CHAPTER 4

54 3 0
                                    


CHAPTER 4: 2 LIES AND A TRUTH

"Bakit sa 'kin?!"

Tumigil ang bote na nakatutok kay Flare.Kinabahan ako dun ah.

"So what's your 2 Lies and a truth?"

"Demmit." Saka siya huminga ng malalin. "1. Mahal ko pa si Erica," At naghiyawan kami. Tiningnan namin si Erica, ayun, tumatawa. "2. Hindi ako marunong magluto." Umiling ako sa isip ko. "3. Kami na ulit ni Ann."

At nag-umpisa na ang diskusyon kung alin sa tatlong binigay niya ang truth. At nagkasundo kami sa numerong, "1 ang truth mo."

Tinawanan niya kami. "What made you think na 1 yung truth?"

"Kasi kung 2, marunong kang magluto, alam namin 'yon. At 'yong 3, is hindi kami sure pero feel namin na ayaw mo na since siya ang tumapos sa inyo, nakaka-baba ng ego 'yon. Kaya 1." Pagsasalaysay ni Bati. Tinawanan lang siya ni Flare. "Right. What's the consequence?" Nagulat kami sa tanong niya. Mahal niya pa si Erica? Lumingon ako sa gawi niya pero napako ang tingin ko sa katabi ng katabi niya sa kanan, si Xavier, na nakatitig lang kay Erica.

"Consequence? Ano bang maganda guys?"

Ngumisi si Thirdy, kaya alam na.

"Pagsilbihan mo kami bukas, buong maghapon." At umirap lang si Flare.

Muling nilang inikot ang bote na tumigil sa tapat ni Bati.

"1. Favorite subject ko yung Math." Tinawanan naman namin siya. "2. Kami na ni Kurt." Yung manliligaw niya. "3. Nasasaktan parin ako sa break-up namin ni Felix."

Alam na namin kaya sabay-sabay na naming sinabi. "2!"

Humalakhak si Bati. "Yes! Walang consequence!" Sad niya habang pumapalakpak pa.

Nagkatinginan kaming mga babae at sabay sabay na nangunot ang noo. "So nasasaktan parin?" Kibit-balikat ang isinagot namin sa tanong ni Christine.

Nagpatuloy ang laro at thankful ako na hindi pa tumatapat sa 'kin. Kami nalang ng kambal ang hindi pa tinatapatan. May nabunyag rin na katotohanan na pinagkasunduan namin na mananatili lang sa hanggang sa cottage na 'to.

Lumilipas ang oras at inaantok na rin ako. Pero hanggat hindi natatapos ang lahat, wala daw titigil. May naulit nang nagsabi ng 2 Lies and A truth pero swerte ata kami.

"Spin mo na." Ini-spin ni Xavier ang bote na sa pangatlong pagkakataon ay natapat sa kaniya.

Sumandal ako sa sandalan at pumikit.

Pero hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

* * *

Nagising ako sa amoy ng luto nila sa kusina. Pagkatapos kong mag-ayos, dumiretso ako sa kusina at nagulat nang humarap sa 'kin ang nagluluto.

"Ymgy." Usal ko. Nang tingnan ko ang niluluto niya, sinangag. Nagutom ako bigla. At hindi nakisama ang tiyan ko, tumunog pa.

Tumawa si Minth at napatitig naman ako sa kaniya. "Mas guwapo ka kapag ganiyang tumatawa hindi 'yong nang-aasar." Hindi ko mapigilang sabi. Nagulat siya at kahit umiwas siya ng tingin, kita ko parin ang pamumula ng mukha niya. Kunwari nalang hindi ko nakita.

Muling tumunog yung tiyan ko kaya ikinuha nalang ako ni Minth ng pinggan at nilagyan niya ng sinangag. Hindi na ako nagpabebe pa, kumain na ako.

"Saluhan mo ako. Nakakailang kaya kapag pinapanood lang." Sabi ko nang gumilid lang siya at pinanood ako. Tumalima naman siya. Kumuha siya ng pinggan at umupo sa harap ko saka nilagyan rin ito ng sinangag.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now