nasa box na lahat ng kailangan ko. Kumpleto naman kaya nag thumbs ako kay mama.
Tahimik lang kami sa byahe. Si Ches naman hindi padin binibitawan yung hat.
"Bakit hindi mo subukang isuot? Tingnan natin kung bagay sayo." Sa tingin ko naman kahit anong hat ang isuot niya e babagay sa kanya. Sa cute baga naman niya e. Kahit nga siguro pagsuotin siya ng sako okay padin.
"Okay lang talaga sayo kuya?" tanong niya
"Oo naman." Di ko alam kung.bakit pero di ako makatanggi sa kanya everytime na humihingi siya sakin ng pabor o tulong. Ang cute kasi talaga niya at ang bait pa. Akala ko noong una mahihirapan ako sa batang to. Kalimitan kasi sa mga edad niya e makukulit at mahirap pagsabihan pero iba siya hindi katulad ng akala ko.
Sinuot na niya yung hat. Hindi nga ako nagkamali bagay nga sa kanya.
"Ang ganda bagay sayo" yun na lang ang nasabi ko. Pero sa halip na matuwa siya napansin ko na lumungkot yung mukha niya.
"O bakit?" di ko maiwasang di magtanong.
"Di ko kasi kita e" Haha akala ko naman kung ano na.
"Tingnan mo dun sa salamin dun sa unahan." suggest ko sa kanya wala din kasi akong salamin dito e.
Ginawa naman niya yung sinabe ko kaso mukhang di pa din siya natuwa.
"Di ko din kita kuya." bakas sa tono ng boses niya at sa kanyang mukha ang disappointment.
Bigla kong naisip na kunan na lang siya ng litrato then ipapakita ko na lang sa kanya. Tama, yun na nga lang ang gagawin ko.
"May naisip nako Ches ganito na lang kukunan kita ng litrato tas ipapakita ko na lang sayo" kinuha ko na agad sa bag yung phone ko para makunan ko na siya.
"Sige." sa wakas nasilayan ko na ulit ang kanyang makalaglag pusong ngiti. Hahaha.
"One... Two... Three... SMILE!" pinakita ko agad sa kanya. Natuwa naman siya kaya natuwa na din ako kitang kita naman sa kanya na masaya na ulit siya.
Di namin namalayan na nakapagpark na pala si mama. Kaya binalik ko na sa bag yung phone ko. Si Ches naman ibinalik na yung hat sa box.
Ipinagdala ako ni mama hanggang sa makarating kami sa room ko. Then after nun hinatid na ni mama si Ches sa room nito. Pinagbilinan niya kami na sumabay na lang sa school bus pauwe.
Nasa room na ako pero di ko pa din ma iwasan na tingnan yung picture ni Cheska sa phone ko. Wala pa din naman si Mam kaya okay lang.
Abala Ako sa pag tingin sa mga pictures niya dito sa phone ko, lingid Kasi sa kaalaman niya na kinukunan ko siya ng litrato ng Di niya nalalaman. Gaya nung nasa ice cream parlor kami at iniwan saglit ni mama.
Kahit ang dumi niya kumain cute padin . Napag alaman ko na allergic pala siya sa strawberry kaya bawal siya ng ganun flavor. Sayang nga e, ang Sarap kaya nun in fact paborito ko nga yun.
Patuloy Ako sa pag tingin tingin sa mga litrato niya na Di ko namalayan ang paglapit ni Stephen. Hinablot niya yung phone ko at tiningnan. Bully talaga to e.
Nakita niyang puro si Cheska ang nasa album ko. Kaya naman pinasa niya sa sarili niya yung mga litrato sa tulong ni Kyle at Simoun e nag tagumpay siya. Ano nga naman Kasi ang Laban ng Isa sa Tatlo Di ba.
Bago dumating si Mam Fernandez e naibalik na niya sakin yung phone ko. Sinuswerte lang siya ngayon, pero sa susunod mahuhuli din siya sa akto. Sa pagkabully niya e madami na din ang natatakot sa kanya dito sa klase namin, kahit babae Di pinapalampas.
Pero di Ako natatakot sa kanya, Di Lang talaga Ako yung tipo na mapagpatol sa mga gaya nila ni Kyle at Simoun. Tsaka di ko para sayangin ang Oras at lakas ko na makipagtalo sa kanya.
Naaasar Lang Ako dahil ngayon may kopya na din siya ng mga litrato ni Cheska. Huwag naman sana niya gamitin sa kalokohan. Dahil kapag nangyare yun Di ko mapapatawad ang sarili ko, dahil kung hindi ko ginawa yung pagkuha sa kanya ng litrato Di din sana makakakuha si Stephen ng kopya. Kaya sa huli Ako pa din ang may kasalanan.
BINABASA MO ANG
Second Chance (on-going)
RomanceDiagnosed with cancer, Cheska decided to go to a foreign country just to keep her loved ones from getting hurt including her childhood sweetheart Tyronne but the moment she got herself treated she doesn't seem to have a spot on the gentleman's life...