|Chapter 6| • JEALOUS •

7 2 0
                                    

James' POV

Ngayon ko lang nakita si Leidia na umiiyak di ko alam kung ano ang gagawin kaya niyakap ko siya at pinatahan.

Nasa kwarto ako ngayon at dumating na din sila Sam at pumasok sa kwarto namin.

"So anong gagawin natin ngayon? Marami pa tayong natitirang oras. Eh 9:00 o'clock pa." Sabi ni Sam

"Hmm magusap nalang tayo dito ng kahit ano-ano." Sambit ni Kris

Tumango nalang ako at nakisabay nalang sa paguusap nila.

---

"HAHAHAHAHA GUSTO MO PALA SI JANE?!" Sabi ni Kris

"Shh! Tumahimik ka nga masasapak kita dyan eh." Galit na sabi ni Sam

"Ehhh~ HAHAHA nagka gusto ka na rin sa wakas, dre!" Sabi ni Kris.

Yeah(^o^) di pa yan nagkagusto sa isang babae. Di nga namin alam anong type niya pero mukhang type niya si Jane kaya ayon nahulog sa kanya.

Tumatawa parin kami ngayon eh sa nakakatawa yung mukha ni Sam sa pagpapatigil sa tawa namin.

"Huy! Sasapakin ko na talaga kayo!" Galit na talaga si Sam

"Oo na- HAHAHAHHAHAHA! Sige titigil na kami HAHA!" Sabi ni Kris pero parang baliw.

"Tumigil na tayo baka nagtataka pa yun kung anong nangayayri dito." Sabi ko

Kaya ayon tumigil kaming dalawa pero yung mukha ni Kris nagpipigil ng tawa.

"Anong nangyayari dito?" Napatingin nalang kami sa pinto at nakita namin si Jane.

Hala patay.(-.-)

"Huh? Ah, wala naman ah?" Nauutal na si Sam MWHEHEH!

"Uyh! Gu-mmhmmmm!" Sasabihin na sana ni Kris pero tinakpan ni Sam ang bibig niya kaya napatigil.

"Ewan ko ba sa inyo."=_= Sabi ni Jane at bumalik na sa kwarto nila.

"Huy! Pigilan mo yang bibig mo hah? Kundi bubugbugin na talaga kita!" Sabi ni Sam kay Kris.

Para na silang baliw. Lumabas muna ako sa dorm namin at naglakad lakad. Di ko alam anong pumasok sa isip ko para maglakad-lakad dito sa academy, wala pa naman akong kasama(_ _)

Nakita ko si Jake at papalapit siya sa akin. Naiinis na tuloy ako mukha talagang may gusto kay Leidia eh kaya mas naiinis ako.

"James." Sabi niya at tumigil sa tapat ko.

"Ano yun?"

"James, pwede bah na hayaan mo na akong lumapit kay Leidia? Gusto ko siya at wala kanang magagawa dun."

Nagpipigil na talaga ako dito. Aba? Sino siya para pumayag ako.

"Huwag ka nang lumapit sa kanya. Diba sinabi ko na yun?"

"Ano ba kasing problema mo hah? Gusto mo rin ba si Leidia? Edi unahan tayo kung sino ang mananalo!"

Ano bang pinagsasasabi nito? Edi sige unahan nalang. Madali lang naman akong kausap.

"Unahan yung gusto mo? Sige ibibigay ko sa iyo ang gusto mo. Madali lang akong kausap!"

"Anong nangyayari dito?" Napalingon nalang kami sa likod namin at nagulat kami pareho nang makita namin si Leidia.

Anong ginagawa niya dito? Kanina pa ba siya diyan at nakikinig sa amin?

"Wala. May pinagusapan lang kami." Sabi ni Jake

"Ahh ganun ba?" Pa alis na sana si Leidia pero tinawag pa siya ni Jake

Nanggigigil na talaga ako dito sa lalaking 'to!

Dream Academy: The Mystery of Magic TreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon