CHAPTER 27

10 1 0
                                    


CHAPTER 27: WORRIED

Someone told me, 'Let tommorow worry itself.' So here I am, capturing all these moments that I know, will just stay as memories on my mind.

Sabi pa nila, hindi mo na mababalikan ang nakaraan dahil mananatili itong ala-ala nalang. Kaya sana atleast man lang, magaganda't masasaya ito at hindi 'yong ala-alang paluluhain ka lang.

Pagkatapos naming kumain ng late diner, bumalik kami sa sala at muling nag-form ng bilog para magkwentuhan.

Some are listening and laughing on other's embarassing stories. Ang iba ay humihikab hikab na. Ang iba'y lutang ata dahil kahit tawang-tawa na kami sa mga nakakatawa nilang istorya, nakatitig lang sila sa carpet na inuupuan namin.

Katulad ni Kuya Fioban. Napuna na nga siya ni Ate Glam kung bakit siya tulala pero ni hindi man lang ito nag-abalang lingunin siya.

Ang iba naman ay tinititigan isa-isa ang mga kasama at ngingiti. Ang iba'y kausap ang mga katabi. Pero kahit ano pa man ang ginagawa nila, alam kong pare-pareho lang namin gustong i-enjoy ang mga pangyayari.

Mas hinigpitan pa ni Minth ang yakap niya sa akin na para bang may aagaw sa 'kin mula sa kaniya. Tiningala ko siya pero busy siya sa pagtawa sa mga kuwento ni Kuya Ephilon.

Katulad ko'y komportableng naka-lean sa dibdib ni Thirdy si Jozza. Naka-akbay lang naman si Xavier kay Lexa habang naka-rest ang ulo nito sa balikat niya. Inilibot ko pa ang paningin ko nang may mahagilap ako.

Oh? Ano ba talagang namamagitan sa inyo?

Napagawi ang tingin sa 'kin ni Kristian at itinuro ko ang kamay ni Ate Glam na nakaangkala sa braso niya pero tanging ngisi lang ang isinagot niya. May ibinulong siya kay Ate Glam kaya napalingon rin sa 'kin ang huli at kinindatan lang ako.

Tiningala kong muli si Minth. "Oy," Pagtawag ko. His gaze drop on mine. "Anong namamagitan sa kanila?" Napakunot ang noo niya pero pasimple kong tinuro ang dalawang tinitingnan ko kanina na ngayon ay panay tawa.

Kumibit balikat ito. "I don't know." Mataman pa rin siyang nakatingin sa ate niya. "But I wish that she could be geniunely happy now." Aniya.

We stayed up until midnight when we decided to sleep.

Nagdesisyon kaming sa dalawang guest room matutulog kaming girls at sa sala ang boys.

"Ang unfair! Tama ba 'yan ha?" Atungal ni Kuya Ephilon.

"Ang lamig lamig kaya ng sahig tapos diyan kami matutulog?! Urggh!" Ani Aljon.

"Hindi man lang ba kayo naaawa sa amin?" Pagpapacute ni Thirdy.

"HINDI!" Sabay-sabay naming sabi kaya mas lalo siyang sumimangot.

"Sa isang kuwarto na lang kami. Kayo sa isa. Oh edi ebribadi hapi!"

"Hindi kami kasya sa isang kuwarto lang!" Sagot ni Erica sa sinabi ni Flare.

"Edi pagkasyahin niyo!"

"Oh sige! Kami nalang dito sa sala at kayo na lang sa kuwarto. Nakakahiya naman sa inyo! Napaka-gentleman niyo naman!" Naasar na ani Jozza at umupo sa sofa. Sumunod lang kami at umupo rin sa iba pang mauupuan.

Akala namin mag-so-sorry ang mga lalaki kaso gano'n na lang ang gulat namin ng agad-agad silang tumakbo pataas ng hindi man lang lumilingon.

"What the hell?" Tanging naiusal ko habang tulala sa hagdan.

Muling bumaba sina Aljon at Thirdy hanggang sa kalahati ng hagdan. Tiningnan namin ang mga nakangisi nilang mukha.

"Enjoy sa sahig na malamig! Mag-eenjoy rin kami sa malambot na bed! Hahahahaha!" Ani Aljon.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now