"Another joke dad? Tatawa na ba kami ni Karen?" Ano na naman bang kalokohan ang sinasabi ng gurang na to? Nakakainis eh !
"Seryoso ako. Kaya nga kami umalis ng mommy mo kanina kasi sinettle na namin yung engagement party nyo ng fiancee mo. Isn't it amazing?" Shet. Nagagawa pa nilang magsaya? Badtrip. Sino namang loko loko ang magpapakasal ng maaga? Tae naman!
"Hindi yan matutuloy." Sabi ko. Napakunot noo naman sila ni mommy.
"At bakit aber?!" Mataray na sabi ni mommy. Tiningnan ko lang sila.
"May girlfriend ako." Nasamid naman si Karen at napatingin sakin. Bakit? Impossible ba yung sinabi ko? Sa gwapo kong to??
"Then you don't have any choice but to break up with her." I can feel that dad is serious and anytime magagalit na sya. But i dont care. Future na ang at stake.
"Whatever happens, hindi ko sya hihiwalayan. Whatever you say and do, ipaglalaban ko sya." Mariin kong sabi saka tumayo at nagtungo na sa kwarto ko. Ngayon ang kailangan kong gawin ay mapapayag si Kylie sa gusto ko. Na tulungan ako para di matuloy yung plano nina mommy at daddy. Hayyyy.
*FAST FORWARD*
Papasok na kami ni Karen sa lobby ng academy. Maraming mga estudents sa paligid, yung iba nagkekwentuhan. Yung iba naman naghahanap ng magpag uusapan.
"Kuya, totoo ba yung sinabi mo kayna daddy?"
"Alin? Yung may girlfriend ako? Oo. Si Kylie ang girlfriend ko, kami na kahapon pa. Hindi ko nga-----" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil napatigil sya sa paglalakad at ang sumunod na nangyari ay nakakatindig balahibo na. Hahaha.
"WHAAAAAT!!! GIRLFRIEND MO SI KYLIE? KYLIE GUZMAN????"
sigaw nya. At talagang intense ang pagkakasigaw nya. And what do you expect? Of course nagsitigil ang lahat sa ginagawa nila at napunta samin ang limelight. Naningkit naman ang mata ko sa inis! Antanga talaga ng bobitang ipokritang babae na ito!
Oh em gii! May boyfriend na daw si Kylie?
At yung transferee ang boyfriend?
Kyaaaaa !! Bagay sila!
Pero pano si Yvez? Di ba matagal nang nanliligaw yun kay Kylie?
Like duuuh? Hindi naman siya sinasagot ni Kylie ah!
Which make it impossible na sagutin nya yang transferee na yan !
Ay nako girls, humanda na sya kay Yvez. Baka bago magtapos ang araw, wala na syang apdo.
Sabay na nagtawanan yung mga babae. Hindi ko na pang pinansin ang sinabi nila at nag-resume sa paglalakad. Maya-maya pa'y may tumalbog na bola sa ulo ko. Malakas ang impact kaya naman napasalampak ako sa sahig.
"Kuya!!" Sigaw ni Karen. Parang nagulat sya. Mas lalo naman ako di ba? Tatayo na sana ako nang biglang may sumulpot na mga lalaki out of nowhere at pinagtatadyakan ako. Grabe napapangiwi ako sa sakit! 5 sila, at ako, isa lang. Napaka fair di ba? Hinawakan ako nung dalawang lalaki saka itinayo. Pagkatapos ay saka naman ako pinagsusuntok. What the. Ang aga aga pa para ma-massacre ang oh so beautiful face ko! Ouch ha? Alagang Vicki Belo pa naman ako. Huhuhu. Ang gay ko ba? Hahahaha
"Wow! Ang lakas ng loob mong ipamalita na girlfriend mo si Kylie, eh sarili mo nga di mo maipaglaban?" Sabi nung lalaki saka ako sinuntok na naman. Nasasaktan na talaga ako at nanghihina. Grabe naman kasi ang lakas ng suntok nila. Parang batak sa trabaho eh!
"Yan ang dapat gawin sa lalaking tulad mo. Hindi mapupunta sayo si Kylie dahil akin lang siya!" Galit na sigaw nung lalaki sabay tadyak ulit sa tiyan ko.
"Tama na !! Tigilan nyo na si kuya!" Kanda iyak na sabi ni Karen.
"Wala kang pakialam. Sino ka ba ha? Gusto mo bang pag untugin ko kayo nitong kuya mong epal?" Napatigil naman si Karen sa takot. Bumaling ulit sya sakin at bumwelo para suntukin na naman ako.
"One wrong move Yvez, you're dead." Na freeze naman sya. Nanlaki ang mga mata nya at halata mong natakot sya. Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses and there we saw Kylie standing. Napaka emotionless ng itsura nya. And yet nakita kong naka close fist na sya. Binitawan ako nung mga humahawak sakin kaya naman napaupo na ako sa sahig. Sakit na talaga ng katawan ko eh.
"Totoo bang boyfriend mo sya?"tanong nung lalaking nagngangalang Yvez. So sya pala yung sinasabi numg mga babae kanina? Sya pala yung Yvez.
"I don't owe you a fucking explaination coz I'm not included in your goddamn properties bastard!!" Ngayon makikita mo na sa mukha nyang galit talaga sya. She made a swift move and bago pa ako makapag react, sinasakal na nya si Yvez. Everyone gasped. Yung iba parang nahintakutan. Ako, lumaki mga mata ko. Nakakatakot sya. Yun lang talaga ang masasabi ko.
"K-Kylie, h-hindi ako m-makah-hinga." She smiled evily.
"You deserve this." Cold na sabi nya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at tumayo ako saka sya niyakap. Bali nakatalikod sya sakin nung yakapin ko sya habang sinasakal nya si Yvez.
"Bitawan mo na sya please. Ayokong makapatay ka ng tao." Malumanay na sabi ko. The next thing i know, nasa sahig na si Yvez, breathing heavily. Inalis nya pagkakayakap ko saka naglakad palayo. Pero bago sya tuluyang makalayo, nagsalita pa sya.
"Go to the school clinic." Kumunot ang noo ko.
"Anong gagawin ko dun? At saka may pasok pa tayo." She glared at me. I pouted. Kumunot ang noo nya saka lumapit sakin. Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Nagsimula namang magtilian yung mga students duon. Oh shit! Ang lakas ng heartbeat ko!
"Stop pouting, para kang tanga. Pumunta ka na sa school clinic."
"Ayoko. Eh di absent ako?"
"Tss." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Lalong lumakas ang tilian. Hinatak nya ako tapos dinala sa clinic. Pero bago kami tuluyang makalayo, tumigil sya at hinarap yung mga students.
" Dont you dare mess up with these two fucking idiot transferees especially my BOYFRIEND whoever he is, or else I will give you your scrumptious death!" Tumalikod na kami at nagtuloy na papuntang clinic. I smiled. Diko alam kung bakit. Basta napa smile na lang ako. Hehehe