EIXEL'S POV
Ayun! Lunch break na ! Nandito kami ni Jeoff ngayon sa corridor. Hinahanap namin si Karen. Sabay-sabay kasi kaming magla-lunch.
"Kuyaaaa!!" Ay potek. Lumingon ako at nakita ko si Karen na papalapit samin, may kasana syang babae. Lumapit sila samin.
"Kuya, new friend ko, si Kathy." Tumango lang ako. Kumaway siya sakin.
"Hi po! Di ba ikaw yung boyfriend ni Kylie?"
"Opo ata." Sabi ko. Sumimangot naman sya.
"Ay nako. Kunwari ka pa dyan kuya! Eh nakita ng buong school kung pano ka niligtas ni Kylie kayna Yvez kanina!" Napangiti naman ako.
"Daldal naman!" Pabirong banat ni Jeoff. Tumaas naman ang isang kilay ni Kathy.
"Paki mo ba ha?. At ikaw ba ang kausap ko? Hindi naman di ba? Ma feeling masyado!"
"Bakit? Ikaw ba ang sinasabihan kong madaldal? Ikaw ang feelingera." Ganti naman ni Jeoff kay Kathy.
"Malamang kaspi ako ang nagsasalita. Alangan namang si Karen!"
"Psh." Sabi ni Jeoff.
"Hey. Tumigil na kayong dalawa. Kumain na lang tayo guys!" Aya naman ni Karen.
"Lika na nga!" Inis parin na sabi ni Kathy. Maloko nga.
"Nagsimula sa asaran, ayiiiieeee. Nagkainlovan!" Kumunot naman ang noo ni Kathy.
"Yuck!"
"Never!" Magkasabay pa nilang sabi. Ngumiti naman ako.
"Asus! Jan nagsimula ang lolo at lola ko!" Nagmukha namang bulldog si Jeoff. Hahaha. Natatawa tuloy ako sa kanila.
"Teka kuya. Si ate Kylie yun di ba?" Tumingin ako sa tinitingnan nya. Oo. Si Kylie nga! Naka upo siya sa ilalim ng puno. Maya-maya pa'y humiga na. Teka, lunch na. Ba't di ba sya kumakain?
"Teka lang. Mauna na kayo sa cafeteria. Pupuntahan ko lang siya." Tumango naman sila kaya pumunta na ako kay Kylie. Paglapit ko sa kanya, maaliwalas nyang mukha ang agad kong nakita. Napakaganda talaga nya. Malayuan man o malapitan. At masasabi kong maswerte ako kasi gf ko sya. Gf ko nga ba sya ? Pero kasi may fiance na ako. Pero di ko naman yun pakakasalan noh!
"Are you done checking out on me?" Nagulat ako nang magsalita si Kylie.
"Ahmm .. pumunta ako dito kasi itatanong ko sana kung bakit hindi ka pa kumakain." Umupo ako sa tabi nya. Nanatili naman syang nakahiga lang.
"I dont want to eat." Haaaay. Bakit ba napaka englishera ng babaeng to? Alam ba nyang chubby brain ang bf nya?
"Eh di ba may pasok pa tayo? Kapag hindi ka kumain, hindi ka makakapag focus kasi gutom ka."
"Tsss." Umupo sya bigla. Tapos tiningnan ako nang napakasama. Napa pout naman ako. She frowned.
"Are you gay?" Lumaki naman ang mga mata ko.
"Hindi ah!" Hindi na sya nagsalita. Tumingin ako sa wristwatch ko. 12:25 na.
"Halika na." Sabi ko tapos tumayo ako.
"Dont want."
"Sabay na tayo kumain."
"No."
"Sige na please. Lika na." Tapos inilahad ko yung dalawang kamay ko.
"Tsk. Fine." Sabi nga tapos kumapit sa dalawang kamay ko. Hinila ko naman sya para makatayo. Pero napalakas ata kaya napalapit yung mukha nya sa mukha ko. Oh my gas! Parang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko. Grabe! Ngayon ko lang naramdaman to! May sakit ba ako sa puso kaya nakakaramdam ako ng ganito ? Nakatingin lang kami sa mukha ng isat isa.
*click*
*click*
*click*
Tunog ng camera ang naging sanhi para maghiwalay kami.
"Tsk. Let's eat. Im famished." Sabi ni Kylie sabay lakad papuntang cafeteria. Napangiti naman ako. Hindi daw gutom. Hihihi. Pagkapasok namin, agad kong nakita sina Karen. Dumeretso muna kami ni Kylie sa pila, at nang maka order na kami, naglakad na akmi papunta sa inuupuan nina Karen. Tumigil ako sa paglalakad kaya ganun din ang ginawa niya.
"What now?" yamot na tanong niya.
"Eh kasi di ba nagka away na kayo dati ni Karen, baka magkaron kayo ng awkward moment together."
"Tss. As if I care." sabi niya at pumunta na sa table na inuup8uan nina Karen. Sumunod na rin ako.
"Ba't ang tagal niyo kuya?" tanong ni Karen. Umupo ako sa tabi ni Kylie.
"Eh pinilit ko pa kasi si Kylie na kumain." tumingin ako kay Kylie na busy lang sa pagkain.
"Hi po Ate Kylie!" masiglang bati ni Kathy.
"Were not sisters, so stop calling me that." umiba naman ang hilatsa ng mukha ni Kathy.
"Pfft. Basag!" panunukso pa ni Jeoff. Yumuko na lang si Kathy at kumain. Naawa tuloy ako kay Kathy. haaaay. Bakit ba kasi ganito ang gf ko? Harap-harapan ba namang ipahiya si9 Kathy? Kahit sino naman siguro masasaktan di ba? Kinulbit ko si Kylie. Napatingin naman siya sakin pero as always, naka kunot ang noo.
"What?" yamot na tanong niya. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya.
"Dapat di mo na sinabihan ng ganun si Kathy. Tingnan mo, nalungkot siya. Napahiya kasi siya dun sa ginawa mo." Nag- glare lang siya sakin. Napakamot naman ako sa ulo. Sabi ko na nga ba eh! Hindi talaga ako susundin ng isang ito! Tumingin siya kay Kathy. She took a deep breath.
"Fine! If you want me to be your friend, I can be. Just dont call me with that bullshit name! " lumiwanag naman ang mukha ni Kylie. Si Karen, parang nagulat. tapos tumingin ulit sakin si Kylie.
"Is that okay?" sabi niya.
"Uhummm." sabi ko. Then she smiled. A sweet genuine smile.