Chapter 6

12 0 0
                                    

EIXEL'S POV

Ano ba yung ginawa ko? Ano bang pumasok sa kukote ko at tinanong ko ng ganun si Guzman? Nagulat sya nung narealize nya yung sinabi ko. Mas lalo naman ako noh ! Hindi ko naman plano yun. Mas lalong hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko! And to think na hindi naman ako ganun ka-interesado talaga sa kanya di ba? I just find her mysterious. Yun lang yun! But since nandito na to at kasalanan ko naman kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon, might as well go with the flow. Kung maging successful, eh di okay. Kung hindi, wapakels. In the first place, wala naman talaga akong gusto sa kanya. Hindi na ako pumasok sa klase, tutal puro lang naman orientation at pagpapakilala ang gagawin ngayon. Pumunta ako sa pinagparkan ko ng kotse ko saka pumasok sa kotse at tinext si Karen.

Ka, una na ako umuwi ha? pasundo ka na lng sa driver ntin. hehe

After mag send ng message ay pinaandar ko na ang kotse at umuwi. Pagdating ko sa bahay, katulong lang ang naabutan ko.

"Manang, nasan po ang baliw kong parents?" napangiti naman si manang.

"Ikaw talaga. Umalis ang mommy at daddy mo. Pumunta sa buhay ng childhood friends nila." napakunot naman ang noo ko, since when did they have this so-called childhood friends? At bakit parang wala naman silang nakukwento?

"Ganun po ba manang? Sige akyat na po ako sa kwarto."

"Teka, hindi ka man lang ba kakain?"

"Bababa na lang po ako kapag nagutom ako manang." sabi ko at ipinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan. Pagpasok ko sa kwarto, nagbihis ako at naupo sa unahan ng computer. Nag-open ako ng facebook. Mai-search nga si Kylie. Pero bigo akong makahanap ng account nya. Puro mga groups at fanpage lang. Ni-like ko lahat yun at finollow. Pag bukas ko ng fanpage, grabe andaming pics ni Kylie ! May nakaupo sa bench, nagbabasa ng libro, nakatambay sa ilalim ng puno basta napakarami. Halata mong stolen shots. Patuloy lang ako sa pag click nang may isang picture na nakaagaw ng pansin ko. Picture ni Kylie na tunatawa. Yung as in super tawa. Para bang may nakita sya na nagtrigger para siya matuwa at tumawa ng bonggang bongga. Halos lumuwa naman mata ko nang makitang nasa 10,000 likes iyon at nasa 6,789 ang comments. May caption pang ganito #besttawaever! Binasa ko yung top comments. Alangan namang basahin ko lahat ? Eh di inabot ako ng siyam-siyam dito. LOL.

once in a blue moon lang yan tumawa si Kylie !

ang ganda nya lalo kapag tumatawa !

yeah right! Dapat lagi na lang siyang ganyan!

first time kong makita siyang tumatawa. She's pretty !

Tiningnan ko ulit ang picture niya. Napakaganda nga. Parang wala syang pakialam sa paligid nga, basta sya masaya at tumatawa. Sinave ko yung picture sa computer at ginawang desktop picture. Yeah nahawaan na rin ata ako ng Kylie Guzman syndrome ! And suddenly, an idea struck me. Since I am her boyfriend now, I'll do everything to be the reason of her happiness. Gusto kong makita araw-araw ang nakangiti nyang mukha.

Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga pictures. Pero sobrang dami kaya naboring ako at ibinalik sa wall. Scroll, scroll. Tapos ayun! may picture na naman. #Kylie101 ang caption, tapos picture nya na nagmomotor. So, she's into motor racing? Napangiti ako, she really is something. Nag log out na ako at pinagpasyahang matulog muna.

*fast forward*

Dinner time na. Nagdidiner kaming pamilya.

"Anak, we have something to tell." seryosong sabi ni mommy. Nagtaka naman ako, hindi ako sanay na ganyan si Mommy. Tumingin ako kay Dad. Nakayuko lang sya at iiling-iling.

"What is it mom?" tanong ko.

"Sa totoo lang, mahirap para sakin na sabihin to. I know how much you value our family. But kailangan niyo itong malaman." naluluha-luhang sabi no Mommy.

"Ano nga?" inip kong sabi.

"Maghihiwalay na kami ng daddy mo." nabitawan ko yung hawak kong kutsara't tinidor. Si karen naman, baso yung nabitawan.

"What the hell is happening?"

"Our marraige is on the rocks. Matagal na kaming nagkakalabuan ng mommy mo." sabi naman ni daddy.

"Kelan pa?So all these time kunwari lang pala yung masayang pagsasama nyo ganun ?" iritadong tanong ni Karen. Naiinis din ako. Ano to? Lokohan ba to? Tapos nagsimula nang tumawa si mommy. Halaaa! dont tell me nasiraan na ng ulo si mommy !

"Mommy ! Ano ba?! Bakit tumatawa ka pa dyan!! This is a serious problem!!" hysterical na sabi ni Karen.

"Hahaha Joke lang yun tanga ! Syempre hindi yun mangyayari mga anak!. Alam nyo naman kung gano namin kamahal ang isa't isa ng daddy mo di ba? hahahaha. You two are so gullible!! hahahahahaha" tawang tawa na sabi ni mommy. ganun din si daddy. nag-apir pa yung dalawang sira ulo.

"Eto na talaga anak ang big revelation." sabi ni daddy. Kinuha ko ang baso para uminom.

"Ikakasal ka na." and the next thing i knew, naibuga ko ang iniinom kong tubig

Lost Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon