Use the #TGNTF or #TGNTF2 if you're gonna tweet something about the story and thank you for the never ending support. I really appreciate you all! 😊
014: Sundo
One week lang akong hindi pumasok, pero grabe! Ang dami ko kaagad namiss at kailangang gawain na mga plates. Tinatambakan yata talaga kami ng mga prof ngayong second sem para daw mas ma-challenge kami. Kasi nung first sem daw, medyo maluwag pa sila sa amin at sa mga pinapagawa nila. Kaya ngayon, babawi daw sila. Tsk! Lalo na 'yung isa naming prof, ang taray-taray, ang dami-dami din pinapagawa... and she didn't even give me some consideration! Gaya nung mga kaklase ko, kailangan ko din ipasa lahat ng plates na pinapagawa niya sa Friday... it's already Wednesday today! Mabuti 'yung mga kaklase ko, for this week lang... eh ako, pati 'yung nung last week.
"Oh, bakit mukhang stressed na stressed ka d'yan?" tanong ni Dency habang naupo sa tabihan ko.
"Paano bang hindi? Eh ang dami-dami kayang plates. Natambakan na ako."
He clicked his tongue. "Kaya mo 'yan, ikaw pa..." sabi niya lang. "Saan ka ba nahihirapan? Ha?" tanong niya.
"Sa lahat," sabi ko bago umubob. "Wag mo muna ako guluhin," sabi ko kay Dency nung kinukulbit niya ako. Tumigil din naman siya sa pangungulit sa akin. I just wanted to rest... ni wala pa nga akong isang linggo na napasok pero pagod na pagod na agad ako. Feeling ko talaga may galit sa akin 'yung prof kong 'yun, e. Alam niya naman na scholar din ako at madaming ginagawa... but, whatever. Pinili ko naman 'to. Kaya dapat kayanin ko 'to. Kung unang taon pa lang pasuko na ako, what more pa sa mga susunod na taon, 'di ba?
"Nakakapagod," sabi ko kay Dency ng tapos na finally ang last class namin. Seven thirty na natapos 'yung class namin. Gustong-gusto ko na talaga magpahinga. Kinuha ko na 'yung bag ko at tyaka lumabas ng room. Pagkalabas ko, tumigil muna ako saglit sa labas kasi medyo nararamdaman ko nanaman na masakit iyong binti ko. Sumandal ako sa pader bilang suporta sa sarili ko.
"Hindi ka pa uuwi?" he asked.
"Three minutes."
"Ah... gets," sabi lang niya. Ano daw? "Nasaan na 'yung sundo mo?" Dency asked me.
Napatingin ako sa kanya. "Sundo?"
"Yung basketball player? 'Di mo ba 'yun boyfriend? 'Yung laging sumusundo sa 'yo dito noon?"
Natigilan ako. Ilang segundo pa bago ako dahan-dahan na umiling sa kanya kasi... ano nga ba kita?
Ano nga ba tayo?
"Hindi. Hindi ko 'yun boyfriend," sabi ko kaagad sa kanya. "Mina-manage ko lang," I tried to make it sound casual.
"Mina-manage pero laging may pasundo? Wow ah," sabi niya with matching crossed arms. Kumunot ang noo ko. "I-manage mo nga din ako."
"What?" I asked. "Sinasabi mo?"
"Wala," sabi niya tapos ginaya niya na ako. Sumandal din siya sa pader katulad ko. "Akala ko boyfriend mo 'yon. Lagi ka kasi sinusundo dito, gabi-gabi eh, walang palya. At saka usap-usapan din na kayo nga daw."
Natigilan ako. Wala ba talagang palya 'yung pagsundo niya sa 'kin noon?
"Alam mo, chismoso ka din talaga eh no?" sabi ko sa kanya. Ang daldal niya talaga ever! As in. Lagi na lang siyang may masasabi. Sarap mag-headset minsan kapag kasama 'to eh.
BINABASA MO ANG
The Girl Not The Fan 2
Fiksi PenggemarAs the student manager of the UST Growling Tigers and an architecture student, Laura has struggled to keep up after everything that has happened. Choosing to remain part of the management team only meant one thing: uncovering the truth behind their...