016

1.7K 60 12
                                    

016: Favorite

It felt better hugging Dency. Alam mo 'yon? Siguro, sa ngayon, si Dency 'yung taong maituturing ko na matatakbuhan at kailangan ko kapag gulong-gulo na ako sa buhay. Lalo na ng yakapin niya ako pabalik. I just cried the whole night... iniiyak ko lang lahat sa kanya kagabi. Hanggang sa naubos na 'yung mga luha. Hanggang sa walang-wala na akong maiiyak pa. Medyo gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Dahil hindi naman nagtanong ng kahit ano si Dency. Hindi din siya maingay.

He just... stayed.

Isang bagay na hindi mo ginawa.

Pero, ngayon... hiyang-hiya na ako at hindi ko pa kayang magpakita ulit sa kanya. Nakakahiya talaga ang mga ginagawa ko sa buhay minsan.

Messenger
Dency Tantiangco
You okay?

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang, ayaw ko munang makita si Dency kasi hiyang-hiya pa din talaga ako sa pagabala ko sa kanya kagabi. I ended up going sa QPAV, kahit ayoko... kaso si Coach Aldin 'yung nagmessage sa akin. Kaya naman napilitan ako.

Mas okay na din 'to, kahit naman nandito siya, hindi ko din naman siguro siya mapapansin dahil madami naman akong pwedeng kausapin sa team.

"Umiyak ka ba?" tanong ni CJ ng makita niya ako. Wala siya dito, may klase pa daw sabi ni Macoy kahit hindi ko naman tinanong. Pero mas okay na wala siya dito. Ayoko din naman siyang makita talaga. Baka masaktan lang ulit ako kahit hindi naman dapat.

Umiling ako kay CJ, kahit sobrang obvious naman na umiyak ako dahil pugtong-pugto ang mga mata ko. Lahat na nga nakakakita sa akin, 'yan ang tinatanong. "Umiyak ka kaya."

"Alam mo pala eh, bakit ka pa nagtatanong?"

Umupo siya sa tabi ko. "Ang taray."

Hindi ako sumagot. "Lath," tawag niya. Hindi ko siya tiningnan o nilingon man lang. "Bakit ka nga umiyak? Seryoso..." tanong niya. "May problema ka ba sa bahay? Sa school? May nangaaway ba sa 'yo? May nanakit ba sa 'yo? Sabihin mo lang sa akin, at susuntukin ko."

Umiling lang ako sa kanya. Nakatingin lang ako kay Kuya Zach na nagdi-dribble ng bola. Halos mapatalon ako ng magulat ako ng hawakan ni CJ ang balikat ko. "A–ano?"

Tumawa siya. "Magugulatin ka talaga."

Inirapan ko lang siya bago ako umisod palayo sa kanya. "Knock knock."

"Pasok," bara ko.

"Dali. Havey 'to. Promise."

"Knock knock," ulit niya.

"Pagbigye," sabi ko. "Who's there?"

"Nanggugulong baka."

Napataas naman ang kilay ko. Bakit hindi familiar 'yung joke sa akin?

"Nanggugulong baka—"

"Moo!" sigaw niya.

"Nanggugulong baka—"

"Moo!"

"Parang tanga lang CJ, hindi ko matanong sa 'yo, kung guguluhin—" Natigilan ako ng ilang segundo, bago ko tuluyang narealize 'yung joke niya. Tiningnan ko siya, bago ako sumimangot sa kanya. Tawang-tawa siya sa joke niya! "Ang waley," tapos natawa na din ako. Nakakahawa kasi 'yung tawa niya! Parang ewan, joke niya na nga, tawa pa niya! Tawang-tawa talaga si Cubby oh!

The Girl Not The Fan 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon