SA KUWARTO NI DEMMY
“Demmy, ano na naman ba ang pinaggagawa mo sa eskuwelahan niyo? Nagsumbong si Yama-Sensei sa akin, tinawagan niya ako sa phone, bakit nilayasan mo ang klase niya kahapon sa English? Kailan ka ba talaga titino sa pag-aaral? Hindi ka ba talaga seseryuso?” paulan na tanong ni Dina.
Hindi nakatingin si Demmy at sa TV nakatutok, nanonood ng basketball habang nakaupo sa dulo ng kanyang kama yakap ang isang unan. Parang walang nakikitang tao at walang naririnig.
Lumapit si Senjo sa kanyang tainga at halos pasukin ang butas nito para lang bulungan ang kaibigan.
“Anata no okaasan wa ikatteiru.” sabi ni Senjo na nagagalit na ang kanyang ina.
Walang pakialam ang dalaga, ikinatuwa pa ang pagkapuntos ng kinakampihang team sa basketball. Napapalakpak pa ang mga palad.
“Deme wa kiiteta no?” tanong ng ina kung nakikinig ba siya.
Hindi umiimik si Demmy. Tutok na tutok pa rin sa pinapanood kaya lumapit ang ginang para damputin ang remote ng TV at in-off. Napanganga ang dalaga nang mag-black ang screen ng TV.
Binagsak ang katawan sa malambot niyang kama at itinakip sa mukha ang unan. Nanggigigil ang ginang ngunit sa ganoong ipinapakita ng anak ay wala siyang maaasahang sagot kahit pilitin pa niya.
“Oyasumi.” sabi na lamang ng ginang nang i-goodnight ang anak.
“Oyasuminasai.” tugon naman ni Demmy.
Nang marinig ang pagsara ng pinto ay dali-dali naman siyang bumangon at bumaba ng kama para buksan ang TV. Ngunit tapos na ang pinapanood na basketball kaya agad na niyang pinatay.
Bumaba ng kama at binuksan ang bintana. Nakasunod naman si Senjo sa kanya. Maaliwalas ang kalangitan at maraming mga nagkikislapang mga bituin. Nakapangalumbaba siya sa bintana habang palipad-lipad sa harap ng kanyang mukha ang diwata.
“Doushitano? I mean, what’s wrong?” tanong ni Senjo.
Biglang nanlungkot ang mukha ng dalaga. Kasinlayo ng mga tala ang tingin at malalim ang iniisip. Napalapit si Senjo sa kanyang tainga.
“Paano ba sabihin na nalulungkot ako?” malamig na tinig ni Demmy.
“Watashi wa sabishii desu. Bakit naman?” sagot at tanong ng diwata.
“Eh ano naman ang Namimis ko sa Daddy?”
“Papa ga inai to sabishii desu.” sagot ng diwata.
“Alam mo Senjo, palagi akong nalulungkot kapag naaalala ko si Daddy. Sabi ni Mommy nasa malayo daw siya. Hindi ko naman alam kung saan naroon ang malayo na ‘yon. Bata pa lang ako hinahanap ko na siya. Hindi ko pa siya nakikita ng personal at picture lang niya ang nakikita ko.” malungkot niyang kuwento.
“Kaya ba nawawalan ka ng ganang mag-aral at hindi mo pinapakinggan ang Mommy mo? Pero dapat huwag mong pabayaan ang pag-aaral mo. Kapag nakapagtapos ka na saka ka magkaroon ng trabaho at magkapera ka. Kahit saan mo gustong pumunta magagawa mo at posible mo pang makita ang Daddy mo. Kaya mag-aral kang mabuti.” hikayat ng diwata.
“Tama ka. Pero hindi ko alam kung paano makipag-usap sa mga tao dito. Si Mommy naman kasi mahilig niya akong i-enrol sa mga eskuwelahan na hindi ko alam ang mga salita. Sa pinas, dinala niya ako sa private school kung saan Spanish naman ang salita kaya nganga ako palagi at nakikipag-away na ako dahil puro religious ang pinag-uusapan. Saka hindi ako nakakakilos ng maayos.
Dito naman puro nihongo ang salita. Last chance na nga niya ito para sa akin at kapag hindi pa ako tumino hindi na niya ako pag-aaralin pa. Gusto ko naman ang makapagtapos kaso mahina talaga ang loob ko pagdating sa pakikisalamuha kasi nga nahihirapan akong matuto ng mga salita.”
BINABASA MO ANG
My Japanese Boyfriend "Book 1-Eraser"
FantasyKAPAG nga naman narinig natin ang Bansang Japan eh ASENSADO at BRANDED ang mga gamit..Kapag Japanese People eh YAKUSA na kaagad?... Kapag Pilipinang nagja-JAPAN eh JAPAYUKE na?... Hmmm totoo nga ba? At pagdating sa pambansang puno eh panalo ang mga...