|Chapter 7| •FIRST MAGIC CLASS•

8 2 0
                                    


Leidia's POV

*Tring! Tring! Tring!*

Nagising nalang ako nang marinig ko ang alarm clock at nakita ko na 5:00 na pala. Yeah, nag ch-change nalang ng kusa yung alarm clock namin at bini-base yu sa kung ankng araw. Kaya I'm sure iba ang araw na toh.

OMG! FIRST MAGIC CLASS NAMIN NGAYON!

Muntik nangmawala sa isip ko. First magic class pala namin ngayon at kailangan na naming maghanda kasi for sure maaga ang breakfast.

Ginising ko na sila Jane at Marie.

Sinilip ko rin ang kwarto nila James at nakita ko pa silang tulog kaya kumatok ako

*Tok! Tok! Tok*

Binuksan ni James ang pitno at nakabungadsa akin yung gulo niyang buhok.

"Bakit? " Tanong niya

"Good morning ah? " Sarcastic kong pagkakasabi. "Gisingin mo na sila at para makapaghanda na kayo maaga tayo ngayon kasi Frist Magic Class. Duh!" Dagdag ko at umalis na.

"Good morning din Leidia"

Sinabi niya yun ng mahina pero rinig ko parin tsaka niya sinara yung pinto.

"Sige na maliligo muna ako tsaka ihanda niyo na yung gamit niyo." Sinabi ko at pumasok na ako sa banyo.

Di ko rin mapigilan sa pagiisip yung sarili ko sa mukha kanina ni James. Gwapo parin siya kahit magulo yung buhok niya! HAHAHAH!

Teka! Ano ba itong pumapasok sa isip ko?

Di rin ako nagtagal sa banyo at tapos na akong maligo. Sumunod na din si Jane tsaka si Marie.

---

Natapos na rin kaming lahat at nandito lang kami sa labas nakaupo at hinihintay nalang ang announcement ni Ms. Alexa.

At yun nga... May sinabi na si Ms. Alexa

"Good Morning dear students! This is your office first day of your magic class! At 6:00 o'clock all of you must come at the canteen to eat your breakfast! Good day!"

Sabi niya at tinignan namin kung anong oras na. Quarter to 6 A.M na pala kaya lumabas na kami sa dorm at naglakad papunta sa canteen.

Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay nakita namin sila Ian.

"Good morning, Leidia!" Bungad sa akin ni Jake.

"Good Morning din." Nakangiti kong sabi

"Bilisan na natin ang paglalakad para di tayo umabot dun na marami na ang tao." Sambit ni James pero di siya pinansin ni Jake

"Leidia, mind if you'll eat breakfast with us?" Sabi niya pero umiling lang ako.

"I can't. I'll go with my friends." Sabi ko

Napatingin nalang si Jake kay James kaya tinignan ko rin si James at may ngiti siya ng tagumpay. Ano bang problema nito? Parang baliw!

"Tara na umalis na tayo dahil 6 na! Ciao!" Sambit ni Jane at hinila niya ako kaya sumunod na sila.

Pumasok na kami sa canteen at kumuha na ng pagkain. Bacon, chicken fillet, at rice lang ang kinain ko.

Madali lang kaming kumain kaya pumunta na kami sa M.R Building dito sa campus. Malaki ang building kasi malaki din ang mga rooms dito para talaga sa pagsasanay ng magic.

"Ang laki pala ng M.R building." Sabi ni Jane. "Sa tinatagal-tagal kong nag-aaral dito ngayon lang ako nakapunta dito. Bawal kasi kami noon.

"Oh I see..." Sabi ko at naglakad na kami papunta sa isang room.

Dream Academy: The Mystery of Magic TreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon