CHAPTER 21

14 0 0
                                    


CHAPTER 21: CHANGES

Ikalawang araw na ngayon. At mag-da-dalawang gabi na, simula nang hindi ako kausapin o tingnan man lang ni Minth. Hindi rin naman ako nag-effort para tanungin kung anong problema niya.

Kahapon, nang bumisita slash nanggulo na naman lahat ng nakakasama namin dito, pansin kong may nabago. May nagbago.

Kapag iba ang nagtatanong o kumakausap sa kaniya, sinasagot naman niya. Kapag iba ang tumawag sa kaniya, lilingon siya. Kapag iba ang nag-joke, tatawa siya. Kaso 'pag kami ni Clint, wala ni isang reaksiyon. Pero minsan ay kinakausap niya naman si Clint. Pero ako? Wala talaga. Ni tingnan lang nga maski gawi ko lang sana, hindi pa magawa.

Pinabayaan ko ito. Kaso kinareer niya. May time na nagtanong ako kung nakasali na ba siya ng pageant pero sa ibang direksiyon lang siya tumingin. May time rin na nag-joke ako pero ni pagkibot man lang ng labi, wala. Kaya ayun, buong maghapon na nagpanggap akong wala siya at hindi namin kasama.

Since buong maghapon rin silang nag-stay kila Jozza, palaging si Clint ang nakakausap ko. Sa kaniya rin ako nagpapasama kapag may gusto akong puntahan kahapon.

Hanggang sa umuwi sila kinagabihan, natanguan na niya lahat pero ni lampasan man lang ako ng tingin, hindi nangyari.

Kanina rin, muli silang bumalik. Mabuti nalang at nagyaya si Lyn at Clint na maglakad-lakad kaya nakatakas ako mula sa hindi niya pagpansin.

Napag-usapan namin yung hindi pagpansin ni Minth sa 'min, specifically, sa 'kin.

Nakarating ulit kami sa may duyan.

"Akala ko nga nung una, hindi ka lang narinig. Pero nakumpirma ko lang nang hindi man lang siya tumawa sa joke mo. Tapos nag-'good morning' na siya sa lahat kanina pero sa'yo hindi. Ano kayang nangyari?" Tanong ni Lyn. Kumibit balikat lang ako.

"Kinausap ko rin siya kagabi pero parang medyo umiiwas rin siya sa 'kin." Ani Clint.

"Pabayaan niyo na. Kung 'yan gusto niya, why not give him such?" Umupo ako sa duyan samantalang sa mga upuan naman silang dalawa. "Okay lang naman sa 'kin na umakto siyang parang wala lang ako. Aakto rin akong parang wala siya."

"Bakit ba kasi nagkagano'n yung kambal mo ha Clint?" Tanong ni Lyn kay Clint.

"Ewan ko. Baka may nagawa kang mali?" Nakangising tanong ni Clint sa 'kin. Napaisip naman ako saka alinlangang umiling.

"Baka noong sinabi mo kay Clint ang 'Gusto kita' tapos nagselos." I frown on Lyn's statement.

"Bakit naman magseselos?"

"Kasi may gusto siya sa'yo?" Nanatili namang nakikinig sa 'min si Clint.

"Imposible. Isang linggo pa lang nang magkakilala kami, ang bilis naman. PBB gano'n? 'Diba?" Tanong ko kay Clint na tanging ngiti at kibit-balikat lang ang isinagot.

Kaya hanggang ngayon na mag-ga-gabi(mag a-alas singko) na naman, at nandito ulit kami nakatambay sa sala, gusto ko nalang na matulog na kaso baka may kaganapan na magyari kaya hindi na ako tumuloy.

Pansin kong panay lingon sa may pintuan si Ate Glam. Gano'n rin sina Kuya Ephilon at Kuya Fioban habang nanonood kami ng pagkanta ni Bati at pag-rap ni Erica.

Katabi ko sa isang single sofa si Clint na nakisiksik lang. Ang iba naman ay kung hindi pumapalakpak sa pinanggagagawa nina Erica at Bati ay lumalamon ng popcorn.

Sabay na napatayo sina Ate Glam at Kuya Ephilon nang marinig ang pagtawag ni Manang Hilo, yung kapitbahay, sa kanila.

Lumabas sila kaya sumunod ang mga usisero't usisera, siyempre, kasama ako do'n.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now