Before you start reading this chapter, I just want to thank you—yes, you! For reaching until this chapter. Without you, I wouldn't be able to finish this. Without your comments and tweets, I wouldn't be able to update this. Sorry if na-on-hold 'to, nawalan lang talaga ako ng feels. Salamat sa mga nanatili at hanggang ngayon sinusuportahan pa din 'to. Ang solid niyo! Love na love ko kayo! 😭💛
THE END OF SOMEDAY
Years ago, I always wondered if I'll ever be an Architect someday. If I'll ever be successful someday... kasi sobrang dami ko nang pinagdaanan na pakiramdam ko wala na akong patutunguhan. I almost gave up on life. I was already on the verge of giving everything up. Kasi napagod na ako... sa buhay na mayroon ako.
But looking the site in front of me, masasabi ko na worth it lahat ang nangyari. Kung hindi dahil doon, wala akong matututuhang mga aral sa buhay.
"Architect!" tawag sa akin ni Engr.Robles ang siyang kasama ko sa project na ginagawa namin ngayon. "Approved!" he smiled at me while showing me his thumbs up.
Napangiti na rin ako. "Nice!" sabi ko at nag-fistbump na kaming dalawa. Our team's been working on this project for months now. Halos hindi na nga kami natutulog maging perfect lang talaga ang lahat. At ngayong aprubado na ang lahat sobrang saya ko lang dahil hindi naman pala masasayang ang lahat nang mga gabing wala kaming tulog at mga okasyon na sinakripisyo namin para dito.
"Dahil d'yan, treat ko ang buong team!" I announced and they all cheered for me. Sobrang saya ko dahil pakiramdam ko naman ay magiging successful ang kauna-unahan kong project as the head architect.
Kasi ito 'yun e.
Ito 'yung pangarap ko.
Simula umpisa.
Naglinis muna kami nang mga gamit namin bago kami um-order online. We've decided na magpa-deliver na lang kami para hindi na kami lalabas pa. At ang mga kumag, talagang dinamihan ang order, inaabuso naman nila masyado ang panlilibre ko.
"Thank you, Architect," sabi noong isang intern dito. I smiled at her. She somehow reminded me of myself when I was in college. When I was still studying. Kaya naman hindi ko siya pinapahirapan dito, instead tinutulungan at tinuturuan ko siya ng mga kailangan niyang malaman tungkol sa arkitektura.
"Welcome," sagot ko sa kanya. Kakain na sana ako nang pizza ng bigla akong tawagin ng secretary ko. "Architect, may naghahanap daw po sa inyo sa baba," aniya. Tumango lang ako at lumabas na. Sino naman kaya ang naghahanap sa akin ng ganitong oras? I mean, wala naman akong naaalala na may ka-meeting ako ngayon.
Nang makababa ako, natigilan ako sa lalaking naka-upo sa couch. Hindi ko alam iyong mararamdaman ko... dahil ilang taon na ang nakalilipas. Alam ko na marami na ang nagbago, pero hindi naging maganda ang pagtatapos naming dalawa.
And even until now, there's still guilt inside me.
Knowing that I hurt somebody whose only intention was to love and care for me.
"Hi," I finally said after minutes of looking at him. He changed. Magtataka pa ba ako? Ilang taon na ba ang nakalilipas? Ten years. Sampung taon. Ganoon katagal na nang huli ko siyang nakita. First year college pa kami nang huli ko siyang nakausap at nakasama. Sobrang tagal na. He still has those chinky eyes and that aura—iyong mga tipong napopost pa rin sa chixx files, pero this time pang bachelor's files na ang datingan niya.
Ang gwapo pa rin ng chinitong ito.
Grabe.
Tumayo siya at ngumiti. "Architect," he said.
Napatawa ako. "Masyado ka namang formal, Architect," I answered back. "Long time... no see."
He smiled. Nawala nanaman iyong mga mata niyang singkit. "Long time no see."
BINABASA MO ANG
The Girl Not The Fan 2
FanfictionAs the student manager of the UST Growling Tigers and an architecture student, Laura has struggled to keep up after everything that has happened. Choosing to remain part of the management team only meant one thing: uncovering the truth behind their...