EIXELS'S POV
*poke* *poke*
"Kuya! Kuya!" narinig kong sigaw ng kapatid ko habang niyuyugyog ako.
"Hmmmm." sabi ko sabay talukbong ng kumot. Grabe ang aga pa ata eh !
"Kuya gising na!"
"Bakit ba?" tanong ko. Inaantok pa ako eh.
"My gosh kuya! Monday ngayon ! First day! Kaya lang naman kita ginigising para makapag asikaso ka na. knowing you, ang kupad mong kumilos !!! Stand up, now !!!!" parang kulog na dumagundong sa four corners ng kwarto ko yung boses niya. Grabe makasermong tong babaeng to ! sarap bangasan eh! Pero dahil mabait pa naman ako, tumayo na ako at nagsimula nang gumalaw-galaw. Tama kasi si Karen, mabagal talaga akong kumilos. Kailangan ko pa bang magpakilala? wag na ! okay. Dahil mabait ako. magpapakilala ako. Ako po si Eixel Andrei Lim Gonzaldo. Mayaman, gwapo, pogi, cute, charming, at matalino. hahaha Transferee kami sa Kingdom Academy.
"Kuya !!! Dali na !!!" sigaw nung kpatid ko. So ayun! Binilisan ko na. Iba rin kasi kapag magalit yung bruhang yun. Pero mabait naman talaga siya. Sinasaniban lang talaga kapag galit or naiinis. Ayaw na ayaw kasi talaga niya ang nali-late. After ilang minutes ng pagpapa-enhance ng kagawapuhan ko, bumaba na ako at pumunta na sa kusina to eat for breakfast. Nung nakita ako ni Karen, bumusangot agad yung mukha niya.
"Napano ka?" tanong ko habang nagsasandok ako ng kanin. tumingin siya't umirap/
"Magtatanong ka pa tlaga kuya?! Ang bagal mo ! Gosh ako ang namomroblema sayo eh!"
"Ang OA mo Karen ! Tingnan mo ang napakalaking wallclock natin ! 6:15 pa lang !"
"Dalian mo na kasi !!!!!" gigil na sabi niya.
"The don't talk to me para matapos na ako." tumahimik naman siya. Agad din naman akong natapos kaya nakapasok kami ng maaga. Pero ewan ko ba dito sa kapatid ko! ngitngit na ngitngit siya kaasi late na daw kami. hello ? eh 6:30 pa lang! Nasa may car park na kami sa loob ng school at currently naghahanap ng mapagpaparkan.
"Ayun kuya! Go ! Go ! Go !" malapit na kami dun sa nakita naming slot nang may biglang humarurot na kotse at nagpark dun sa supposedly ay parking space namin.
"Sino bang walang modong tao yan? Kitang diyan tayo magpa-park, aagawan pa talaga tayo ha?!" galit na sigaw ni Karen. Yes. ganito siya guys kapag umaga pa lang ay sira na ang araw niya. Warfreak to the max.
"Hanap na lang tayo ng ibang parking space." Bait ko noh?
"Ow Shit! " Dali naman akong naghanap ng slot dito sa parking area. Nandun na kasi yung kapatid ko, kasalukuyang kinakatok yung pinto ng driver's seat nung kotseng naka-una samin sa pwesto. Patay na. Gulo to.