Marie's POV
Nandito na kami ngayon mini park na malapit sa cafeteria kasi malapit nang mag dinner. Napagod kami sa paglalakad kanina kasi gusto talaga ni Jane na malibot itong buong Academy. Tsk!
Kung saan-saan na kami umabot dito sa academy. Pumunta din kami sa mga kabilang building at nalaman namin na magka-iba pala ang building ng Archery, Wizardry at Royals. Kasi ang classrooms ay nakadepende kung anong klase sa studyante.
Ang classrooms sa Archery ay malaki at may mga maraming kagamitan na para sa archers. Marami din kaming nakita na stocks ng arrow sa stock room nila. Ang building ay may 6 na palapag at may 10 rooms kada palapag.
Ang classrooms sa Wizardry ay kasing laki lang din ng Archery. Pero may mga tables ito kung saan sila gagawa ng potions og maghahalo nito. Ang building ay may 5 palapag at may 8 lang na rooms kada palapag.
Ang classrooms sa Royals ay maliit lang. May mga lamesa at upuan na parang ordinaryo lang silid sa isang paaralan, parang kagaya lang sa mga silid aralan sa Dream Academy. Hanggang 3 palapag lang ang builing at may 6 na rooms kada palapag. Meron kasing Royal Field, kung saan sila mag eensayo sa pagpapalabas ng kanilang mga mahika. Malawak ang field at pwede nang mag assembly ang lahat ng studyante dito.
"So Jane, anong pakiramdam na nakalibot tayo dito sa Crystal Academy? Masaya ka na bah?" Tanong ni Leidia.
"Oo okay lang naman. Grabe ang lawak pala noh. HAHA!" Natatawang sagot ni Jane.
"Kahit na nakakapagod ay worth it naman ang paglilibot natin." Sambit ko.
Worth it naman talaga kasi marami kaming mga nalaman. Magkasabay lang pala itinayo ang D.A at C.A tsaka iisa lang ang nagpapatakbo sa dalawang academy. Halos sa lahat ng studyante dito ay anak rin sa mga nag aaral dito noon. Mga anak ng archers, anak ng wizards at syempre anak ng mga Hari at Reyna.
"Nga pala Leidia, doon ka sa Royal Building bukas noh?" Tanong ni James.
"Ahh... Oo." Sagot niya. "Eh kayo? Saan kaayo?" Dugtong niya.
"Di pa namin alam. Siguro bukas pa sasabihin." Sagot niya.
"For sure sa Wizardry kayo malalagay dahil sa kapangyarihan niyo." Sabi ni Leidia.
Tumango nalang kami. Pero sa Wizardry kaya kami? Gusto ka panaman sana sa Archery. Tsk! HAHA!
Nagulat nalang kami nang makita namin sina Jake na tumatakbo papalapit sa amin. Nang makalapit na sila sa amin, hinihingal sila at pawisan.
Ano bang nangyari sa kanila? Saan sila galing?
"Oh? Anong nangyari sa inyo? Saan kayo nanggaling?" Sunod-sunod na tanong ni Marie.
"Si... Si Drake." Putol-putol na sambit ni Ian. "Si Drake nawala siya bigla nung nasa Mid Forest kami. Di na namin siya mahanap kanina pa namin nililibot ang Mid Forest pero wala talaga kaming Drake na nakita." Dugtong niya.
"Ano? Bakit kayo lumabas at pumunta sa Mid Forest?"
Napatingin nalang kami sa nagsalita. At may nakita kaming babae na mistisa tsaka blonde ang buhok.
"Bakit kayo lumabas at pumunta sa Mid Forest?" Tanong niya ulit.
"Nag pasyal lang kami kasi wala kaming magawa kaya nakarating kami sa Mid For--"
Hindi natuloy ni Joshua ang pagsasalita niya nang pinutol iyon ng babaeng blonde
"What? Lumabas kayo kasi wala kayong magawa? Nahihibang na ba kayo? Nasa Mid Forest ang Dark Boarder! Delikado doon kasi baka makapasok kayo sa Dark Boarder nang di namamalayan!" Sabi nung babae.
BINABASA MO ANG
Dream Academy: The Mystery of Magic Tree
Fantasy[On Going] Started: January 19, 2019 Finished: ***** Dream Academy: The Mystery of Magic Tree Si Leidia Narione Darum ay isang ordinaryong tao at may ordinaryong buhay. Hanggang dahil sa isang panaginip na tuklasan niya na meron pala siyang kapangy...