Kanina pa ako nakabusangot simula nang magsimula ang dinner. Isa lang ang napagtanto ko, Siv knew my parents pero mukhang hindi niya alam noong una na ako ang anak nila. They've been talking about Engineering stuff at umiikot lamang ang mga mata ko sa kada bangit ng salita nila.
"So, when do you plan to take Engineering?" Natigil ang akmang pagsubo ko sa kutsara. At first, akala ko ako ang tinatanong ni papa pero hindi siya sa akin nakatingin.
Sivs eyes glances at me before answering my fathers question. "Uh, actually sir, naka-enroll na po ako since June." My eyes widen with that he said! Did I just hear it right? He's taking Engineering! Bakit? Diba teacher na siya?
My whole focus is now fully on him. Ibinaba ko na ng tuluyan ang kutsara at humarap sa kanya. "Oh. Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong ni mama.
"Since Mathematics po ang major ko ay madami ang na-credits na subjects. Major na lang ng Civil ang kailangan kong i-take. And I think po two to three years ay makakagraduate na ako." I don't get it. Ayaw ba niya sa pagiging guro kaya mag-iiba siya ng profession?
Kahit gaano ko kagustong sumabat sa usapan ay hindi ko magawa. Sunod-sunod ang tanong nila mama at papa sa kanya. They seem to enjoy each others company. Mukhang kailangan kong maghintay pa kinabukasan para masagot ang mga tanong sa isip ko.
"How about you baby? Graduating kana, any course that interests you?" Bumaling sa akin si papa. Natutop naman ako sa kanyang tanong. Ngayon lamang nila ako tinanong sa bagay na iyan. "Uh, I still don't know pa." Alangan na sagot ko.
"Why don't you take Civil Engineering then? We can help you with that. Hindi ka na masyadong mahihirapan." I'm not comfortable with the topic, kaya pinagpasyahan kong putulin ang usapan. "I'll think about it pa."
Hindi ko na nagawang kumain muli. Tons of questions flooded my mind. Pasado alas otso na nang ihatid ko siya sa labas.
"I think I should interview you tomorrow, Mr. Simon Verez." Nakahalukipkip ako at nakatayo sa harap ng kanyang sasakyan. He's now on driver seat at bukas pa ang bintana doon.
He chuckled at inabot ang aking buhok at ginulo iyon. "Remember, I'm your adviser tomorrow, Miss Villanueva. No personal questions." I glared at him na siyang ikinatawa niya.
"Hindi naman sa classroom Siv, I will wait in the councils room."
"Oh, you mean our little dungeon?" Umayos siya ng upo at ikinabit ang susi ng kanyang sasakyan. "Fine then."
Pinatunog niya ang kanyang sasakyan. "Uuwi na ako. Pasok ka na." He smiled before whispering to me. "Thank you." I nodded at him at isinarado na niya ang bintana.
Pagkapasok ko sa pinto ay naandon si mama at papa sa sala, it's like they been waiting for me to return.
"Nakaalis na?" Bungad na tanong sa akin ni papa. "Opo."
I faced them. I can see that they have a lot of questions to me pero mukhang wala silang balak tanungin ako. "I trust you, pero no boyfriend muna ulit."
"Pa!" Hindi ako nagpoprotesta sa kanyang sinabi. I know my father at alam ko kung anong iniisip niya.
"I'm serious. Venice. He's your adviser and you know what I'm trying to say, right?" His every words were emphasized. I sighed and look at them. "Yes, of course. Magpapahinga na po ako."
I take few steps sa hagdanan at tumigil nang muling magsalita si papa. "I like him. But not now, Venice. Not now." Tuluyan na akong umakyat. Confused of myself. Confused of my fathers words. Confused of my feelings.
Don't worry papa. I like him too pero hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang sarili ko na hindi pa ngayon.
Kinabukasan ay halos kaladkarin ko si Mang Arnel pumasok. I am freaking late today. Ala sais y media na ako nagising at limang minuto lamang ako naligo ngayon. First time kong ma-late ngayon at hindi ko gusto iyon. Sa sasakyan na din ako nagsuklay ng aking buhok. Hindi ko na iyon nagawang patuyuin.
YOU ARE READING
It Takes Time
Roman d'amourVillanueva Series #1 *** "Sinabi ng ayoko sayo! Wala kang pag-asa!" Isinandal niya ako sa pader at mahigpit na hinawakan ang aking dalawang kamay. "Wala akong pakialam Venice! Gusto kita at wala kang magagawa sa bagay na iyon!" ***