Chapter 5

12 1 0
                                    

I'm not dumb but I don't want to assume either. I don't have any courage to like or react to that post, that's why I tap the exit button.

Kinabukasan ay maganda ang aking gising. Dala ang aking regalo at ginawa kagabi ay maaga akong umalis ng bahay. Ngayong araw ay nagpahatid ako kay Mang Arnel dahil hindi ko naman madadala lahat ng 'to kapag bike ang aking ginamit. Iniwan ko muna ito sa council room.

"Bilis na kasi Venice! Pumayag ka na." Kinukulit ako ni Jeniah at Janin na tatambay sila mamaya sa council. Nang nalaman kasi nila last week ay kung ano-anong dahilan ang ibinigay nila sa akin makapunta lang doon.

"I told you. Birthday ni Justin, I will surprise him." Pailang ulit kong dahilan sa kanila.

"Kainis naman! Sige na nga, next week na lang."

"Sure, next week. Monday?" Excited na tanong ni Jeniah.

"Monday it is." Halos tumalon ang dalawa sa tuwa.

"Anyway, late yata si pogi." Sinulyapan ko ang relo ko at sampung minuto na ngang late si sir Verez.

"Baka absent, o kaya ay may meeting." Sagot ni Jeniah.

Tatlumpung minuto na ang lumipas ng pumasok siya. Bukas ang dalawang butones ng kanyang polo at umaagos ang pawis sa kanyang mukha papunta sa kanyang leeg. Gulo ang kanyang buhok na parang hindi sinuklay. Hindi din niya suot ang kanyang salamin.

Inilibot niya ang tingin sa classroom and his stare bored to me. Relief and irritation crossed his eyes.

Kinabahan ako nang lumapit siya sa pwesto ko.

"Bakit hindi mo ako hinintay?" Gasped filled the room and curious eyes were now on me. Sobrang kaba ko ngayon at hindi ko alam kung bakit! Did he just wait for me, that's why he's late?

"Ha?" Mukha akong tanga na nakaharap sa kanya ngayon.

"You didn't use your bike?" Slowly, realizations hit me. First, he really did wait and second, why the hell he's asking me this in front of my classmates slash his students! Baka kung anong isipin ng mga ito!

"U-uhh, hinatid po ako ni Mang Arnel kanina." I tried hard to sound respectful as I can. I can't just say 'Wala kang pake' in front of my classmates!

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Sa susunod, sabihin mo sa akin kapag magpapahatid ka uli, para hindi na ako maghintay."

My mouth just fell. Nasa tamang utak ba ang teacher na 'to. He just confused the hell out of me and of course my classmates! Pinalalabas niya na may something sa aming dalawa!

Ngayon, parang ayaw ko matapos ang klase. Kanina ko pa ramdam ang titig ng dalawang tao sa tabi ko. Marahil kating-kati na ang dila nitong dalawa para itanong kung anong meron!

And I was right. Kalalabas pa lamang nang English teacher namin ay hinarap na agad ako ng dalawa.

"What was that Venice? Bakit ka naman hihintayin ni Sir ha?" Singkit ang matang tanong sa akin ni Jeniah.

"Sabay ba kayong pumapasok?" Dugtong naman ni Janin.

I sighed in frustration and I swear, I'll kick my adviser later.

"Look, may inaayos lang kami sa council. W-were preparing for something." I never lied to my friends. Ngayon lang and guilt is devouring my system right now!

Pinaningkitan ako nang mata ng dalawa pero hindi na sila muling nagtanong pa.

I know that I shouldn't lie but the two of them like Sir Verez, lalo na si Jeniah. She's been talking too much about our adviser kapag kaming tatlo lang. For me, telling them that their little crush has been hitting on me is not a good idea. Lalo na kapag nalaman pa nila na sabay talaga kaming pumapasok!

It Takes TimeWhere stories live. Discover now