Leidia's POV
Hindi talaga ako makapaniwala na pababantayan ako. Di na ako bata pero tinuturing pa rin akong bata ni papa. Alam ko naman na siya ang nagsulat nun. Pero mas ikinagulat ko talaga yung panaginip ko na nasa libro. Para bang paglatapos kong managinip ay ilalagay ito sa libro. Pero dba sabi ni papa na kaya kong kontrolin ang panaginip ko? Pero di ko nagawa kanina dahil di ko alam at wala akong magawa kasi di ako makagalaw parang pinipigalan ako sa gusto kong gawin.
"Leidia, dapat ka atang pumayag na bantayan ka ni James para di ka mapahamak." Sabi ni Marie
"Eh bakit siya pa? Nandyan naman kayo ah?" Tanong ko
Nandyan naman sila para gisingin ako pero bakit si James pa?
"Leidia, baka may rason kung bakit si James ang magbantay sayo. Wala naman tayong magagawa dun kasi mukhang papa mo pa ang nagsulat nun." Sabi naman ni Jane.
Psh. Ano ba kasi ang kasalanan ko at may gusto pang pumatay sa akin? Ano ba kasi ang nagawa ko at kailangan pa akong itago sa mundong ito mula noon. I mean, its been years na hindi ako dito nag aral and it seems like ngayon lang ako pinaaral dito ni Lola kasi ba nasa tamang edad na ako para malaman ang isang sikreto na tila bang tinatago nila sa maraming taon?
"Students, you need to go to your magic classes right now. The teachers have just arrived."
Sabi ni Ms. Alexa kay lumabas na kami sa kwarto at lumabas sa dorm. Naka sunod naman sa amin sila James pero di ko gusto na lumingon.
————
Nandito na kami sa magic room at pumasok na si Mr. Saldua at agad naman kaming tumayo at binati siya.
"Good morning, Mr. Saldua!" Sabi namin.
"Good morning, class." Sabi naman niya at pina upo na niya kami.
"Okay. So kagaya kahapon, papasok parin kayo sa tig-i-isa niyong cubicle." Ngumiti siya sa amin at tumayo na kami para pumunta sa likuran.
Papasok nanaman ako dito at sana makikita ko si papa para maipaliwang niya sa akin ang lahat ng maayos. Binuksan ko na ang pintuan at pumasok na sa loob.
Kagaya nung una kong pagpasok dito makulay pa rin ang lugar.
"Lei, nandito ka na pala."
Napalingon ako sa nag salita at nakita ko si papa. Ngumiti lang siya sa akin kaya nginitian ko naman siya pabalik.
"Pa..."
"Oo. Yung napanaginipan mo bah?"
Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi inunahan na niya ako.
"Lei, ako yung nagsulat sa libro. Yung sulat para kay James, ako ang gumawa nun para naman ay mailayo ka sa kapahamakan. Hayaan mo nalang siya na bantayan ka at wag ka ding mag-isip na tinuturing pa kita na bata dahil kailangan mo pa ng bantay. Di lang talaga kasi natin alam kung kailan susugod ang Octavia para kunin ka at baka ank pa ang kaya nilang gawin sa 'yo." Paliwanag niya.
Octavia? Ano yun o sino sila? Mga kalaban ba sila? Anong nagawa ko't kailangan pa nila akong patayin?
Sunod-sunod na tanong sa isip ko.
"Ano ba kasing nagawa ko at kailangan pa nila akong patayin? Tanong ko.
"Lei, di mo maiintindihan sa ngayon kung sasabihin ko sa 'yo ang totoo." Sabi niya
Ano bang ibig niyang sabihin? Akala ko bang nandito ako para malaman ang sikreto at dahil nasa tamang edad na ako para malaman kung ano man ang tinatago nila?
"Pero bakit pa ako nandito kung di mo rin pala sasabihin?"
Napabuntong hininga nalang si papa sa tanong ko.
"Lei, hindi kalang nagtataglay ng kapangyarihan. Meron karing trono sa kaharian ng Midlasya."
Kaharian ng Midlasya
Di ko kayang magsalita sa narinig ko. Kaharian? Ano ako prinsesa?
"Isa kang prinsesa."
Mas nagulat ako sa sinabi ni papa. Teka, ano?
"Ano? Pero bakit?" Tanong ko
"Naging hari ako Midlasya. 13 years akong nasa trono. Naaalala mo ba yung sinabihan ka ng naaksidente kami? Kagagawan yun ng Octavia. Iniwan ka namin sa kabilang mundo para hindi ka nila makuha. Hindi naman talaga ako namatay kasi yung mama mo lang ang namatay. Kinuha ako ng Octavia at tinanong kung nasaan ka pero di ko sinabi. Maraming taon kong itinago sa kanila ang totoo at ginawa nila akong alipin." Sabi ni papa. "Si Erando ang gustong pumatay sa 'yo. Kasi gusto niya na ang anak niya ang magmamayari sa trono. Si Elayna." Dagdag pa niya.
What? Dahil lang sa trono papatayin ako? Eh okay lang naman sa akina ah. Big deal ba 'yon?
"Edi sabihan niyo nalang na okay na kung si Elayna ang magmamayari ng trono. Wala akong pakialam 'dun." Sabi ko
"Lei, di mo kasi naiiintindihan. Gusto ng mama mo na ikaw ang magmamayari ng trono. Ikaw ang napili niya at dapat ikaw lang, wala ng iba." Sabi ni papa
"Pero bakit ako nandito sa Dream Academy ku g inilalayo niyo pala ako kay Erando? Mas protektado panaman ako dun sa kabilang mundo ah?" Tanong ko.
"Kaya ka nandito para maihanda mo ang sarili mo. Para matutunan mong gamitin ang kapangyarihan mo at para kung magkakaharap kayo ni Erando o si Elayna, kaya mo nang protektahan ang sarili mo." Sabi ni papa. "Mas magpapakita sila sayo sa mga panaginip mo kasi mas makapangyarihan sila sa loob ng utak mo pero kaya mo silang labanan at kaya mo silang manipyulahin kung kaya mo na rin."
Di na talaga ako makapaniwala sa mga nalalaman ko ngayon. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala na akong ibang iniisip kundi ang pagiging prinsesa ko, isa pala akong 'nawawalang prinsesa'.
Madami bang mundo dito? Di na ako nakakaisip ng tama sa mga narinig ko. Kaya ba mayparang iba akong naramdaman nung dumaan kami sa dalawang malaking puno na nagkokonekta yung itaas. Parang may dumaloy na kung ank sa katawan kl na di ko maipaliwanag. Nung una binabalewala ko lang pero ngayon nagtutugma na, yung kakaibang nararamdam ko sa Magic Tree. Marami pa nga akong dapat malaman at uungkatin ko lahat ng sekreto.
Sa ayaw o sa gusto ko. Dapat kung makuha ang trono dahil yun ang bilin ni mama bago panaman siya namatay. Di ko rin sasayangin yung mga taon na naging alalay si papa na isa palang hari dahil lang sa pagpoprotekta sa akin. Di ko yun sasayangin kasi naghirap silang ilayo ako sa mundo na maraming gustong pumatay sa akin, sa mundo na kakaiba at napupuno ng misteryo. Masasayang lang ang mga pinaghirapan nila kung di ko makukuha ang tronk kaya dapat talaga akong matuto sa pag-gamit ng kapangyarihan.
Nagpa-alam na sa akin si papa at lumabas na ako sa cubicle ko. Nakita ko na si James, Jane, Jake at Marie palang ang nasa room.
----
Author's Note.
Eyoow! Haii! Im sorry if maliit lang ang chapter na ito. Tsaka minsan nalang po ako makakaupdate. Busy sa school since malapit nang mag march.
BINABASA MO ANG
Dream Academy: The Mystery of Magic Tree
Fantasy[On Going] Started: January 19, 2019 Finished: ***** Dream Academy: The Mystery of Magic Tree Si Leidia Narione Darum ay isang ordinaryong tao at may ordinaryong buhay. Hanggang dahil sa isang panaginip na tuklasan niya na meron pala siyang kapangy...