035

1.4K 57 21
                                    

035: Beer

Tiningnan ko siya habang naglalakad siya papunta sa unahan. Mukhang madami-dami na din siyang nainom. Umupo siya sa high stool malapit sa videoke bago niya kinuha ang microphone at ngumiti.

"Good evening, mga par!" sabi niya at kaagad namang naghiyawan ang buong team at pumalakpak. "Ako nga pala ang vocalist niyo ngayong gabi," aniya.

Nagsimula na ang intro ng kanta. Kaagad akong natigilan ng ma-realize ko ang kantang kakantahin niya. Beer. Tiningnan ko siya, hindi siya nakatingin sa akin.

"Nais kong magpaka-lasing, dahil wala ka na..." simula niya at naghiyawan nanaman sila. "Nakatingin sa salamin... at nag-iisa."

"Nakatanim pa rin ang gumamelang binalik mo sa 'kin ng tayo'y maghiwalay..."

"Ito'y katulad ng damdamin ko kahit buhusan mo ng beer ay ayaw pang mamatay..."

"Giliw..." kaagad kong naramdaman ang pagsiko nanaman sa akin ni Ira. Tiningnan ko siya ng masama. Nag-peace sign lang siya sa akin bago nagkunwaring wala siyang ginawa. "Wag mo sanang limutin..."

Natigilan ako ng magtama na ang tingin naming dalawa. I missed that look in his eyes.

Hindi ko pa din nakakalimutan ang lahat.

Even after months... it's still you.

Paano ka ba mapapalitan sa puso ko?

"Ang mga araw na hindi sana naglaho, mga anak at bahay nating pinaplano..."

Naalala ko tuloy lahat ng asaran naming dalawa. 'Yung mga lokohan at biruan namin, na ang gusto ko isang dosenang anak. Naalala ko pa ang sabi niya sa akin dati na kapag magkakabahay daw kami, gusto niya ako ang magdi-design. Lahat ng plano namin... sa someday, wala na. Alam mo 'yun? Kapag maaalala mo, mapapangiti ka na lang and at the same time, masasaktan.

Kasi ang daming plano.

Wala namang natupad.

Kasi parehas kaming umalis.

Parehas kaming nang-iwan.

"Lahat ng ito'y nawala nung iniwan mo 'ko..."

Ako nga ba ang nang-iwan?

O siya?

Ano ba ang mas masakit, ang maiwan o ang mang-iwan?

Tuwing mababasa ko 'yan, ang mga sagot ng tao palagi ay mas masakit daw maiwan, kasi wala kang choice. Kung iiwan ka na niya, iiwan ka na niya. Wala kang magagawa doon, kasi desisyon niya 'yon. Samantalang, kapag mang-iiwan ka, desisyon mo 'yun. You had a choice, to stay... or to leave.

Pero para sa akin, mas masakit kapag ikaw ang mang-iiwan. Hindi naman lahat ng nang-iiwan may choice. Some people, their only choice left is to leave. For the better. Para mas maging maayos na ang lahat.

Kasi kung hindi siya aalis, ano na lang ang mangyayari sa kaniya?

Paano siya matututong mag-isa?

Mas masakit mang-iwan, kasi alam mong may maiiwan ka.

Alam mong may masasaktan ka.

At habang buhay mong dala-dala ang lahat ng sakit dahil mas pinili mong mang-iwan.

"Kaya ngayon... ibuhos na ang beer sa aking lalamunan... upang malunod na ang puso kong nahihirapan... bawat patak anong sarap... ano ba talagang mas gusto ko? Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?"

"Para kay bab ba 'yan?" sigaw ni Kuya Renzo.

Isa pa 'to.

Lahat ay aking gagawin

Upang hindi ko na isiping nag-iisa na ako

Ibuhos na ang beer

Sa aking lalamunan

Upang malunod na ang puso kong nahihirapan

Bawat patak anong sarap.

"Ano ba talagang mas gusto ko? Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?" tapos niya sa kanta bago tuluyang bumalik sa upuan niya sa harapan ko.

Nginitian ko lang siya ng tipid. "Ano nga ba talagang mas gusto mo?" I asked him.

Instead of an answer, he only smiled at me.

Nagsimula na silang umupo ng maayos dahil mag-iinuman na daw sila. Kung ano-ano ang pinaghahalo-halo nila. Ewan ko ba. Hindi talaga ako umiinom. Ayoko... baka kasi kapag nasimulan ko na, hindi na matapos. Katulad ko sa 'yo.

"Laro tayong spin the bottle..." sabi ni JM.

Pumayag naman silang lahat. Kumuha na ng isang bote si Dave bago niya ito pinaikot sa gitna. Hanggang sa tumama 'yun kay CJ. Kaagad silang nag-ubohan.

"Truth or dare?" tanong ni Kuya Marvin.

"Truth," sagot niya.

"Sino ang magtatanong?" tanong ni Enrique.

"Ako! Ako!" sabi ni JM. Tiningnan niya muna ako ng makahulugan bago niya ibinalik ang tingin niya kay CJ. "Si Lath na lang pala ang magtanong, mas magandang idea 'yon," biglang bawi niya.

Tiningnan nila akong lahat. "A-ano?"

Tiningnan nila si CJ. "Tanungin mo siya."

Bumuntong-hininga muna ako bago ko siya binalingan. "Pinili mo ay truth..." sabi ko. "Gusto ko lang sana 'tong itanong, matagal na..." sabi ko at lahat sila nakaabang na sa sunod kong sasabihin. Ang awkward tuloy!

"Pwede ko na bang malaman ang wish mo?"

The Girl Not The Fan 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon