020

1.4K 58 47
                                    

020: 43 days

"Pinapaaral ka ng unibersidad na ito, baka nakakalimutan mo na 'yan, Ms. Torres," sabi sa akin ng professor kong malaki yata talaga ang galit sa akin. Matagal ko na 'yun napapansin. Simula pa lang, lagi na lang ako ang gusto at napapansin niya. Napapansin na pagalitan. Napapansin ang mga mali. Hindi ko din alam kung bakit.

Pinagapagalitan niya ako ngayon sa harap ng lahat ng mga kaklase ko. Ni hindi man lang niya naisip na pwede niya naman akong kausapin ng kami lang dalawa. Nakakahiya. Sobra. "Scholar ka ng unibersidad na ito, libre kang pinapaaral, kaya kailangang lahat ng ginagawa ng mga kaklase mo ay mas doble pa ang effort na gagawain mo para makahabol sa lahat ng mga ginagawa nila kung gusto mo pang tumuloy sa pagaaral ng Architecture at kung may balak ka pa."

Sa totoo lang, nasa College of Architecture ang pinaka-matataray na professor. Kaya hindi ko din alam kung bakit nandito pa ako. Bakit pa ba ako nananatili? Hindi naman na ako masaya dito.

"Yes, ma'am," tango ko habang nakatungo. I was trying my best to stop myself from crying, because that would only make things worse. Mabuti na lang, naki-ayon naman sa akin ngayon. Kasi, hindi ako naiiyak. Siguro nga, naubos na talaga ang mga luha ko.

"Pass all your plates on monday at lahat pa ng namiss mo, kapag hindi mo pa din naipasa, I'm sorry to say this, Ms. Torres, pero ang grades mo ang nakasalalay dito," aniya bago mabilis at galit na lumabas ng room.

Kaagad kong kinuha ang bag ko. Everyone was looking at me. Na para bang kaawa-awa ako. Pero, tama naman. Nakakaawa na talaga ako.

Kaagad akong natigilan ng hawakan ni Dency ang braso ko. "Okay lang ako," sabi ko kaagad sa kanya. Kasi okay lang naman talaga ako. Kahit iyong mga luha ko, kaunti na lang ay tutulo na. Hindi pa pala sila ubos. "Hayaan mo na muna ako, please?"

Dahan-dahang lumuwag ang hawak niya sa aking braso kaya lumabas na ako. Pagka-labas na pagka-labas ko naman ng room ay nandoon si Toby.

"Lath," he called. "Usap tayo."

* * *

Sabi nila it takes fifteen months and twenty-seven days to forget someone you loved with all your heart. Kasi kung mabilis mo lang daw nakalimutan ang isang tao, ibig sabihin lang noon, hindi mo talaga siya lubusang minahal.

Minahal ko naman siya ng lubos at totoo... pero paano kung napapagod na talaga ako? Paano kung ayoko na? Paano kung tapos na ako?

What if I wanted to be a better person? What if I wanted to move on? What if I wanted to forget already? What if I wanted to be finally okay?

Nakakapagod na kasing masaktan.

Pero... kailangan ko pa bang gawain lahat ng 'yon sa loob ng labinglimang buwan at dalawampu't tatlong araw? Hindi ba pwedeng kalimutan ko na siya at lahat-lahat ngayon?

"Naks," bungad sa akin ni JM pagkapasok ko pa lang ng QPAV. I rolled my eyes at him. Sigurado akong aasarin niya nanaman ako. "Nandito na ulit siya oh," sabi pa niya.

I just shrugged at him. Nilampasan ko na siya at tumuloy na ako sa mga bleachers at doon umupo. Kaagad kong nilabas ang notes ko at nagaral dahil may quiz daw kami sa class mamaya. As much as possible, nag-aadvance reading na ako sa lahat ng subject ko. Para if ever man na may surprise quiz, may maisasagot ako.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Nat at umupo sa tabi ko. Tumango lang ako sa kanya. "Wag kang iiyak, ha?"

Tumango ulit ako sa kanya. Maya-maya pa ay tinabihan na din ako ni Ken. "Okay ka lang?" tanong niya din. Tumango lang din ako. "Wag kang masasaktan, ha?" sabi niya.

I looked at him. "Alam ko na, hindi mo na kailangang sabihin, okay?"

Nagkibit balikat lang siya sa akin bago drinibble-dribble ang bola. Nakita ko naman si Brent at CJ na sabay pumasok sa QPAV. It's saturday today, pero sabi ni Coach kailangan daw na nandito ako ngayon kasi may ipapagawa daw siya sa akin.

Biglang umalis si Ken at Nat sa tabihan ko. Hindi ko din alam kung bakit. Naging matahimik naman ang pagaaral ko sa QPAV ng isang oras, dahil busy silang lahat sa training. Natigil lang ako sa pagaaral ng dumating na sila. Nalaman kong nandito na sila kasi nagingay na ang mga lalaki at sinalubong silang dalawa.

I closed my notes and looked at them. Maganda. Matangkad. Pwede na. Itinago ko na sa bag ko iyong mga notes ko bago tumayo at lumapit sa kanila. Toby looked shocked seeing me. Nginitian ko siya ng tipid bago bumaling sa babaeng kasama niya. "Hi, I'm Lath," sabi ko sa kanya.

Biglaang nanahimik ang buong arena ng marealize nila na nandito na din pala ako at nagpapakilala sa kanya. Walang umiimik sa kanilang lahat. Parang ewan lang. The girl awkwardly smiled at me, dahil naramdaman niya din siguro ang panahahimik ng mga lalaki. She accepted my hand and shook it.

"Hi, I'm Toby's girlfriend."

It takes fifteen months and twenty-seven days to move on from someone you truly loved with all your heart... but it has only been forty-three days, yet you already found someone to replace me.

"Nice to meet you," I smiled as I realized that he never loved me at all.

The Girl Not The Fan 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon