CHAPTER 17

25 0 0
                                    


CHAPTER 17: WITH THEM ALL

Lutang ako nang gisingin ako nila Jm at Keah mga alas sais y medya ng kinahapunan. Yung feeling na kakahiga mo lang tapos gigisingin ka na naman. Gano'n yung na feel ko.

Natagpuan ko lahat sila sa dining area. May ibang boys na nakatayo na dahil sa kakulangan ng upuan. At tiningnan ko isa-isa, kompleto, bente tres.

"Finally! Makakakain na rin!" Pagpapalakpak pa ni Bati.

"Woooh! Kanina pa ako gutom!" Segunda ni Lenie.

Agad na akong umupo sa nag-iisng bakanteng upuan at nag-unahan na kami sa pagkuha ng makakain.

Tanging ang pagkalansing lang ng mga kutsara't tinidor ang maririnig kung hindi pa binasag ni Jozza ang katahimikan.

"Ba't nga pala ang tagal mo kaninang naka-uwi, Dwythe?" Nilunok ko muna yung sitaw bago sumagot.

"Naglakad kami."

"Kami? Nino?" Tanong ni Flare. Tinuro ko naman si Minth na nakatayo sa may likuran ni Bati, na katabi ko at kumakain.

"Ikaw ah! Da-moves!" Pang-aasar ni Ate Glam at pinalo si Minth.

"Anong da-moves pinagsasabi mo? Na-flat yung gulong nung motor kaya naglakad kami! Malisyosa ka talaga kahit kailan Ate!" Saka siya umirap. Bumalik naman ako sa pagkain.

"Oh? Talaga ba?" Patuloy pa rin na pang-aasar ni Clint sa kambal niya.

"Heh! Isa ka pa! Kumain ka nalang! Kahit kailan rin walang magandang lumalabas sa bibig mo!"

"Pa'no naman lalabas ang maganda rito? Eh kita mo'ng nandiyan at kumakain si Dwythe, palalabasin mo pa sa bibig ko?" Nasamid naman ako sa pamimilosopong sinabi ni Clint sa kambal niya.

"Ayieeeeee" Kantiyawan naman sila. Nilingon ko si Clint at sinamaan ng tingin. At nalampasan rin ng tingin ko si Minth na kumibit-balikat lang.

Galing niyong mag-pretend. You're not after all a devils, Divillans.

* * *
Nandito ulit kami sa cottage, na isa sa alam kong mami-miss ko kapag naka-uwi na kami.

Limang minuto matapos ang alas otso kanina nang matapos naming mahugasan ang mga pinagkainan namin at mag-aalas otso y medya na at ngayon lang kami nakalabas dahil nag-kaniya kaniya pa kaming kuha ng jacket.

Nilabas na ni Ate Glam ang alak na kanina ay ibinalik niya sa basket. Tumabi naman sa 'kin si Minth. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Ba't wala kang jacket?" Tanong ko.

"Matibay ata 'to." Pagmamayabang niya saka pa nag-pose kunwari. Kaniya-kaniyang pasok naman ang mga nahuli. At tumabi rin sa kabilang side ko si Clint.

"So nagpag-isip-isip ko," Pag-uumpisa ni Ate Glam nang makaupo na ang lahat. "Namin." Pag-co-correct ni Kristian.

"Okay. Napag-isip-isip namin ni Kristian, na huwag nalang palang iinom tapos aamin. Like, baka may awkward-an na mangyayari bukas. Kaya mag-a-advice lang ang gagawin na 'tin. Kung may gustong mag advice, you can advice freely." Ani Ate Glam.

"Eh anong gagawin sa alak?" Tanong ni Thirdy na tumigil munang kalabitin si Jozza.

"Iinumin. Bobo." Pabalang na sagot ni Jozza na panay waksi sa kamay ni Thirdy. LQ.

"Hindi, ang ibig niyang sabihin eh, kung advice'an lang naman eh, ba't iinom pa? Tama Thirdy?" Tanong ni Flare saka sila nag-yakapan ni Thirdy pagkatapos tumango ni Thirdy.

"Diyan ka na!" Pagtutulak pa ni Jozza at natawa lang naman kami nang mas higpitan pa ng dalawa yung yakap nila sa isa't isa.

"By the way, ang gagawin sa alak is, siyempre, iinumin. At iikot ito lahat sa 'tin. Walang kill joy at dapat lahat iinom. Kung may balak umalis," Saka kami isa-isang tiningnan ni Ate Glam, nangingilatis. Tumayo naman si Bati at hinintay ang sasabihin niya. "Wala kayong magagawa." Kaya umupo nalang si Bati.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now