Nang masigurado ko na walang makakakita sa akin ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Pumunta agad ako sa paradahan ng tricycle sa may kanto. Siguradong medyo mahal ang pamasahe pero hindi na iyon ang mahalaga ngayon.
It took me one hour and a half bago makarating sa bahay niya. Hindi nakasara ang gate at pinto kaya marahil ay hindi na iyon nakabangon. I dashed in his room at naabutan ko siyang baluktot at tila lamig na lamig. Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan ang kanyang noo.
"Takte ka, Siv. Ang taas ng lagnat mo!" Kumuha ako ng planggana sa labas at nilagyan iyon ng tubig. Humanap din ako ng isang face towel at inilublob iyon doon. Bumalik ako sa kwarto niya at inalis ang kumot na nakabalot sa kanya.
"Ma, pa. Patawarin niyo ako sa gagawin ko ngayon." I slowly removed his polo na suot pa niya kanina. Nasaan na ba ang katulong na sabi niyang tatawagan niya?
Una kong pinunasan ang kanyang mukha. His forehead creased from what I am doing. Napalunok ako nang bumaba ang aking punas sa kanyang leeg. Medyo itinaas ko din ang kanyang ulo para mapunasan ang kanyang batok. Mukhang ako ang nag-iinit sa ginagawa ko a. Pikit-mata kong pinunasan ang kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan. Tumatagaktak na din ang aking pawis kaya hinubad ko ang aking hoodie, leaving a shirt and pajama. Pagkatapos noon ay muli kong inilublob ang tuwalya at piniga. Kumuha ako ng isang shirt sa isang cabinet at isinuot sa kanya. I leave the towel in his forehead before going in the kitchen para ipagluto siya ng lugaw.
I'm not good at cooking kaya ilang beses akong nahiwa habang naggagayat. Mabuti na lamang ay hindi tuluyang naputol ang aking daliri. I should take a picture para may pang-block mail ako at taasan ang grade ko sa Values!
Hiindi ko alam kung masarap ba ang luto ko pero nakakain naman.
"Anong ginagawa mo dito, Venice!" Sa gulat ko ay napatapon ang kasasalin ko lang na lugaw sa tasa.
"Aray!" Ang hapdi nang pakiramdam ng kamay ko. Kahit hirap siya ay dumalo siya sa akin. "Bumalik ka sa kwarto mo Siv. Hindi ka pa magaling." Saad ko habang pinupunasan ang kamay ko na natapunan. He held my hand pero agad ko iyong inilayo sa kanya.
"Bilis na, pasok." Tinulak ko siya papasok sa kanyang kwarto. Nagpatinaod lamang siya sa bawat tulak ko. Bumalik ako sa kusina at nagsalin ng panibagong lugaw at dinala sa kwarto.
"Am I dreaming?" Bulong niya pero hindi nakatakas sa akin.
"Kain na." Inabot ko sa kanya ang isang tasa ng lugaw pero muntik na niya iyong mabitawan. "Hay nako. Akin na nga."
I fed him. Its my first time doing this and its very awkward for me. Dati ay si mama lang ang gumagawa sa akin nito kapag may sakit ako pero ngayon ay ako na ang nagsusubo sa ibang lalaki. Wait, why does it is sounds so green for me?
I blew away such thought at limang subo pa lang ay umiling na siya. "Ayaw ko na." Inilapit ko sa akin ang tasa at nilasahang muli ang lugaw.
"Bakit? Hindi ba masarap?" Nakailang tikim muli ako pero maayos naman iyon.
"Takte. No. Busog lang ako at walang gana. Bukas kapag magaling na ako ay uubusin ko lahat ng niluto mo, okay?" I mentally cursed on what he said. Why does it sounds so sweet?
Dahan-dahan akong umiling sa kanya. "No. Kain ka pa ng tatlong kutsara, Siv." Sumimangot siya pero agad ding ngumanga. Hindi ko mapigilang hindi matawa ng itinuro niya ang kanyang nakangangang bibig. "What? Stop laughing, Ven."
Tumupad ako sa usapan. Pagkatapos ng tatlong subo ay inilayo ko na sa kanya ang tasa. "Higa ka na." Hindi niya ako sinunod sa halip ay nanatili siyang nakaupo. "You're being bossy today, Vennie. Pasalamat ka at maganda ka." Inirapan niya ako at saka humiga. Kinumutan ko siya hanggang dibdib.
YOU ARE READING
It Takes Time
RomanceVillanueva Series #1 *** "Sinabi ng ayoko sayo! Wala kang pag-asa!" Isinandal niya ako sa pader at mahigpit na hinawakan ang aking dalawang kamay. "Wala akong pakialam Venice! Gusto kita at wala kang magagawa sa bagay na iyon!" ***