CHAPTER 1
Yow! ako nga pala si Cloud, 2nd year computer engineering student, ah nga pala linawin ko lang ah average lang ang IQ ko, pero kaya ko naman pumalag sa mga math subjects ng engineering kasi baka isipin nyo na matalino ako dahil sa pagiging engineering student. Hindi ako maporma, pero siguro masasabi ko na medyo cool guy naman ako, nga lang ayoko lang talaga ng masyadong maraming arte mas ok sakin ung maging simple nalang, at di ako gwapings pero naman buhat bangko na may itsura naman ako at hindi masama yon! tumutugtog din ako ng mga musical instrument specially guitar and piano at sporty naman ako kahit papano, i play badminton and tennis. pero ang pinaka favorite hobby ko ay ang mag stroll gamit ang aking motor!. oh yan introduction palang yan about sakin haba no?.
Ok now, i have a long time friend named Sherly 1st year college palang sya BSBA ang course nya same school kami nag-aaral, alam niyo ba 'tong si sherly ay ang aking kaisa-isang bestfriend, nakakatuwa sya kasama kasi ang ingay nya sa daan at pag maingay na sya naingay nadin ako, alam mo yon ung feeling na kung maka-tawa kayo parang kayo lang ang tao sa paligid! hehe. pag may problema sya nilalapitan nya ko para humingi ng payo syempre ano pa nga ba ang tungkulin ng isang friend na kagaya ko kundi ang maging sandalan nya. Sobrang sweet naming dalawa, alam mo yon yun bang hindi naman kami mag BF/GF pero comfortable kami sa isa't-isa at masaya kami sa piling ng isat-isa, at favorite naming trip ay ang magbatuhan ng pick up lines, corny ba? pake mo ba? hehe gusto namin yun e.
At gaya nga ng ibang friendship hindi ko inaasahan na darating ako sa punto na sa tagal ng pagsasama namin bilang mag bestfriend unti unti na pala akong nahuhulog sa kanya, naiinlove na ko sa bestfriend ko hindi ko alam kung bakit pero gusto ko na talaga sya ng higit pa sa kaibigan. Pero sa kabila ng naramdaman ko na yon na inlove na ko sa kanya, itinago ko yon at hindi ako umamin, kasi natatakot ako na maasaktan. Maganda si sherly at napaka-bait pero sa tingin ko hindi naman ako yung type nyang klase ng lalaki, kaya hindi ko ipinagtatapat ang nararamdaman ko, masaya na muna akong ganito, kaibigan ko sya, nakakasama,nakaka-usap at napadadama ako ang pagmamahal ko sa kanya sa pasimpleng paraan nga lang. Hindi naman sa torpe ako kung kaya di ko inaamin yung nararamdaman ko pero hayaan na muna natin na ganito ang sitwasyon baka kasi mabigla sya at bigla siyang lumayo o baka mailang sya sakin.
Sa mahabang panahon ng pagtatago ko ng nararamdaman ko, salamat at walang nagbago saming dalawa, kung ano kami dati ganon padin kami ngayon, masaya kami as in wala talagang nagbago.
Pero isang araw, tinext nya ko ng "Beshii sundo mo ko dito sa bahay gala tayo dali! may sasabihin ako" napaisip ako ngayon anu kaya ang napakaimportanteng sasabihin nya at nagyaya pang mag-gala eh dati pag may sasabihin sa DM lng sa twitter, so nag reply ako "ok beshii kaw pa malakas ka sakin ee hehe :))" so rush ako ngayon sa bahay nila, at pagdating ko dun niyaya nya ko mag ice cream gaya ng dati naming ginagawa kapag maggagala kami, after namin bumili ng ice cream pumunta kami dun sa park sa village nila dun kami tumambay, nagtataka ako kung bakit tahimik sya sa mula pa nung sinundo ko sya sa bahay nila. ang nasa isip ko. aba himala at tahimik ang bruha :). at ayun na nga nasa park na kami nakaupo at nagpapakiramdaman, ako na unang nag approach.
"Beshii hmm.. ang tahimik mo aa ako ba sasabihin mo? kinakabahan tuloy ako ee"
then sabi nya, "ahmmm, beshii kasi... wag ka mag alala ikatutuwa mo ng sobra to."
me: "ee anu nga yon? sabihin mo na naeexcite na ko ee haha."
her: "ahmm beshii, my BF na ko!!! :)))"
nakangiti at masayang-masaya nyang sinabi sa akin yon, wala akong naging ibang tugon kundi "wow! talaga? ayos ang swerte swerte namang ng bf mo :) good luck sa inyo." at wow ang plastic ko! kahit ang sakit sakit para sakin nung sinabi nya yon. ang nasa isip ko beshii kung alam mo lang.. pero wala eh andun na tayo may bf na sya at di na mababago yon.
at nag patuloy ang usapan namin.
her: oh beshii bat parang di ka masaya para sakin.
me: hindi aa! pero nagtatampo ako!
her: ay! bakit naman? naku beshii ayoko magtampo ka.
me: kasi di mo sinabi na may nanliligaw sayo hmmp! sana man lang nakausap ko para balaan na wag nya susubukan na lokohin ka nya.
her: sorry na beshii pero ok naman sya ee alam mo naman na hindi ako pipili ng hindi mo magugustuhan para sakin e sorry na aa. labyu beshii! :)
me: hmmp ganyan ka! pero anyway.. masayang-masaya ako para sayo :)) (Sh*t ang plastic ko! ang sakit kaya!) oh pano beshii! grabe tambay natin 7pm na pala oh kanina pa tayong 4pm dito haha.
her: sige beshii hatid mo na ko :))
(at habang naglalakad kami,,,,,)
her: beshii salamat sayo at nakinig ka sa masayang moment ko aa you're the best talaga!
me: haha syempre naman alam mo naman na pag masaya ka masaya nadin ako.
her: yan ang gusto ko sayo beshii eh :))
me: hehe kaw pa malakas ka sakin eh oh cge na dito na tayo sa inyo. pasok na sa loob oh beshii wag mo kakalimutan mag dinner ha?
her: opo.. oops teka.. di ka ba papasok sa loob?
me: hindi na .. may gagawin dn naman ako ee
at pagtalikod ko para umalis na.. humabol pa sya ng "huy beshii! mag iingat ka ha? salamat ulit" with matching killer smile pa yon. at dahil sa ngiting yon kahit papano ay nakaramdam ako ng saya.
Pag-uwi ko sa bahay, deretso agad sa kwarto at nag-emo.. hello!!! panong di ako mag eemo kung ganun ba naman yung malalaman ko e, kalalaki kong tao naiyak ako no? pero bakit ba normal yon, lalo na at ang sakit sakit para sakin ng nalaman ko. sa ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko...