Natutop ako sa aking upuan kasabay nang pagkalabog ng aking puso. I pushed him a little to create a distance between us.
"You're saying nonsense Siv. Gabi na, umuwi na tayo." Tumayo ako mula sa pagkakaupo.
I'm very much afraid right now. Natatakot ako sa pagkalabog ng puso ko kapag naandiyan siya. I'm unsure of my feelings and I freaking hate it!
"I know, you have a lot of questions to me, Venice. And if you want me to answer all of them, then meet me tomorrow. Sa Andromeda tayo bukas, I'll wait you there." Pagkasabi niya noon ay kinuha na niya ang kanyang mga gamit kaya ganoon din ang aking ginawa. I texted Mang Arnel na pauwi na ako.
It's Saturday today and Siv message me na alas onse kami magkikita sa Andromeda. Isa iyong coffee shop sa loob ng mall. Nang alas nuebe na ay naligo na ako at nagbihis. Thirty minutes ang byahe papunta doon.
Nakasuot ako ng isang pink printed hoodie at adidas pants, ang pang yapak ko naman ay isang itim na gucci na tsinelas. Ang buhok ko ay hinayaan ko lamang na nakabagsak.
Maaga ako ng kinse minutos bago mag alas onse kaya naglibot muna ako sa loob ng mall. I also message Siv na naandito na ako.
"Venice?" A small voice of a girl called me. Humarap ako sa pinanggalingan ng boses at namuo ang galit ng makita kung sino iyon. How dare she!
Catherine del Valle is in front of me! She's wearing a crop top and a very short short. Pero mas naagaw ng pansin ko ang lalaki sa likod niya. Oh, the cheater boy is also here.
Justin is staring at me, ang gulat ay bakas sa kanyang mukha. Oh, you didn't expect to see me here? Don't worry, ganoon din ako!
Catherine realizes where I am staring kaya ngumiti siya ng mas malapad, while I stay there, stunned.
"Babe, look who's here? Si Venice, diba ex mo siya?" Right. Ex. Ex-boyfriend ko na ang crush ko dati. Tears are now starting to fill my eyes pero pinigilan ko iyon. Ayokong makita nila na apektado pa din ako, pero sino bang niloko ko? Oo, apektado pa din ako!
"Say hi babe." Alangan na tumingin sa akin si Justin.
"H-hi." Takte! Gusto ko siyang puntahan at sampalin! Hi? Hi?! Hindi Hi ang kailangan ko kundi ang sorry mo! Aalis na sana ako nang isang braso ang pumulupot sa aking bewang.
"Baby, may problema?" Gulat ang mukha naming tatlo. "A-anong ginagawa mo dito Siv?" I tried to remove his arms pero mas hinigpitan lamang niya ang kapit doon.
"Sinusundo ka. Limang minuto ka ng late sa date natin, Ven." Date? Pasimple niyang kinurot ang aking tagiliran. I almost protest nang naintindihan ang gusto niyang iparating.
"Sino sila?" Baling niya sa dalawa sa harapan. Halos mapangiti ako sa nakitang itsura ni Catherine. Her jaw is hanging in the middle, kulang na lang ay tumulo ang laway niya habang nakatingin sa lalaking katabi ko. I almost forgot na ang kasama ko ngayon ay makalagalag panga.
I draw my attention to my ex. His eyes are lingering on my waist, kung saan may kamay na nakapulupot. Igting ang panga at tila hindi nagugustuhan ang kanyang nakikita. I somewhat feel the satisfaction with their reaction, kahit alam kong hindi totoo ang iniisip nila.
I tried my best to look at Justins eyes. I don't know if I'm imagining things but I saw confusion, regret and sadness in his eyes. "Tara na Siv, they're just some acquaintances before." Tumalikod na ako dahil ayokong makita nila ang nagbabadya kong luha.
Kahit tanggap ko na ay masakit pa din pala. Masakit na maloko, pero takte mas masakit na walang kahit anong rason kung bakit ka naloko. Manghuhula ka na lang kung ano bang kulang, kung saan ka nagkamali. Bakit ka niya pinagpalit.

YOU ARE READING
It Takes Time
RomanceVillanueva Series #1 *** "Sinabi ng ayoko sayo! Wala kang pag-asa!" Isinandal niya ako sa pader at mahigpit na hinawakan ang aking dalawang kamay. "Wala akong pakialam Venice! Gusto kita at wala kang magagawa sa bagay na iyon!" ***