Chapter 18 - Night to Remember 2

976 12 2
                                    

CJ'S POV




Nakaupo lang ako dito sa table  namin habang pinapanood ko silang sumasayaw sa dance floor.

Ehh, napagod na ako e. Ang sakit na nga ng paa ko kakasayaw kanina, kaya pahinga muna ako saglit.

Wala pa namang slow dance eh ^_^

Nagpaalam sa'kin si Kylke na dun daw muna siya sa mga kavarsity player niya. Gwapong promdate! Grabe! :D

Eh since, hindi naman ako KJ, pumayag na lang ako. Bait ko no? I know!

At dahil sa kabaitan ko, ang loner ko tuloy dito sa table. Nasa dance floor kasi sila Ella and my other friends eh. Ayun, hari at reyna ng dance floor. Hiyang hiya naman ako sa kanila.. 

Niyaya nila ako but I refused. E kayo ba naman sumayaw ng naka 5 inch heels. Sige nga! Di ba kayo mapapagod at sasakitan ng paa? 

"Hm. Mag isa ka ata?" 

Lumingon ako sa nagsalita..

"Hindi! Dalawa ko eh. Ayan kasama ko oh! Dalawa kami!" Sabi ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko, he sighed and said, "Ang korni mo talaga forever Cj."

"Haha. Ba't ka ba nandito? Ha? Jaden!" Tannong ko sa kanya.

"Nabobored ako eh." Sabi niya.

"Pfffft! hahaha! Ikaw? Hahaha nabobored? Hahaha Nagpapatawa ka ba? Effective! Hahaha!!" Ako. 

Okay lang siya?

Prom to! Just so he know!

Prom po ito tapos nabobored siya?

Pffft. hahaha

"I'm serious." Jaden. Halata nga sa mukha niya na seryoso siya.

"Ba't ka naman bored? Jusme, isayaw mo na lang yung gusto mong isayaw!" ako.

Bigla siyang tumayo sa harapan ko. He reached out his hand at sinabing, "Can I have this dance?"

Hala?! 

Wala ba itong gustong isayaw na iba?

You've Filled My Heart Secretly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon