Chapter 6

6 1 0
                                    

Sabi nila may tatlong klase daw ng pag-ibig. Una, yung puppy love.

Puppy love daw yung tawag sa crushes at love life mo noong elementary ka. Yung hindi seryosohan. Sila daw yung matuturing mong childhood sweetheart.

Naalala ko tuloy yung crush na crush ko noong elementary ako! Grade 1 pa lang ako noon pero may crush na ako sa isang grade six. He saved me from my bully classmates. Simula noong niligtas niya ako ay hindi na ako inaway ng mga kaklase ko. Siguro siya yung matatawag kong puppy love.

Pangalawa, hard love.

Eto daw yung love na mapapamura ka sa sobrang sakit. Kadalasan nararanasan ito sa high school o college. Dito mo daw makikita yung tao na hanggang pangarap na lang. Yung kayo na tapos sa isang iglap, nawala na parang bula. Yung ang saya-saya na tapos biglang 'bakit naging ganoon?'. Madami nang plano, minsan nga umaabot na kayo ng maraming taon pero lahat nauuwi pa din sa wala. Hard love daw yung magpaparanas sayo na magkulong sa kwarto at umiyak kada gabi. It will also question your beliefs in love. Dito mo masasabi na wala talagang forever. Dito lumalabas yung mga what ifs mo. Eto yung magtuturo sayo na matakot.

As for me, the freaking Justin is my hard love. I want to curse at him! Shout at him. Gustong-gusto ko siyang bugbugin at pagsasampalin. Ang sarap sipain ng baba niya! Anong karapatan niyang lokohin ako? Gusto kong magmura sa sobrang sakit. Bakit kasi hindi madaling mag move on? Bakit hindi pwede na kung anong bilis niyang lokohin ka ay yung bilis din ng pagmo-move on mo? Potek, ang sakit sakit. Hindi ba dapat na pag mahal mo kayo na? O paano mo ba talaga malalaman na kayo na? Para naman hindi na ako mag-invest ng napakaraming feelings tapos ako lagi ang luhaan kasi ang kasalanan ko lang ay mahalin siya.

Paano na ako? Justins been my bestfriend since he became my boyfriend. Magpapaka-tanga ba ako at magpapanggap na wala akong nakita? Paano kung mag-sorry siya? Papatawarin ko ba agad? Sino ba kasing nag-imbento ng takteng hard love na 'yan! Ang sakit, potek! Ang sakit maloko!

Naisip ko tuloy, bakit kailangan pa ng hard love na 'yan. Bakit hindi na lang mag-skip sa pangatlo?

Pangatlo daw ang tinatawag na true love o eternal love.

True love daw kapag masasabi mong 'ah, siya na'. Dito ka magte-take ng risk pero worth it. Sa true love mo makikita yung makakasama mo habang buhay. Ito yung magpapadanas sayo nang totoong saya. Dito mo mami-meet yung taong luluhod sayo at dadalhin ka sa altar. Siya yung magbibigay sayo ng deserve mo. Sa kanya ka matututong lumaban ng may kasama, lumaban na kayong dalawa. Siya yung magpaparanas sayo ng tears of joy. At higit sa lahat, true love yung pinaka-dabest sa tatlo dahil dito mo lang mararanasan yung kasiguraduhan. Sureness of everything, basta kasama mo siya. Parang whatever it takes, siya pa din, ganon. Walang titibag kung baga.

Kailan kaya dadating yung true love ko para sagipin ako? What I hate about the true love is at first, you are never sure that it is really your true love. Paano kung another scam na naman ito at another hard love na naman? Aba, pusang gala, maawa sa pusong marupok. Nakakainis na kailangan pang mag-take ng risk? Hindi ba pwedeng instant na lang? Yung pagkakita mo pa lang alam mo na sa kanya ka ikakasal. Hindi yung para akong manghuhula kung siya na ba talaga!

Pero I guess, nothing is really free in this world. In love, if you want to be happy then take the risk, invest feelings. Kung masaktan, edi iyak. Kung siya na pala edi bongga ka, swerte. Sa pag-ibig, wala kang ibang puhunan kung hindi feelings lang, eto yung malulugi at the same time ay mag-go grow. Parang business lang. But the thing is, kailangan mo talagang sumugal, but always remember never fight for a loosing battle. Dahil sa huli, ikaw pa din ang talo. Mawawasak ka lang.

Its been weeks since I've found out the Justin was cheating. Araw-araw, araw-araw akong naghihintay sa kanya, sa sorry niya pero takte wala! Ni isang sorry wala man lang! He didn't even bother to explain! Ano ganon-ganon na lang? Itatapon na lang niya yung two years? Walang hiya siya!

It Takes TimeWhere stories live. Discover now