Leynila's POV
Nandito na sila Jake at meron na silang kasamang tatlong babae. Hmm... Magaganda sila at sigurado akong may nagkakagusto sa kanila na kasama rin nila Jake. Naaalala ko na naman ang nangyari tatlong taon na ang nakakalipas at matindi pa rin ang pagsisisi ko sa ginawa ko nuon.
Nandito ako ngayon sa office ng Royal Student Government habang binabasa ang mga profiles sa kasama nila Jake kanina. Ibinigay ito sa akini ni Mrs. Anderya para narin malagay ang pangalan nila sa Magical Board.
"Yoww, Leynila." Sambit ni Waydes. Ang RSG President. "Kumusta ang nabasa mong mga Profiles?"
"Okay lang. Yung profiles nalang ng tatlong babae ang hindi ko pa nababasa." Sabi ko at nagpatuloy ng mag basa sa mga papeles.
Marie Krystal Nicks...
Jane Louise Dennil...Napatigil nalang ako pagdating sa papeles ni Leidia Narione Darum. Bakit parehas sila ng apelyido ng dating Reyna at Harina ng Midlasya?
Hindi kaya... No way. Siya ang nawawalang Prinsesa? It can't be. Itinago na siya sa mundo ng mga normal na tao diba?
"Oo siya ang nawawalang prinsesa. At delikado siya kapag nalaman ito ng Octavia, manganganib ang buhay niya."
Napatingin ako sa nagsalita si Headmistress Cole. Alam na din pala niya, siguro mas na una nilang nalaman ang tungkol kay Leidia.
"Anyway, nandito ako para sabihin sa inyo ang na plano kong isang kompetisyon sa Royal Students. Ang Royalty Competition." Pagkasabi nun ni Headmistress Cole ay nagkatinginan kami ni Waydes.
"Hmm... Nice idea, Headmistress. Pero pwede ba naming malaman kung ano ang gagawin ng mga Royals sa kompetisyon na ito?" Sabi ni Waydes kaya tumango nalang ako sa sinabi niya.
"Ang gagawin lamang nila ay mag lamangan sa mahika. Ang mga Royals ay may iba't ibang kapangyarihan na hindi kaya ng Archery at Wizardry." Pagpapaliwanag nito. "Mag-eensayo sila para maipalabas ang mahika nila. Bibigyan natin sila ng Tatlong buwan."
"That's a great idea! Well ipaparating ko nalang ito sa Secretary para ayusin ang lugar kung saan sila mag eensayo." Sabi ni Waydes. "Headmistress, mauna na po ako." Dugtong pa nito at tsaka lumabas sa office.
Ngayon kami nalang dalawa ni Headmistress ang naiwan sa office.
"Uhm... Ako nalang po ang bahala kina Jake at sa matutulugan nila. Kasi... Diba dito muna sila sa loob ng ilang buwan?" Sabi ko kay Headmistress.
"Sige. Pero Leynila, gusto kong ikaw na rin ang in-charge sa pagbabantay kay Leidia. Huwag mong hahayan na malaman pa ng iba na siya ang Prinsesa sa Midlasya." Sambit niya sa akin.
"Huh? Pero paanong hindi nila malalaman na siya ang Prinsesa sa Midlasya kung sasali siya sa Royalty Competition?" Nagtataka na tanong ko.
"Di naman natin ipapaalam ang mga kaharian kung saan ng galing ang mga Royals." Sabi niya.
Tumango nalang ako at sa isang iglap lang ay naglaho na sa paningin ko kay Headmistress Cole.
Inayos ko na ang mga profiles na nasa lamesa para lumabas na sa office. Pagtingin ko sa orasan ay Lunch time na pala.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Leidia's POV
Nandito kami ngayon sa Cafeteria dahil lunch time na. Napamangha talaga ako sa cafeteria nila, malaki ito at ang ganda ng design.
Sila Jane at Marie nalang ang kumuha sa pagkain ko kesyo Prinsesa daw ako. Aishh! Naiinis ako sa pag trato nila sa akin, dapat di nalang nila nalaman para pantay-pantay ang turingan namin bilang mag kakaibigan.
BINABASA MO ANG
Dream Academy: The Mystery of Magic Tree
Fantasy[On Going] Started: January 19, 2019 Finished: ***** Dream Academy: The Mystery of Magic Tree Si Leidia Narione Darum ay isang ordinaryong tao at may ordinaryong buhay. Hanggang dahil sa isang panaginip na tuklasan niya na meron pala siyang kapangy...