Matapos nga Ang pag Amin sa sekreto Ni Camille ay Parang iniiwasan na sya Ni Sheena.Magkakaharap silang nakaupo sa sofa habang nasa gitna nila Ang truth or dare box, hinihintay Kung ano Ang susunod na dare .. pero gayun pa man walang kumikibo sakanila ..
Maya Maya pa ay may lumabas na card sa box, at napunta ito Kay Bryan..
Agad Naman itong binasa Ni bryan, napapikit nalang ito habang binabasa.
"What is it Bryan ?" Tanong Ni Sheena na nagtataka na.
"Can you do me a favor Sheena?" Nagtataka na Si Sheena Kung ano man Ang favor na gusto Ni Bryan Ang gawin nya "pag nakauwi na kayo pakisabi Kay mommy na magpagalimg sya kahit Wala na ako, pakisabi na Rin na mahal na Mahal ko sya" bigla nalang tumo Ang luha Ni Bryan habang kinausap si Sheena ..
Nagtataka na Ang tatlong babae Kung ano man Ang naging laman Ng card.
"Ano ba Ang dare Bryan?" -kim
"Uminom Ng lason" napayuko nalang ito habang sinasabi sa mga kasama
Napatakip Naman Ng bibig si Sheena sa narinig, dahil Alam nila na Hindi na ito makakaligtas pa .
Bigla nalang bumukas Ang drawer sa katabi Ni Bryan at nilabas nito Ang isang bote na ponung-ponu Ng kulay berde na tubig ito na ata Ang poison water..
Dahan dahan namang lumapit si Bryan sa drawer na Yun at kinuha na Ang boteng Yun .
Umiiyak na Ang mga kasama habang pinapanuod Ang kasama nilang si Bryan na hawak hawak Ang isang bote na ponu Ng poison water.
Nakangiting humarap si Bryan sa mga kasama.
"Girls, wala na kayong kasama na lalaki Kaya ipangako nyo sakin na makakauwi kayo Ng buhay at ligtas, ipangako nyo sakin"
Dahan dahan Naman itong ininom Ni Bryan, Hindi pa nakakalahati sa paglagok Ng poison ay bumubula na Ang bibig nito at nangingisay na, pinuntahan Naman sya Ni Sheena habang hagulhol Ang iyak, nagyakapan din Ang Sina Kim at Camille na Hindi makatingin Kay Bryan..
Makalipas Ang ilang minuto ay napitigil na Si Bryan sa pangingisay, hudyat na Yun na Wala na Si Bryan...
Nakadilat pa Ang mga Mata Ni Bryan Kaya Naman tinakpan ito Ni Sheena Ng may benda nyang palad
"Bakit ? Bakit nangyayare 'to satin ? Pinaparusahan ba Tayo Ng panginoon ?" Galit na Sabi Ni Sheena habang yakap yakap Ang bangkay Ni Bryan
Hindi na Rin nakagalaw pa Ang dalawa----camille and Kim sa kinauupoan nila.
Nilagay nalang nila Ang bangkay Ni Bryan sa sofa na nasa gilid at tinakpan Lang ito Ng puting tela.
Halos Hindi na maintindihan Ang takot sa mukha Ng mga natirang Tao sa loob Ng bahay, naghihintay sa mga posibleng susunod na mangyare sakanila---hinihintay Kung ano Ang susunod na dare.
Hindi makapag isip Ng maayos si Sheena sa Kung ano Ang gagawin nila para makaligtas sila, dahil na Rin ito sa pagkamatay Ni Bryan.
Si Bryan Lang Ang matatakbuhan nya bukod sa kila-kim.Marami na Ang nangyare sakanila ngayon, at ngayon naisip Ni Sheena na Parang Wala Ng silbi Ang buhay nya... Pero kailangan nyang mailigtas Ang dalawa nyang kaibigan kahit na medyo Hindi pa sila okay Ni camille.
--
Sheena's pov
Nagising ako sa isang malambot na sofa, Ang naalala ko nagiisip ako Ng paraan Kung pano kami makakaligtas dito pero bakit ako nakahiga ? Anong nangyare sakin ?
BINABASA MO ANG
TRUTH or DARE [Short Story] (COMPLETED)
Horrorgrupo Ng mag babarkada o mag kakaklase Ang napag desesyonan na mag bakasyon muna habang sem break pa .. dahil nga sa pag susunog Ng kilay sa unang semester ay napag desesyonan na mag bakasyon muna Kung saan tahimik at walang internet o signal . ngun...