Wala akong ibang nasa isip no'n kundi ang mga salitang, "kailangan ako ng bestfriend ko ngayon." Tumayo ako para salubungin na sya at tanungin sa kung ano ang nangyare, hindi sya nagsalita, tuloy-tuloy ang luha na lumalabas sa mga mata nya, hindi ko sya makausap ng maayos kasi hikbi sya ng hikbi, inupo ko sya sa upuan sa park para i-comfort.
Muli akong nagtanong,
me: beshii what happen? is it worst? tungkol sa kanya ba?
her: Beshii! :'( i was wrong! tama ka, beshii nakita ko si Vince kanina sa mall, hindi nya alam na nagpunta ako don di ko din naman alam na nandon sya, nakita ko sya may kasamang babae at magkaakbay pa sila, beshii i'm sorry! ang tanga ko bakit hindi ako naniwala sayo nung una pa lang, nasaktan pa kita dahil sa pagtatanggol sa kanya pero mali naman pala ako, sorry beshii :'( ang sakit sakit pano nya nagawa sakin yon! walang hiya sya!.
Pagkatapos nyang ikwento sakin ang nangyare, hindi ko na sya nakausap ulit, humagulgol na sya ng humagulgol, sinandal ko yung ulo nya sa balikat ko, grabe ramdam ko yung pagtulo ng luha nya sa balikat ko,
me: beshii wala ka naman dapat ihingi ng sorry sakin eh, naiintindihan ko kung bakit mo nasabi sakin yon, nagmahal ka lang, at ipinagtanggol mo yung mahal mo, at least ngayon diba alam mo na yung totoong kulay ni Vince, beshii hindi kita papayuhan sa dapat mong gawin dahil alam ko naman na alam mo na yon, ang sasabihin ko lang sayo, iiyak mo yan, tutal andito tayo sa sanctuary park natin hehe, iiyak mo lahat ng sakin para mawala, andito naman ako ee ako bahala sa magrereklamo sa lakas ng iyak mo. beshii hinding hindi na kita iiwan pa kahit kailan.. sorry kung ang tagal kong lumayo sayo mapatawad mo sana ako.
Wala syang ibang naging tugon sa akin kundi ang lalong lumakas na iyak at dumalas na hikbi. Lalo nyang idiniin sa balikat ko ang ulo nya ramdam ko ang nararamdaman nya, mahirap talaga ang ganyan na malaman na niloloko ka ng taong mahal na mahal mo. Hindi padin siya natigil sa pag iyak, naririnig ko ang mga isinisingit nyang salita sa bawat hikbi nya na "beshii sorry po" sobrang na-touch ako sa sinasabi nya na yon, hindi ko napigilan, naluha din ako sobrang nagsisisi sya sa hindi paniniwala sakin, sobrang lungkot ng gabing yon, maya-maya pa ay yumakap sya sakin mula sa pagkakasandal ng ulo nya sa balikat ko, at sinabi nya na..
her: beshii sorry po ulit, hindi sana ako magkakaganito kung naniwala ako agad sayo.
me: anu ka ba naman iniisip mo pa din yon, wag mo na isipin yon kasi tapos na yon ee at ang mahalaga natuto kana.
her: naman ee sinesermunan mo pa ako,
me: hindi sa ganon beshii,, ano tapos kana ba umiyak?
her: patapos na..
me: talagang may alam mo kung patapos na o hindi ang pag-ngawa mo aa? (nag biro ako para gumaan yung sitwasyon)
her: ikw talaga!
ramdam ko na medyo gumaan na yung sitwasyon ng mga oras nayon,
her: beshii,, salamat ha? hindi mo ko tuluyang iniwan, di ka padin talaga nag-bago dadating at dadating ka talaga kapag kailangan kita.. salamat ng madami sayo.
me: aww touch naman ako don, hehe syempre what are friends are for. hahaha diba nga sabi sa kanta natin "and thats what friends are suppose to do"..... o yeah! hahaha
her: kaw talaga puro ka biro. corny naman.
me: asus aminin mo natawa kadin!
her: oo naman, hehe
sa wakas tumaw na sya, alam ko na kahit papano ok na sya,
me: hoy beshii umuwi kana, nako yare ka 9 na ng gabi oh,
her: hindi yan.. pero sige tara hatid mo na ko.
me: tara na po mahal na prinsesa!
her: how sweet naman!ahahahaha
me: kolokoy ka! tara na aalalayan pa ba kita ee mas lalaki ka nga sakin kumilos.
at hinatid ko na sya, sobrang saya ng gabing yon, kahit na malungkot ang simula, at pagdating namin sa kanila...
me: sige na! pasok na at matulog! wag kana ulit iiyak ha inilabas mo na lahat kanina! kalimutan mo na lahat ng nangyare.. alam ko di mo maiiwasan na malungkot pero alam ko din na matatapos din ang lahat ng yan, o smile na!
her: opo boss! pipilitin ko na maging ok agad..
me: sige na alis na ko...bye...
pagtalikod ka sa kanya bigla nya kong tinawag at niyakap at sinabi nyang... " salamat ng madami sayo beshii, the best ka talaga." wala akong reaksyon kundi ang,, matuwa ikaw ba naman ang yakapin ng mahal mo ee. napakasaya ko talaga non...
ito na kaya ang simula? may pag-asa na kaya ako sa beshii ko? mamahalin nya na kaya ako? pero ayoko muna magpaka-siguro dahil kakagaling nya lang sa break up at matagal siguro maghihilom ang sugat ng nakaraan nya, at baka takot pa syang magmahal sa ngayon,,, kaya ang desisyon ko ay maging neutral muna at mag-hintay nalang sa araw na handa na syang magmahal ulit.
Sana nga ito na ang simula.......
(To be Continue)