CHAPTER 12

44 1 0
                                    


CHATER 12: STILL IN A SILENT TREATMENT

Nag-stay pa kami sa may duyan, pinag-uusapan ang kung ano-anong topic na maisip.

"Buti nakakayanan niyo?" Tanong ni Minth. "Ang alin?" Pabalik kong tanong.

"Na hindi kayo nagpapansinan kahit nasa iisang bubong lang kayo?" Tanong ulit niya. Tumango ako.

"How?"

"Alam mo, marami na akong dating kaklase na close ko then hindi ko na maalala kung anong nangyari, basta hindi na lang kami nagpapansinan," Tumaas naman ang kilay ng kambal sa narinig nila. "Dapat isang araw lang yung mga hindi ko sila papansinin pero nagtuloy hanggang ngayon. Ganiyan ako eh. Kung hindi na ako pinansin, hindi na rin ako papansin." Patuloy pa rin silang nakikinig.

"Pero hindi awkward? Na anytime pwede niyo silang makasalubong tapos parang wala lang?"

"Awkward siyempre. Pero wala kaming magagawa. We tried to at least call their names pero ni lingon wala. Kaya bahala na. Isang salita lang mula sa kanila, okay na yun. We can continue this vacation like nothing happened like this." Si Lexa ang sumagot.

Pansin kong hindi gaanong nagsasalita si Xavier, nakikinig lang. Pansin sa mukha niyang na-a-out of place siya kaninang pinag-uusapan namin yung pag-iisnorkeling namin kahapon. Parang medyo nakakaramdam rin siya ng awkwardness, halata sa mukha niya.

"Sorry nga pala," Pag-uumpisa ko matapos ko siyang titigang paminsan-minsan ay sumusulyap kay Lexa. Tumingin siya sa 'kin and he raise his left eyebrow, urging me to continue. "Sa hindi namin pag-sasama sa inyo kahapon at paglilihim nito." Pagpapatuloy ko. He just slowly nodded. "Okay na sa 'kin 'yon." Saka siya ngumiti.

Humingi rin ng dispensa sina Cathy at Lexa na nginitian at tinanguan lang ni Xavier. Hindi pa nga matingnan sa mata ni Lexa si Xavier, na pilit namang hinuli ang tingin ni Lexa.

Fishy~
* * *

Nang umuwi kami, mag-aalas dose na. Umuwi rin ang tatlo. Nang yayain namin silang kumain, tumanggi lang sila dahil baka raw palayasin sila hindi pa man sila nakakakain.

Nagkasundo lang kami na bumalik nalang mamaya sa may duyan kung wala pa ring pansinan mula sa iba.

Dumating kami, nasa sala sila at pansing wala ni isang lumingon sa 'min at nagpatuloy lang sa kaniya-kaniyang ginagawa.

Nag-iiscrabble sina Lenie, Jozza, Bati at Christine. May hawak namang pocket book si Erica sa may sofa at katabi sina Flare at Thirdy ay naglalaro ng kaniya-kaniyang rubiks cube.

Nilagpasan namin sila saka dumiretso sa kusina at tiningnan kung may kanin at ulam ba. Pero wala. Malinis lahat. Kumain na kaya sila? Gusto ko silang tanungin kaso baka hangin lang ang sumagot sa 'kin.

Nagluto nalang si Lexa ng bigas sa rice cooker at nagtulungan naman kami ni Cathy sa pagluluto ng ulam. Medyo niramihan na namin para kapag gustong kumain nung iba, may makakain sila.

Naghintay pa kami ng iba nang kakain na kami pero walang pumasok man lang sa dining area. Binagalan pa namin ang paglalakad nang dumaan kami sa sala pero wala talaga kaya bumalik nalang kami sa may duyan. This time, ako naman ang nanalo sa agawan at agad na nahiga.

Mga limang minuto na kami rito pero hindi pa dumadating yung tatlo, siguro okay na lahat sila. Dinuyan ko ng medyo mabagal lang ang duyan hanggang sa medyo inaantok na ako. Ipinikit ko ang mata ko at pinabayaan ang sariling matulog.

Napuyat ako kagabing magpapansin. Bahala na. Mamaya ko na naman yun problemahin.

* * *

Bakit pa kasi ako natulog?

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now