READING JAPANESE LANGUAGE BOOK
“Ohayou gozaimasu! Good Morning!
Konnichiwa! Good afternoon! or Hello!
Konbanwa! Good evening!
Arigatou gozaimasu! Thank you!
Hajimemashite! Nice to meet you ‘for the first meeting’
Tsukareta! I’m tired!
Really, I’m so tired learning this, Mommy! I don’t wanna go to Japan. Why do I need to learn all of this? I hate speaking Nihongo and I want to stay here for good. I have no friends in Japan. A pretty boring country ever!” mga negatibong impresyon ni Demmy matapos itakip sa mukha ang nakabuklat na Japanese Language Book at bumulagta sa malambot niyang kama.
“Wala kang magagawa at nagsawa na ako na panay ang patawag ng Guidance Councilor ng school mo sa akin. Napaka-troublesome mo kaya sa Japan ka na magpapatuloy ng pag-aaral mo. Kadalaga mong tao eh napakahilig mo sa gulo.” wika ni Dina, ang kanyang ina habang iniimpake ang kanyang mga bagahe.
“Pero, Mommy..wala akong mga kaibigan doon at hindi pa ako marunong magsalita ng Nihongo. Paano nila ako maiintindihan? At saka ayoko ang buhay doon, hindi ako magiging masaya doon.”
“My decision is final! You must go there, either you like it or not!” puno ng awtoridad na wika ng ginang.
Walang nagawa ang dalaga. Tuloy ang biyahe papuntang Tokyo, Japan.
SA EROPLANO
Nasa kataas-taasan na ng himpapawid at nasa tabi siya ng bintana kaya nasisilip niya ang mga tanawin sa baba at ang mga kumpul-kumpol na mga ulap. Dismayado sa naging disisyon ng kanyang ina, katabi niya sa upuan at tulog na tulog.
Nakita niya ang palipad-lipad na paru-paro sa labas ng bintana. Binaliwala at umayos sa pagkakaupo saka napapapikit ang mga mata. Nang may maalala, napamulagat ang mga mata at nilingon sa bintana.
Napagilid sa pag-upo at lumapat ang mga palad sa salamin ng bintana at napapakunot ang noo na natanong sa sarili kung bakit may paru-parong nakasunod sa eroplano gayong nasa itaas na bahagi na sila ng himpapawid at kay tulin pa ng paglipad. Nilakihan pa ang mga mata at di kumurap ng ilang minuto para matitigan ng husto ang insekto.
Nang makita’y napalunok at saglit na binalingan ng tingin ang nakatulog na ina saka muling napatingin sa paru-paro. Pinitik-pitik ang daliri para tawagin ang atensiyon ng paru-paru hanggang sa bahagya itong napalapit.
Namimilog ang nguso sabay panlalaki pa ng mga mata nang may mapansin na tila may mga paa ito at kawangis ng batang babae ang mukha at katawan na may malalapad na pakpak ngunit sinliit ng isang paru-paro. Puno ng pagtataka at nahihiwagaan siya sa mga nakikita.
Kinurap-kurap ang mga mata para mapatunayan sa sarili na hindi siya nananaginip. At nakompirma na gising na gising ang kanyang diwa at totoo ang kanyang nakikita.
Walang bahid ng takot sa kanyang dibdib bagkus ay ikinatuwa pa ang mga nasasaksihan. Napapangiti at gustong kausapin ang nilalang na ‘yon.
BINABASA MO ANG
My Japanese Boyfriend "Book 1-Eraser"
FantasyKAPAG nga naman narinig natin ang Bansang Japan eh ASENSADO at BRANDED ang mga gamit..Kapag Japanese People eh YAKUSA na kaagad?... Kapag Pilipinang nagja-JAPAN eh JAPAYUKE na?... Hmmm totoo nga ba? At pagdating sa pambansang puno eh panalo ang mga...