Leidia's Point Of View
Hindi pa kami kompleto pag labas ko kaya hinintay pa namin yung iba na nasa loob pa. Tumabi ako kay James at hindi nagsalita pero habang papalapit ako sa upuan ko kanina ay tinignan ako ni Jake kaya nagiwas ako ng tingin.
"So kumusta yung paguusap ng kung sino mang kausap mo?"
Napatingin tuloy ako sa katabi ko at nagulat nang si James pala ang nagtatanong sa akin.
Nagtatanong siya sa akin pero sa harap lang siya nakatingin, 'di man lang siya tumingingin o sumulyap sa akin habang tinatanong niya yun."Okay lang naman." Tipid kong sagot.
Nabalot nanaman ng katahimikan ang room kaya masyadong awkward. Ilang sandali nalang ay lumabas na din sila Jane pati na rin ang mga kaibigan ni James.
Iba ang ekspresyon sa mga mukha nila Marie na para bang gulat na gulat sila. May kakaiba.
"Marie, may nangyari bah?" Tanong Kris
"W-wala naman... Kasi... Basta wala" sagot naman ni Marie
May kakaiba talaga. Pati din si Jane. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka. Pagkatapos ay umupo na sila sa upuan nila at may sinabi si Mr. Saldua.
"Okay so class, ibalik niyo muna ang mga libro na dala niyo kasi pupunta tayo sa CRYSTAL ACADEMY" Sabi niya.
Pupunta kami sa Crystal Academy? Bakit?
Nagkatinginan kami nila Marie at nakita kong may binubulong ang mga kaibigan ni Jake at pati rin sila James ay nagbubulungan.
Nagulat nalang ako nang biglang nag walk out sila James at sumunod naman sila Jake ng nakalabas na nang tuloyan sila James. Hindi pa nga kami nag pa-alam kay Mr. Saldua. Kaya ayun kami nalang ang nagpa-alam at humingi ng patawad dahil sa ginawa nilang pang babastos sa prof. Namin.
Lumabas na kami sa room at naglakad na kami papunta sa dorm namin.
-----
James' POV
Badtrip naman oh! Kainis! Parang gusto kong manapak ngayon ah. Kumokulo na yung dugo ko sa tuwing na aalala ko siya. Yung malanding babae na yun. Nakakaimbyerna.
"Ey, Bro! Chill ka lang. Alam kong naiinis ka kasi pupunta tayo sa Crystal Academy at makikita mo yu--" naputol ang sasabihin ni Sam nang pumasok sila Leidia sa room.
Nagtatawanan sila, nabaling tuloy yung atensyon ko kay Leidia. Ang ganda niya talaga sa tuwing tumatawa siya. Parang nawawala yung mata niya.
Pinagsisihan ko talaga nung araw na sinungitan ko siya dahil lang natapunan niya ng juice. Baka napagsabihan pa niya ako sa utak niya na masungit ako.
"Oh? Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Natauhan nalang ako ng magsalita si Leidia. "Bumaba na tayo baka naghinhintay na si Mr. Saldua sa tapat ng Magic Tree." Dagdag niya.
"Oo nga. Wala ba kayong plano? Hali na kayo!" Sabi naman ni Jane.
Kaya sumunod na sila Kris. Naiwan nalang kami ni Leidia. Tinignan ko siya at tinignan din niya ako pero bakit may iba akong nararamdaman? May kung ano akong nararamdaman sa paligid ko.
"Bakit? Hali ka na. Baka maiwanan pa tayo!"
Hinatak niya ako palabas sa dorm at nagsimulang maglakad patungo sa magic tree. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko, di pa niya binibitawan ang kamay ko. Tinignan ko ang kamay namin at di ko mapigilang isipin na sana ganito kami palagi o kahit minsan lang.
Nahuhulog na talaga ako sa kanya.
Im falling inlove with Leidia
At sana ay sasalohin niya ako. Alam kung ilang araw palang kaming magkakilala pero ewan ko lang kung ano ang nakita ko sa kanya. May kakaiba talaga sa kanya simula nung unang araw palang niya dito.
BINABASA MO ANG
Dream Academy: The Mystery of Magic Tree
Fantasy[On Going] Started: January 19, 2019 Finished: ***** Dream Academy: The Mystery of Magic Tree Si Leidia Narione Darum ay isang ordinaryong tao at may ordinaryong buhay. Hanggang dahil sa isang panaginip na tuklasan niya na meron pala siyang kapangy...