Chapter 3

13 0 0
                                    

EIXEL'S POV

"n-nakakatakot sya k-kuya". naawa talaga ako kay Karen. Isang tingin pa lang sa mukha nya, para bang naiihi sya na natatae na hindi ko alam. Na-trauma. yun ang tamang term.

"hayst. dapat kasi di mo na lang sinita. ayan tingnan mo, ikaw tuloy ang napahamak". sabi ko habang hinahaplos ang buhok nya.

"nabigla lang naman ako kuya".

"just try to avoid her okay? lika na! pasok na tayo, di ba bawal ma-late ?". napangiti naman sya at sumama na. Nagdiretso kami sa lobby para tingnan sa bulletin board kung saang section kami kasali.

kyaaaaah!!! Ang gwapo ng transfereeeeeeeee!!!!

siya ba yun? Oo nga gurl ! papabols itech!!

oh em gee! lipstick nga at blush on!!

"Nagbulungan pa talaga sila sa lagay na yan kuya ha ? eh ang lakas din naman ng boses nila". napailing na sabi ni Karen.

"Pagpasensyahan mo na. Nagkaroon ka kasi ng kapatid na saksakan ng gwapo, namomroblema nga ako bakit ganito mukha ko. Minsan nga nagsasawa na rin ako sa ganitong eksena". sabi ko naman sabay kunwari nalulungkot.

"Sus! if i know, napupuno na ng hangin yang ulo mo at konti na lang ang space provided para sa utak mo!".

"Basag trip ka din eh noh?". sabi ko naman sa kanya. pagdating namin sa 3rd floor ay naghiwalay muna kami ng landas. 3-Galileo kasi ang section nya, ako naman 4-Einstein. Nasabi ko na ba sainyo na dito sa kingdom academy, per floor ang kada year level ? Oo ganun nga. Ang fifth floor ay para sa faculty, ang sixth ay swimming area, ang seventh ay mga clubs and orgs ang eighth ay di ko alam. Taas ng school namin noh ? Di lang mataas, malaki pa ! hahahahaha

ayun pumasok na ako sa room, medyo madami na rin kami, naupo ako sa last row, second to the last ang upuan na pinili ko para malapit sa window. may nakaupo na kasi dun sa last seat. babae at nakatungo lang. Ewan, baka natutulog.

*riiiiiiiiiiiing*

ayan bell na! nagpasukan na lahat ng students. saka ko lang napansin na sakto lang pala talaga ang upuan namin. Meaning, kapag absent ka, halata kasi vacant yung upuan mo. di ba ? Maya-maya nandyan na yung teacher namin, nasa mid-30's na siguro ang edad. Tumayo kaming lahat at binati sya ng goodmorning. maliban sa katabi ko na sa tingin ko ay nasa dreamland parin. haneps.

"Since first day natin ngayon, hindi muna tayo maglelecture. I will just arrange your seat in alphabetical order." nagsimula na syang magtawag.

"Eixel Andrei Gonzaldo!" tawag nya kaya tumayo ako at pinuntahan ang upuan na itinuro nya. Sa third row at second to the last pa ! sayang ! Gusto q sana talagang malapit sa bintana eh.

"Sza- how do you pronounce your name Miss Guzman?" lumingon-lingon ako sa paligid para makita kung sino ang seatmate ko. Umangat naman yung ulo nung babaeng nakayukyok sa gilid.

"What?!!" galit na sigaw nya. Teka, parang familiar ang mukha nya ah. teka, san ko ba sya nakita??

"Ikaw ba si Miss Guzman?"

"Obvious ba?" balik tanong nya sa teacher. Naningkit naman yung mga mata nung teacher namin.

"Is that how you speak to your teacher?"

"Sa mga teacher lang na kulang sa logic at laging walang baon na common sense." she said in a cold tone.

"There's your seat, your Majesty." our teacher said with full sarcasm.

"Oh thank you slave!"ganti naman nung babae. Matindi naman ugali neto, binabara lang ang teacher! Tumabi sya saken, teka. Siya yung babae sa car park !!

"Ikaw ang seatmate ko?" wala sa sariling tanong ko.

"Kaibigan mo ba ang baliw na yun?"sabi nya sakin sabay turo sa teacher.

"Hindi bakit?"

"Magkasing ugali kasi kayo, napaka bobo na. Napaka tanga pa! tss." aba ! ibang klase pala talaga ugali nito eh ! nakakagigil !!!

---------

Author's Note:

sa mga nagbabasa at nagbasa ng story kong eto. please naman po, mag comment kayo para alam ko naman po kung sinong pasasalamatan ko. please naman po oh! Ang hirap po kasi manghula.

Lost Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon