CHAPTER 23

22 1 1
                                    


CHAPTER 23: THE GIFT (DATE)

Masakit ang ulo ko nang magising ako, sa hindi ko malamang dahilan. Nang may maalala ako, agad kong tiningnan ang oras.

8:12 A.M. Crap! 'Yung 'date' namin ni Clint!

Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Ginamit ko ang nag-iisang dress na dala ko at yung white shoes. Messy bun lang ang ginawa ko sa buhok ko pagkatapos ng mabilisang pagsusuklay.

Pulbo at konting liptint lang ang pinangkulay ko sa mukha ko. Nang matapos ako, agad kong kinuha ang sling bag ko. Tiningnan ko ulit ang relo ko.

8:49 A.M. SHET! Baka pati siya hindi na ako dahil sa sobrang late na ako!

Bumaba ako at dumiretso sa kusina nang hindi sila mamataan sa sala.

"Oh, kumain ka muna, Dwy--" Naputol ang sasabihin ni Lexa at nakatitig lang sa 'kin. Napapantastikuhan namang lumingon sa gawi ko ang iba dahil sa naputol ang sasabihin ni Lexa.

"Saan ka pupunta? Ba't bihis na bihis ka?" Tanong ni Lexa.

"May date ka ba?"

"Sinong pupuntahan mo?"

"Saan ka mag-po-photoshoot?"

"OOTD mo ba 'yan?"

"May occasion ba?"

Huminga ako ng malalim at imbes na sagutin ang mga tanong nila eh nagpaalam ako.

"May pupuntahan lang ako. Hindi na ako mag-aagahan since sobrang late ko na. Baka magalit na si Clint." Nagulat sila sa sinabi ko. Agad akong tumalikod at nakatalikod na kumaway sa kanila.

"Woi! Mag-kuwento ka mamaya!" Tumango lang ako habang nakatalikod na umalis.

Mabuti nalang at medyo maalam ako sa pagkabisa ng direksiyon kaya agad akong nakapunta nang hindi naliligaw sa park na pagmi-meet'an namin ni Clint.

Hinanap ko ang sinasabi niyang bench na may puno sa likuran kaya hindi masyadong nasisinagan ng araw. Nang makita ko ito, agad akong lumapit since nandoon naman na siya pero nakalingon sa ibang direksiyon.

"Sorry." Nakatungong sabi ko habang nakatalikod pa rin sa direksiyon ko si Clint. Unti-unting lumingon si Clint at iniangat ko na rin ang ulo ko para makita niyang sincere ako.

Pero gano'n na lang ang gulat ko at ng kaharap ko nang makita namin ang isa't-isa.

"Minth?" Nagugulat ko pa ring tanong.

"D-dwythe?" At gano'n rin siya. "Umupo ka muna." Alok niya. Umupo na rin ako kasi medyo nasisinagan ako ng araw.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko pagka-upo ko. Baka kasi may hinihintay siya dito 'di ba tapos uupo nalang ako basta.

"Bati na tayo?" Tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko.

"Malay ko sa'yo."

"Bakit ako?" Kumibit-balikat ako ulit.

"Kung ako lang, gusto ko nang magkaayos tayo. Pero ayaw mo naman ata." Sabi niya.

"Gusto ko rin naman ah. Pero malay ko ba sa'yo kung bakit bigla ka nalang hindi pumansin no'n." Pagtukoy ko no'ng kagagaling namin sa hammock.

"Ikaw kaya ang nauna no'n. Hindi ka tumabi sa 'kin sa sofa."

"Kasi nasisikipan ako no'n." Pagdadahilan ko. Nasisikipan ang puso ko. "Tapos kada i-aaproach kita eh hindi ka pumapansin. Kaya hindi na rin ako nag-effort pa."

Bumuntong hininga siya.

"Edi sorry. I was childish." Nginitian ko lang siya.

"Apology accepted," Ngumiti rin siya. "Belated happy birthday pala, Ymgy." Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now