EIXEL'S POV
Nandito na kami sa room. Kasalukuyan akong nagsusulat. Si kylie naman ay nakikinig.
"Ahmm, kylie." Mahinang tawag ko sa kanya. Hindi naman sya nagrespond. Ni hindi lumingon sa gawi ko. Sabi ko nga di ba? Nakikinig sya at di pwedeng gambalain. Hahaha lalim !! At para di sya makulitan sakin, nagsulat na lang ako ulit. Maya maya ay tumunog ang cellphone nya, kinuha nya yun.
"Shit." Inis na bulong nya. Itinago ulit nya yunh cp nya sa bag saka nagtaas ng kamay. Of course nakuha nya ang atensyon ng teacher namin.
"Yes, Miss Guzman?" Tanong nung teacher namin.
"My boyfriend ang I will take a walk. We will go out on a date. And I hope you understand," nagulat ako. So may iba pa syang boyfriend bukod sakin ? At talagang harap harapan nyang sinabi yun ? Considering na nandito ako at pwede kong marinig yung sasabihin nya. Ganun ba sya ka insensitive ?
"What now? Are you just gonna sit there and write?" Napakunot naman noo ko. At talagang isasama pa nya ako sa date nila ng bf nya? Grabe na talaga tong babaeng to? Balak ba nya akong gawing chaperone at photographer ?
"Bakit? Anong gagawin ko dun? Magpipicture sainyo ng boyfriend mo? Wag na. Kayo na lang ang-----"
"What the hell! What are you talking about?! Ikaw ang boyfriend ko kaya ikaw ang isasama ko! What are you thinking?!" Gigil na sabi nya.
"Ahh ganun ba? Kala ko kasi may iba ka pang bf bukod dakin. Hehehe." Alanganin akong ngumiti saka nag peace sign.
"Stupid."sabi nya sabay sukbit ng bag nya.
"Ayiiiiie.. LQ sila!!" Tukso samin nung mga classmate namin. Nakitukso na rin si sir. Nahiya tuloy ako. Lumingon ako sa side ni kylie at talagang nabigla ako nang makita kong nagba blush sya. And a smile formed on her lips. Kinilig tuloy ako. Hahaha