CHAPTER 24

31 0 0
                                    


CHAPTER 24: SUDDEN CONFESSION AND ANSWERS

"So saan tayo lalabas?" Nakahalukipkip kong tanong sa kasama kong parang hindi man lang kinakabahan.

"Sa exit." Turo niya kung saan lumilitaw yung mga kasama namin kanina.

Tumayo ako at tinungo 'yon pero naka lock. Anak ng tupa. Bumalik ako sa inuupuan ko at muling nag-cross arms.

"Eh anong gagawin natin dito?" Naiinip kong tanong. Walang magawa eh. Kanina pa kami nandito.

Few minutes a while ago, pagkatapos nung lively na music, bigla na lang silang umalis lahat. Tapos nang lalabas na ako since late na rin, para makauwi na kami, naka lock. Hindi na rin ako nagpumilit pa since nakita kong sa labas kanina yung lock nito.

At yung kasama kong si Minth, ayun, pa chill lang sa upuan. Ni hindi man lang nag-abalang kabahan.

"Woi! Anong oras na! Wala ka bang planong umuwi?" Umiling ito. Sumeryoso ako ng ekspresyon sa mukha. Tiningnan ko siya ng may napakatalim na mata pero ang loko, ni hindi man lang nag-atubiling lumingon sa 'kin. 

"Six." Tiningnan niya ako.

"Anong binibilang mo?"

"Yung pagbuntong hininga mo." Sagot ko. Inilingan niya lang ako at muling tumitig sa kawalan.

"Ymgy," Pagtawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako na may bored look. "Masakit ulo ko. Pwede ba umuwi na tayo?"

"Joke ba 'yan?"

"Gago. Kaninang umaga pa 'to. Buti nga tumuloy pa ako dito kanina." Tinitigan niya ako bago muling bumuntong hininga. Tumayo siya at tinungo ang sinasabi niyang exit. Nanatili naman akong naka-upo.

"Oh? Wala kang balak umuwi?" Pumihit siya paharap para magtanong. Hindi ako sumagot. Hinintay ko muna siyang i-open yung pinto saka ako tumayo. Binitbit ko rin ang dalawang paper bag.

Lumabas na ako at buti nalang na blanket ang regalo ni Xavier kaya nagamit ko nang biglang humangin. Anlamig.

Hinintay ko muna si Minth na ilock yung pinto saka kami naglakad.

* * *

Planado talaga 'to lahat kasi may flashlight pa talaga sa bungad ng gymnasium at sakto pang naghahanap kami.

"Kabisado mo ba ang daan?" Tanong ko. Tumango lang ito.

Naglakad kami ng walang imikan. Muling humangin kaya kita kong medyo nanginig si Minth kahit pa naka longsleeves siya pero nakatupi hanggang sa siko.

Binigay ko yung isang blanket na agad niyang kinuha.

Ngayon ko lang natitigan talaga ang look nitong kasama ko.

Naka longsleeves na kulay asul at nakatupi hanggang sa may siko. Naka tuck-in ito na pinaresan niya ng black shoes. Yung black shoes na pang porma. Hindi naman nagbago ang ayos ng buhok niya. Maayos pa rin ang pagkakagulo. At mabango siya. Kanina ko pa nalalanghap nang nagsasayaw kami.

Medyo nauuna siya kaya sumabay ako.

"Oy," Nilingon niya ako saglit at muling ibinalik sa daan ang tingin. "Nasabi ko na ba sa'yong ang gwapo mo ngayon?" Tanong ko. Napahinto siya kaya huminto rin ako.

"A-anong sinabi mo?" Tanong niya. Lutang rin 'to eh.

"Ang gwapo mo ngayon brad." Matiim siyang tumitig sa 'kin at muling bumuntong hininga.

"Ayan ka na naman eh." Sabi niya. Napapantastikuhan akong tumitig sa kaniya.

"Anong ginawa ko sa'yo ha?" Tanong ko at nauna nang maglakad. Narinig kong may binulong bulong siya pero hindi ko pinansin. Agad rin naman siyang sumabay sa 'kin.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now