EIXEL'S POV
Next subject na namin. Nandito na ako sa upuan na ibinigay sakin ng teacher. Nandito na rin lahat ng classmates ko, maliban sa isa. Yung seatmate ko. Yung Kylie. Wala parin sya. Kung nasan man sya, i dont care and im not interested to know. Hindi rin nagtagal, dumating na yung subject teacher namin.
"Good morning class!" bati niya. Kaya tumayo kami at binati rin sya.
"So ako ang teacher nyo sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo" nagsalita lang sya ng introduction about sa subject namin. Nasa kasagsagan sya ng pagdiscuss samin ng mga requirements namin sa subject nya nang biglang bumukas ng malakas yung pinto. Si Guzman pala.
"Yan ba ang tamang paraan ng pagbukas ng pinto binibini?" inis na tanong ng teacher namin.
"Wala kang pakialam."cold na sabi ni Guzman.
"Yan ba ang turo sayo ng nanay mo?Kasi sa nakikita ko, mukhang hindi nya nagampanan ng tama ang kanyang tungkulin sayo bilang nanay nya." napatigil sa paglalakad si Guzman. Nakita kong nakakuyom na ang kamay niya. Bigla nyang hinarap yung teacher namin. Sa isang iglap naisandal nya sa blackboard yung teacher namin sabay suntok sa bandang gilid ng mukha ni maam. pero hindi talaga si maam yung sinuntok. Yung blackboard. Nakita kong namutla si Maam. Hindi siguro inaasahan ang gagawin ni Guzman. Well kahit naman kami, hindi namin iniexpect na kaya nyang gawin yun !
" Wala kang alam ni isang detalye sa pagkatao ko kaya tigilan mo ang pagpapanggap mong may alam. Umalis ka na habang nakakapag pigil pa ako." mariin na sabi nya. Nataranta naman si Maam tapos umalis na sa room na walang paalam. Lahat kami napatunganga lang duon. Grabe. What kind of person is she ? Lumabas na rin sya after ilang minutes.
KYLIE'S POV
Lintik na teacher yun! Anong karapatan nyang pag salitaan ng ganun si mama?! Ayun! Nang dahil sa galit ko ay nakagawa ako ng kasamaan. But wait, kelan mga ba ako naging mabuti? Napailing na lang ako. Galit ako kaya wala rin namang mangyayari, uuwi na lang ako. Pumunta ako sa car park kasi nandun yung kotse ko. Sumakay ako agad duon. Palabas na ako ng parking area nang biglang may tumakbong lalaki kaya nabunggo ko.
"Shit!" sabi ko sabay baba. Dali-dali kong tiningnan yung lalaki. Nakahiga sya sa sahig at tinatry tumayo.
"Let me help you." inabot ko sa kanya yung isang kamay ko. Tinanggap naman nya iyon. Nung nakatayo na sya, tinanong ko na sya.
"Dadalhin pa ba kita sa ospital?"
"Wag na. Kaya ko na to."
"Okay." tapos binitawan ko na sya at tumalikod na para sumakay sa kotse.
"Wait!" pahabol nung lalaki kaya lumingon ako at hinarap sya. Teka, bat parang pamilyar yung mukha ng lalaking to? Have I seen him before?
"Be my girlfriend."
"Okay." sabi ko without even thinking what he said. Yun lang naman pala eh. Gusto lang pala nya akong maging girl---- wait. girlfriend?! As in GIRLFRIEND?!!!! shit! did I say okay?! wtf!
"What did you say?" tanong ko ulit sa kanya. hoping na mali lang talaga yung pagkakarinig ko.
"I said be my girlfriend and you answered me okay. So that means na tayo na."
"Shit!" I cursed. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?? Napaka-malas ko nang talaga!
"Its not what you think. Nabigla lang ako." sabi ko sa lalaki. The hell, he just give me an evil smile.
"No. Basta tayo na." sabi niya. Napapikit na lang ako ng mariin. Shit lang talaga. Nakaka bullshit talaga ang araw na ito. Gosh ! Magkakaboyfriend ako na ni pangalan ay hindi ko alam ? Fuck life ! Pumasok ako sa kotse ko at umuwi na ng tuluyan! Pagdating ko sa bahay nakita ko sina mommy at daddy sa garden na may kakwentuhang mag-asawa na kasing edad lang din nila.
"Mommy! Daddy!" tawag ko sa parents ko. Lumingon sila lahat sa akin. Nag smile si mommy and dad. Lumapit ako sa kanila at bumeso kina mommy at dun sa bisitang babae. After nun ay nagmano naman ako kay dad at dun sa lalaking bisita naman.
"So eto pala ang anak mo Kuys, napaka-ganda nga naman." sabi nung lalaki.
"Who are these people mhie, dhie?"
"This is your Tito Arnold," sabi ni daddy.
"Ahh.." sabi ko.
"And I am your Tita Miranda." Napatango lang ako. Napaurong ako nang bigla silang tumayo.
"And we are your future in-laws!!" sabay na sabi nila sabay pose na parang ewan. Para silang yung kontrabida sa pokemon!
"What?! Future in-laws?! You must be dreaming! Eh wala pa nga akong boyfriend! Mom! Dad! Get these two lunatics out of our house!!!" hysterical kong sabi. Ilang kamalasan ba ang mangyayari sakin sa araw na ito?! Tumayo.naman si daddy at pinaupo ako.
"Anak calm down, totoo yung sinasabi nila."
"But how? Anu yun? Wala nga akong boyfriend tapos may in-laws?" napahawak ako sa ulo ko. grabe parang puputok na eh! Kelan pa nagkaron ng kaibigan na ganito ang mga magulang ko?
"May fiancee ka na." sabi naman ni mommy.
"Oh crap! ano bang kalokohan to? mom,dad, alam nyong mahal ko kayo but I will not tolerate this kind of childish act!"
" Anak. this is serious. We are serious. May fiancee ka na even before you were born. And you will meet him soon."
" Gosh! Magkakaibigan nga kayong apat. Pare-parehong sira ang ulo nyo." inis kong sabi at umalis na doon. Nagdiretso ako sa kwarto ko at nagkulong. Ano ba tong araw na to! Una, nagkaroon ako ng boyfriend na di ko kilala. Tapos eto ang malala, may fiancee ako nang wala man lang akong alam?! juice colored !! Kahit anong mangyari, hindi ako ikakasal at magpapakasal sa kung sino lang!