012

1.8K 72 32
                                    

012: I'll Try

"Welcome back! Namiss ka namin dito!" sabi ni Ate Reese sabay yapos sa akin. Siya 'yung isa sa kasama ko dito sa dorm namin sa university. Linggo ngayon at dahil nga papasok na ulit ako bukas ay dito na ulit ako tutulog sa dorm. I was still lucky... dahil hindi natanggal iyong scholarship ko kahit pa matagal akong nawala. Kahit isang linggo lang naman akong hindi nakapasok. Feeling ko kasi sobrang tagal. Grabe. Nakaka-bagot sa bahay.

After kong maayos 'yung mga damit at gamit ko, pinilit ko 'yung sarili ko na umikot sa school. Wala namang tao dahil wala namang pasok. Sabi kasi nung doctor, maglakad-lakad daw ako palagi para maexcercise 'yung binti ko at mas bumilis 'yung recovery nito.

Hapon nanaman kaya hindi na masakit 'yung init ng araw at malilom na. Sobra kasing init palagi dito sa university, buti na lang medyo malamig ngayong January at masarap pa 'yung hangin.

I was mindlessly walking when I stopped at the arch. Tsk. This arch. Muntik na 'kong hindi maka-graduate ah. Pero kasalanan ko naman. Tawid pa ako ng tawid. May pa-witness witness pa ako kasama si ano. Ayan tuloy, hindi kami nagkatuluyan. Tsk. Malas na arch. Sinusumpa ko, lahat ng couple na tatawid dito, hindi magkakatuluyan!

Kapag kaya tumawid ulit ako, magkaka-lovelife kaya ako?

Babalik nga ba sa dati?

Syempre hindi.

Ano namang pake nung arch na 'to sa mga nangyari sa amin, di ba? Wala.

"Naks, nandito ka na pala ulit," dahan-dahan akong tumalikod at nakita ko si CJ. Naka-jersey shorts at nike t-shirt, mukhang bagong palit lang at galing sa training. I was about to answer him when I saw them. Nakita ko 'yung team na kumakaway sa akin at papalapit na sa amin. Kumaway din ako pabalik. I was all smiles... kaso nawala iyong ngiti ko ng harangan ni CJ 'yung view.

"Problema mo?" tanong ko.

"Ako nga unang nakakita sa 'yo, iba naman ang hanap-hanap mo."

"Ha?"

"Mauunahan nanaman ako," sabi niya lang. Tatanungin ko pa sana kung ano 'yon kaso nandito na 'yung team. Kaagad kong niyapos si Kuya Renzo at Marvin. Wala lang. Namiss ko talaga sila. Kung nandito lang si Kuya Embons, nako. Nakakamiss din talaga 'yung isang 'yun. "We missed you!" ani Kuya Renzo. Ngumiti ako dahil alam kong wala siya. Hindi ko pa ulit siya nakikita. Huling kita pa naming dalawa... nung paskuhan. I tried my best not to look for him. The whole team was a great distraction, besides... hindi din naman siya nagawa ng paraan at galaw para kausapin ako, kahit na alam niya namang ganoon ang nangyari sa akin.

"Kakatapos lang ng training niyo?" tanong ko kay Nat. Naglalakad na sila ngayon palabas ng university. May pupuntahan pa ata sila. Ako naman, pabalik na sa dorm kaya sumabay na ako sa paglalakad. Sakto, si Nat 'yung nakasabay ko. Nauuna kasi si CJ. Si Brent naman... ewan. Nasa Tarlac daw. Lagi naman talaga 'yung missing-in-action.

Tumango si Nat. "Okay ka na?"

"Yeah... hindi pa nga lang ayos 'yung lakad ko. Masakit pa pag nilalakad, pero kaya ko naman 'to. Strong kaya ako," sabi ko sa kanya.

"Ikaw pa," sabi niya.

"Oh, baka may mabuo d'yan sa likod ha!" sabi naman bigla ni JM.

"2019 na, 'wag na sana tayong issue," sabi ko. Para sa kanila 'yung lahat. Lahat na lang kasi. Konting usap, crush agad. Konting ngitian, may something agad. I mean... can't I just be friends with one of them? Hindi ba pwedeng kausapin dahil wala lang? Dahil kaibigan lang—kaibigan nga lang ba? Tsk! Of course, kaibigan lang! Eh bakit ko ba tinatanong sarili ko? Eh magkaibigan lang naman talaga kami ni ano ah. Sa pagkakaalala ko, hindi naman naging kami. Tsk. Past is past.

"Kamusta naman?" si Ken na ngayon 'yung katabi ko dito sa likod. Sinabi ko sa kanya 'yung sinabi ko kay Nat. "Miss ka na nun," sabi niya sabay sipat kay CJ na katabi ni Kuya Germy. I just shrugged. "Hindi mo ba miss?"

"Syempre, miss... miss ko kayong lahat," sabi ko agad kasi aasarin niya na sana ako. Isa pa 'tong si Zamora.

"Eh si ano, miss mo ba?" tanong niya kilala ko nanaman 'yung tinutukoy niya.

"Kung miss niya ako, edi miss ko din siya."

"Eh what if... hindi ka miss?" he asked.

"Edi..." I trailed off. Pake ko. "Hindi."

"Totoo? Wala lang sa 'yo?"

Tumango ako. "Of course."

"Eh what if... may iba na?"

"Pake—"

Pinigilan ako ni Ken. "Ewan ko lang kung masabi mo 'yan kapag nakita mo na sila. Sana lang, wala ka talagang pake kapag nakita mo na."

"Ang a–alin?" tanong ko. Kinakabahan na sa mga sinasabi niya. Ano naman ang dapat kong makita? Nakita ko nanaman ah. Last year pa. Hays.

"Just see for yourself," he smiled at me bago siya umuna sa paglalakad sa akin. Tumigil na ako sa lakad. Nung medyo malayo na sila tyaka lang ako sumigaw ng ba-bye sa kanilang lahat. Lumingon lang naman sila tapos nag-wave din sa akin ng bye. Okay na sana. Masaya na sana lahat, kaso, may isang hindi nag-bye.

Galit ata si CJ.

Bumalik na lang ako sa dorm. I was walking mindlessly again ng matigil ako dahil sa lalaking nakaharang sa entrance ng dorm. "Don't drift away," he said while smiling at me.

Naiiyak ako hindi ko alam kung bakit. Siguro... dahil sa frustration. Ngumiti ako sa kanya bago kinuha ang bouquet niyang dala. "I'll try not to," I told him and Brent only smiled back at me.

The Girl Not The Fan 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon