Chapter Two

173 3 0
                                    

INSIDE THE CLASSROOM

Totally, nganga si Demmy nang iharap siya ni Miss Yume Yama, ang English teacher at adviser niya. Nakatingin lahat sa kanya ang mga kaklase at ang iba ay nagbubulungan habang sa kanya nakatuon ang paningin, malamang siya ang pinag-uusapan. 

Isinulat muna ni Miss Yama ang kanyang pangalan sa pisara, DEME MAYA, iyon ang pangalan niya sa Japanese. Isang palo ng stick sa mesa ng guro ang nagpatahimik sa pag-iingay ng mga estudyante.

“Minna-San, Maya-San wa atarashi gakkusei desu. Kanojo ni yoroshiku onegaishimasu. Everyone, Miss Yama is a newly student. Please welcome her.” wika ni Miss Yama sabay translate sa English.

Umaksiyon ang kamay ng guro para magpakilala si Demmy sa harap ng kanyang mga magiging kaklase. Nagkaroon ng tensiyon si Demmy at kinakabahan baka magkamali siya sa pagbigkas at pagtawanan lang.

Napabulong si Senjo sa kanya at nakinig naman siya.

“Sundan mo nalang ako. Kailangan tuloy-tuloy ang sasabihin mo kaya makinig kang mabuti ibubulong ko rin ang translation. Ang nihongo na sasabihin ko ‘yon ang bibigkasin mo. Sabayan mo ako..

Everyone…Minna-San

Hello!…Hajimemashite!

My name is Maya, Deme…Watashi no namae wa Maya, Deme desu.

Filipino Citizen…Firipin jin desu

Fifteen years old…Juugosai desu

Pleased to meet you!…yoroshiku onegaishimasu!” ang pakilala niya kasunod ang pagpalakpakan ng mga kaklase niya.

Napapangiti naman siya matapos bigyan ng magalang na pagyuko ang mga kaklase. Ngunit biglang nanahimik ang lahat nang humagis ang eraser mula sa kamay ni Miss Yama at pumukol sa ulo ng estudyanteng natutulog sa kanyang klase. 

“Wake up, Kawa-San! Why are you sleeping in my class? It’s just about eight in the morning. It’s so early to sleep, did you hear me? I’m introducing your new classmate, did you know her name?” galit na tanong ni Miss Yama at nananalim ang pagkatitig niya sa binata.

Dahan-dahan namang napaangat ng mukha si Kawa-San at pinagpagan muna ang ulo nang magmarka ang puting pulbos ng chalk sa kanyang mga buhok saka tumayo at masama ang tingin sa guro hanggang sa niliko ang tingin kay Demmy.

“Boku ni eigo de shabenaide kudasai! Eigo ga daikirai!” galit na wika ng binata.

“Ano ang ibig niyang sabihin?” bulong na tanong ni Demmy sa diwata.

“Sabi niya, huwag daw siyang kausapin sa English. Galit siya sa english. Eigo kasi ang nihongo ng English. Daikirai means, hate. Buko ni means, to me pero lalaki lang ang gumagamit ng BOKU. At Shabenaide means, Don’t talk.” paliwanag ni Senjo.

“Ang sungit naman pala niya.” wika ni Demmy. Lalong nagalit si Miss Yama.

“Kawa-San no mondai wa nandesu ka?” galit na tanong ng guro kung ano ang problema ni Kawa-San.

“Kanojo o kinishinai!” sagot ng binata na wala siyang pakialam kay Demmy.

Biglang nagtawanan ang mga kaklase nila. Napapayuko naman si Demmy na tila napapahiya.

“Tinanong ng teacher mo kung ano ang problema niya. Sinagot naman niya na wala daw siyang pakialam sayo. Kanojo means, Her or She at ang Kinishinai means, Walang pakialam.” paliwanag ni Senjo.

“Ang babaw naman pala ng mga kaligayahan nila dito. Di ko akalaing may mga sayad sila.” bulong ni Demmy kay Senjo.

Pinabalik na siya ni Miss Yama sa kanyang upuan at ang masaklap pa ay magkatabi ang armchair nila ni Kawa-San. Napasilip siya sa notebook ng katabi at nabasa ang pangalan nito.

My Japanese Boyfriend "Book 1-Eraser"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon