021

1.5K 59 45
                                    

021: In The Rain

I was far from being okay. I was super far from being okay. Sabi nila, time heals all wounds... but there are some things that time cannot mend. Iyong mga bagay na nagiiwan na ng marka sa puso at sa buhay mo. Iyong mga bagay na hinding-hindi mo na makakalimutan pa.

I was happy for him, really. Gaya ng sabi sa isang kanta, if happy is her, I'm happy for you. He looked so happy looking at her. They both look so in loved with each other.

Tayo... ganyan rin ba tayo noon?

Ganyan ka rin ba sa akin?

Ganyan mo rin ba ako tingnan?

Do you look at me the way you looked at her? Do you smile like that whenever you're looking at me? Do you even look at me when I wasn't looking?

I hope you do... dahil masaya na ako, malaman ko lang na kahit isang beses sa buhay mo ay tiningnan mo ako ng ganyan. Tiningnan mo ako katulad ng pagtingin mo sa kanya.

Bab, hindi pa din ako magagalit sa 'yo, kahit ilang beses mo akong saktan. Kahit ilang beses mo na akong pinaiyak. Basta ipangako mo lang sa aking sasaya ka. Magiging masaya ka sa kanya... that's enough for me.

You once made me happy in my life and I'm very much thankful for that.

I pursed my lips while looking at them. Inabutan niya si Toby ng bottled water after training. Parang noon lang, ako ang gumagawa nyan sa 'yo. Ako 'yung nandyan sa tabi mo. Ako 'yung number one fan at cheerleader mo.

Time really flies so fast.

Hindi mo namamalayan, ang dami na palang nagbago.

Nang matapos na ang training nila, nauna na kaagad silang umalis. I heard Ira saying na may date pa daw 'yung dalawa kaya nauna na silang umalis.

Lucky girl.

Sana 'wag mong saktan ang bab ko. Sobrang mahalaga 'yan sa akin.

Mukha namang mabait siya... sana nga. Mukha namang mahal na mahal niya din si Toby, kaya masaya na ako doon. Pipilitin kong maging okay. Kung masaya na siya sa iba, tatanggapin ko.

"Hey... you okay?" Brent asked.

Tumango ako. "Oo naman, bakit hindi?" I asked him.

"You know what I mean."

"Ikaw okay—" I was cut off when we both looked at the person who called his name. I immediately frowned at the sight and the person waving and smiling sweetly at Brent.

"Brent!" she waved her hand.

Why was she here anyways?

Tumakbo na siya palapit sa amin. Mukhang may saturday class yata siya kasi naka-uniform siya. She kissed Brent on the cheek. Ganoon talaga siguro sila ka-close. Palagi na lang may pahalik sa pisngi, e. "Tapos na ba ang training mo?" she asked.

Brent nodded. "So, let's go na? You'll treat me pa to my favorite resto, right?" she asked, all smiles as if I wasn't here. Ni hindi man lang ako nagawang balingan ni ate girl.

Nilingon ako ni Brent, tyaka lang din ako tiningnan ni Ate Frida. Nakita kong napasimangot kaagad siya ng makita ako. The feeling is mutual. "Hey... una na kami ah? Pasabi na lang kay Coach na nakaalis na ako," sabi ni Brent bago tumayo at bago kinuha ang bag niya.

I nodded and tried to smile. "Sige, ingat kayo and enjoy," sabi ko bago tumayo na din at lumakad papunta kay na Kuya Zach para hindi ko na sila makita pa.

The Girl Not The Fan 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon