"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please tr--" Madiin ang pindot ko sa screen ng aking cellphone nang pinatay ko ang tawag. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang ulit ko nang sinubukang kontakin ang boyfriend ko! Today is our 2nd year of being together and he is nowhere to be found! Nakalimutan na ba niya ang date namin ngayon! Halos dal'wang oras na ako dito pero kahit anino niya ay hindi ko makita!
Because of frustration, I kicked the grass and shout my heart out!
"Break na tayo Angeles! Mang-lalalaki ako ngayong gabi! Arggggg!" Huli na nang pagsisihan ko ang aking nagawa. I forgot that I'm in a public place-- a park to be exact. Pair of eyes darted unto me. Siguro ay iniisip na baliw na ako!
I smiled at them awkwardly and get my body bag in the bench behind me. Tinakpan ko ang mukha ko ng bag at umalis na doon.
Napadpad ako sa dulo ng parke, malapit sa simbahan. Dahil hindi naman linggo ay walang masyadong tao sa gawing ito. Naupo ako sa isang bench sa bandang dulo. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Nakakapagod pala talagang maghintay sa wala. Did he really forget it? Pero siya iyong nag-aya diba? Namuo ang luha sa aking dalawang mata. Hindi ko alam kung anong problema niya. Isang buwan na lagi kaming nag-aaway, hindi naman kami ganito dati. Tipong monthsary namin hindi niya nakakalimutan.
Scary thoughts filled my mind. What if he's cheating? May babae kaya siya? Hindi na ba niya ako mahal? Nagsawa na?
Dahil ala siete na din ng gabi ay napagpasyahan ko na umuwi na lang. Hindi ko rin naman kayang totohanin na manglalaki. He's my first boyfriend at masasabi kong loyal ako. Bukas, I'll talk to him.
Kahit mabigat pa sa aking loob ay tumayo na ako para maghintay ng masasakyan.
Isang minuto pa lamang ako nakatayo doon ay nakuha na agad ang atensyon ko ng mahinang ingay sa likod ng simbahan. Hindi ko na dapat iyon papansinin ng tila mas lumakas pa ang mga iyon. Anong nangyayari?
Dahan-dahan akong lumapit sa pinanggagalingan ng ingay. Sinisigurado ko na wala akong magagawang kahit anong tunog. Dinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Paano kung may nangyayari na ditong patayan? O nakawan?
Habang lumalapit ako ay mas lumilinaw ang ingay. Iyak ba iyon? Nakumpirma ko na tama nga ang hinala ko nang nakarating ako sa pinaka-likod.
There, a woman which I think na mas matanda sa akin ng dalawa o tatlong taon. She's crying loudly! Sa harap niya ay isang lalaki na sa tingin ko ay around 6ft. ang tangkad. He's wearing a black shirt and maong pants. Dahil nakatalikod ang lalaki sa akin ay hindi ko makita ang reaksyon niya.
I was about to leave dahil mukhang simpleng LQ lang naman ang nagaganap sa dalawa but to my surprised, the woman bent her knees!
"Please Austin! Kahit ano gagawin ko! 'Wag mo lang akong hiwalayan! Mahal na mahal kita, please." Kahit kailan, hindi ko inisip na magagawa ko ang nakikita ko ngayon. Kung aabot sa puntong ganto, I clearly concluded that the man was nothing but trash! Any girl doesn't deserved this kind of treatment.
The back of my mind slightly hope that this man will somehow help and forgive the girl, but I guess that this Austin is truly a jerk!
"Talaga? Anything Juliet? Then leave and never show yourself again to me! Ayoko na sayo!" Hindi ko alam pero parang ako yung tinamaan sa sinabi niya. May chance kaya na gawin din ito sakin ni Justin?
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naglakad ako papunta sa direksyon nila. Tumigil ako sa tapat ng babae at hinawakan ang kanyang dalawang kamay.
"Girl, your tears are more precious that this boys' life. He's not worth it even one drop." Sinigurado ko na malakas iyong pagkakasabi ko at maririnig nitong lalaking nasa likod ko!
YOU ARE READING
It Takes Time
RomanceVillanueva Series #1 *** "Sinabi ng ayoko sayo! Wala kang pag-asa!" Isinandal niya ako sa pader at mahigpit na hinawakan ang aking dalawang kamay. "Wala akong pakialam Venice! Gusto kita at wala kang magagawa sa bagay na iyon!" ***