James' POV
Naiinis talaga ako dun sa sinabi ng professor namin. Pupunta sa D.A ang mga taga C.A at alam kung pupunta talaga sila Leynila at nagagalit parin ako sa kanya. Sa kanilang dalawa.
Ni Jake.
Baka ano pang masabi ko kay Leynila pag nakita ko siya. Baka di ko mapagilin ang emosyon ko at ano pa ang magawa ko. Baka madagdagan pa ang galit ko kay kay Jake. Edi magtuloyan sila. Tutal bagay naman sila, mga walang hiya. Di man lang iniisip kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko silang naghahalikan dun sa C.A.
Teka bakit ko pa 'to iniisip? Dapat nga wala na akong pakialam sa kanila. Pero kahit na matagal na yung nangyari naiinis pa rin ako sa kanilang dalawa. Di talaga ako makapaniwala. Ang lalandi eh.
Walang pasok ngayon kasi may meeting ang mga teacher dun sa C.A kaya ito kami, nakahiga lang sa kwarto habang sila Leidia din nasa kwarto nila at nagkukuwentohan. Masama daw ang pakiramdam ni Leidia simula pa kaninang madaling araw kaya ayon nasa kwarto nagpapahinga habang naguusap. Pero di pumunta si Ms. Alexa para bantayan ang mga studyante at yung secretary niya nalang ang pumunta para sa kanya.
May katok kaming narinig mula sa labas ng pintuan kaya binuksan ni Sam.
"Anong kailangan mo Jane?" Tanong ni Sam
"Alam niyo ba kung saan nilagay ang mga gamot dito?"
"Bakit? Tumaas ba ang lagnat ni Leidia?" Nag-aalala kong tanong.
Baka ano pang mangyari sa kanya.
"Oo ang init nga eh. Eh di naman siya ganun ka init kanina sa madaling araw." Sabi ni Jane.
"May gamot dun sa cabinet. Nasa medical kit." Sabi ni Sam.
Umalis na si Jane at isinara na ni Sam ang pintu.
Di ako mapakali kaya lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kwarto nila Leidia. Kumatok ako at pinagbuksan ako ni Marie.
"Oh James, anong kailangan mo?" Tanong niya
"Pwede ba akong pumasok? Ako nalang magpapainom ng gamot at kumuha kayo ng soup sa canteen. Ako na ang bahala sa kanya." Sabi ko
"Teka. Concern siya kay Leidia oh!" Pang-aasar ni Marie.
Hayst. Mga babae talaga.
"Oo na sige na concern ako kaya manahimik ka na at kumuha na kayo ng soup at kung wala mang soup magpaluto kayo." Utos ko
"Opo master!" Sabi ni Jane
Natawa tuloy ako sa boses niya. Lumabas na din sila kaya pumasok na ako. Hinawakan ko ang noo ni Leidia at mainit nga talaga siya. Napansin kung para siyang giniginaw kaya hininaan ko yung aircon at ginising siya para painomin ng gamot.
"Leidia." Tawag ko sa kanya habang ginagalaw ng dahan-dahan ang balikat niya.
Naalala ko tuloy, di pa pala siya kumakain at papainmin ko na siya ng gamot? Tanga na ata ako.
Mabuti nalang at hindi siya na gising. Lumabas nalanga ko at kumuha ng pamunas at tsaka malamig na tubig. Pumasok ulit ako sa kwarto nila at binasa ko ng malamig na tubig yung pamunas tsaka ko nilagay sa noo niya. Para kahit papaano mabawasbawasan ang lagnat niya.
Umupo ako sa tabi niya at hinawi ang buhok na nasa mukha niya. Pinagmasdan ko siya at di ko talagang mapigilan na nagagandahan sa kanya. Maganda si Leidia at mabakt yung tipo ng babae na dapat mahalin at di saktan. Maamo ang mukha niya kapag tulog. Di ko tuloy maiwasan na mainis kay Jake kung maagaw pa niya si Leidia.
Bakit ba ako nagkakaganito?
Siguro nga nahulog na naman ako sa isang babae ng di inaasahan. Di ko maipaliwanag ang damdamin ko sa tuwing nakikita ko lang si Leidia kapag kasama niya si Jake. Di ko alam pero natatakot talaga ako na makuha naman ni Jake si Leidia. Palagi ko nalang ba siya magiging kaagaw sa lahat ng bagay?
BINABASA MO ANG
Dream Academy: The Mystery of Magic Tree
Fantasía[On Going] Started: January 19, 2019 Finished: ***** Dream Academy: The Mystery of Magic Tree Si Leidia Narione Darum ay isang ordinaryong tao at may ordinaryong buhay. Hanggang dahil sa isang panaginip na tuklasan niya na meron pala siyang kapangy...