AGAIN, FICTIONAL LANG PO ITO HEHEHEHE
032: Wave
Siguro pinaka-masakit sa lahat ang pakikipaghiwalay ko kay Dency. Hindi niya deserve na masaktan dahil wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako. Alam kong kahit kailan, hindi magiging sapat ang isang sorry lang. Pero, alam naman namin parehas sa mga sarili namin na hindi kami para sa isa't-isa. Mahirap ipilit ang isang bagay na hindi naman talaga. At tanggap ko na ako naman 'yung may mali dito, kasi sinagot ko siya. Pinaasa. Ako lang naman ang kailangang sisihin dito... wala ng iba.
"Are you really sure about this?" the dean of our college asked me. Tumango ako sa kanya. "Sayang..."
Nginitian ko siya ng tipid. "Nahihirapan na din po kasi ako... hindi ko kayang pagsabayin ang pagaaral ko at pagiging student manager ko ng team, kaya I'm sure po na this is the best way... at kung mawala man po ang scholarship ko, hindi po financially stable ang pamilya ko."
"I understand..." ngiti niya sa akin. "Not many are given the opportunity to study at UST."
"I know po..." sabi ko sa kanya
"Just sign the application and tomorrow they will release all your documents."
I nodded as I stood up. "Thank you po," sabi ko bago ako tuluyang lumabas.
Walang may alam. Wala akong sinabihan na aalis na ako at lilipat ng school. Kasi alam kong magtatanong lang sila... at hindi naman nila maiintindihan ang mga rason ko. Dahil tanging ako lang naman ang tanging nakakakilala ng lubos sa sarili ko.
Ever since the accident happened, everything has changed. Lahat nagbago. Sa akin. Sa amin. Hindi ko alam, pero hindi na ako ang dating ako. I was depressed for a month... at matapos ang lahat, pakiramdam ko, humina na ang loob ko. Hindi na ako kasing tapang katulad ng dati.
Nakakapagod pala talagang magpanggap na okay ka lang kahit hindi naman talaga...
Dumiretso ako sa QPAV at nakita ko sila sa na naglalaro. Napangiti ako ng makita sila. For sure, sila ang pinaka-mamimiss ko. Wala na naman siya. Ang tagal ko na din siyang hindi nakikita dito sa court. Hindi na din naman ako madalas bumisita dito at kapag pumupunta naman ako, wala siya.
I miss season eighty-one. Namimiss ko na 'yung dating ako. Kasama ang team. Masaya lang. Puro asaran. Hindi 'yung ganito. Tiningnan ko si Brent at CJ na magkatabi sa kabilang side ng QPAV. Mga taga-UST nga kayo, ang gagaling niyong mang-ghost.
"Lalim ng iniisip ah," sabi ni Nat ng tumabi siya sa akin.
"Medyo."
"Nabalitaan mo na ba?" he asked. Kaagad akong napalingon sa kanya. "Ano ba ang dapat kong mabalitaan?"
"Aalis na si Kuya Germy sa team..."
"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Bakit umalis na siya?" tanong ko at nakita ko ngang wala siya dito sa court. Hindi ba at kasali pa siya sa d-league? Bakit biglaan ata ang pag-alis niya?
He shrugged. "Hindi ko din alam... pero alam mo ba kung sino pa ang umalis?"
"Meron pa?" tanong ko. "Bakit... umaalis sila?"
"Si bab," simpleng sagot niya.
Natigilan ako. "Ano? Bakit niya naman gagawin 'yon? Kailan pa siya umalis sa team?" sunod-sunod kong tanong. Ni wala na akong balita sa kanya kahit ano.
"Itanong mo kaya?"
Hindi ko alam, pero ako 'yung nasaktan dahil umalis na siya sa team. "Ikaw... aalis ka din ba?" tanong ko.
Ngumiti siya at dahan-dahang umiling. "Hindi. Pangarap ko 'to, e."
Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya pabalik. Ikaw... bab, pangarap mo din 'to, 'di ba?
* * *
Hindi ko alam... gusto ko siyang tawagan. Kausapin. O lapitan dito sa school, pero hindi ko magawa kasi pakiramdam ko may makapal ng harang sa pagitan naming dalawa. Hindi na kami mag-kaibigan. At alam ko na kahit kailan, imposible ng bumalik pa 'yung dati naming samahan. Sobrang solid. Yung mga panahong gabi-gabi kami magka-usap... pinaguusapan lang 'yung mga bagay. Minsan, sobrang random.
Nakakamiss. Nakakamiss 'yung taong lagi akong pinapangiti noon. Tiningnan ko ulit ang phone ko. Binuksan ko ang messages naming dalawa. It was torture. Sabi na kasing 'wag magba-backread. Malulungkot ka lang talaga kapag nabasa mo 'yung mga dati niyong messages.
Bab.
Kaagad akong napangiti ng makita ko 'yon. Three letters. That was enough to make me smile.
"Shit," napamura na lang ako ng naclick ko 'yung react sa message dahil sa pagba-backread. Leche! Hindi ka talaga dapat nagba-backread ng messages kapag pasmado ka! Pahamak na kamay! Online siya... kaya sigurado akong nag-notif na 'yun sa kanya.
You waved at Toby Bryan Agustin!
You and Toby Bryan Agustin waved at each other!
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang magtipa ng mensahe para sa kanya.
Message sent!
BINABASA MO ANG
The Girl Not The Fan 2
FanfictieAs the student manager of the UST Growling Tigers and an architecture student, Laura has struggled to keep up after everything that has happened. Choosing to remain part of the management team only meant one thing: uncovering the truth behind their...