Oo, si sherly nga yung nakita ko sa party, natagpuan ko sya na nasa labas ng venue kausap nya si Vince syempre hindi ako nagpakita, tinototoo ko lang yung sinabi ko na iiwas ako sa kanya, ang kaso, iba yung pag-uusap nila ni Vince eh, pasigaw, parang nag-aaway sila, narinig ko yung usapan nila,
Sherly: Bakit ganyan kana, hindi kana kagaya ng dati nag bago kana!
Vince: Ano nanaman yang drama mo!? pwede bang tigilan mo muna yan naiirita ako sayo?!
at iniwan ni Vince si Sherly non ng naiyak, nakakapikon na talaga pero hindi ako lumapit, nakakaasar nakita ko nanamn si beshii ko na naiyak, hayy pero hindi ko sya nilapitan, gusto ko kasi na ma-realize nya kung anong klaseng tao ba yung Vince na yon, pero hindi ko mapigilan na magalit kay Vince gusto kong basagin mukha nya, naaawa na ko kay beshii, dapat ko na ba syang lapitan o dapat ko muna syang tiisin hindi ko alam gagawin ko nung puntong yon, nagsusumigaw sa loob ko na lapitan ko sya at yakapin para maramdaman nya naman na may karamay sya.
Lumipas ang gabing iyon ng tiniis ko sya at wala akong ginawa, oo tanga na kung sa tanga, pero ang nasa isip ko nung oras na yon at matuto sya, at malaman nya na hindi nya deserve si Vince at napakawalang kwenta ng taong yon. binalak ko naman na lapitan sya kaso nga lang tinawag na ko sa loob para sa 2nd part ng performance namin. Naisip ko nalang siguro nga hindi pa right time yon para kausapin sya hayyy.. nakakalungkot, naaawa ako para kay beshii pero naniniwala ako na kakayanin nya yan at magpapakatapang sya, kakayanin nya ang pinagdadaanan nya at matututo sya at malalaman nya kung ano ba talaga ang dapat. Isa lang ang masasabi ko, "Hindi nya deserve na magkagany."
Natapos ang debut, pinilit ko syang hanapin pero hindi ko sya nakita dami kasing tao, di sya nawala sa isip ko, nang gabing yon gusto kong pumunta sa kanila, gusto ko na syang makita at makausap, gusto ko na syang pasayahin. hawak ko ang cellphone ko tetext ko sana sya kaso inisip ko baka hindi nya din basahin, hinihintay ko sya mag text or tumawag ganun kasi yon ee pag may problema tatawag agad sakin yon at sasabihin nya "Beshii Tara ice cream tayo" at pag nasabi nya na yon ibababa nya na ang phone para wala na kong kawala, pag ganun ibigsabhin may problema sya. Oo naman kabisado ko ang bestfriend ko anu pa't naging beshii ko sya kung di ko naman sya lubusang kilala diba?
2am nakauwi ako sa bahay, nadatnan ko ang auntie ko don nanonood ng movie, tinanong nya ko.
auntie: bakit ngayon ka lang umuwi?
me: ahh tita may gig kasi kami kanina ee medyo natagalan.
auntie: ahh ganon ba, o cge.
me: sige tita akyat na po ako sa taas.
auntie: ay Cloud sandali, may pumuntang babae dito kanina, hindi nagpakilala pero nagbigay sya ng sulat kilala mo daw sya.
me: ha? nasan yung sulat?
auntie: nanjan sa study table mo sa kwarto dun ko pinatong, mukhang malungkot yung babae girlfriend mo ba yon?
me: hala!? wala akong GF tita no! single to 100% haha sige na tutulog na ko good nyt tita.
At habang paakyat ako sa kwarto ko iniisip ko kung kanino kaya galing yung sulat, at napagtanto ko "hindi kaya......... galing kay beshii yon?" nagmadali ako at pagpasok ko sa kwarto ko, nakita ko agad yung sulat at agad kong binuksan yon, hindi nga ako nagkamali, galing nga iyon kay beshii eto ang nilalaman.
Beshii!,
i miss you beshii, tinotoo mo talaga yung sinabi mo na iiwas ka ha? sorry beshii sa mga sinabi ko sayo nung nakaraan, na offend yata kita, ayoko na magalit ka sakin alam mo naman na ikaw lang ang bestfriend ko ee, pano na ko kung wala ka? at kung kakamustahin mo kami ni Vince ok n ok naman kami, masaya kami sa isa't-isa ikaw din sana masaya ka para sakin, sana beshii bumalik kana sa dati, sana magparamdam kana ulit miss na miss na kita eh.
itz me..sherly your one and only beshii :))
hayy,, lalo lang akong nalungkot, kasi bakit nya kailangan na sabihin na OK LANG SILA NI VINCE? eh samantalang ako nga ang mismong nakakita sa pag-aaway nila, hayy ang martir ni beshii! matatauhan lang sya pag sya mismo ang nakakita ng kalokohan ng Vince na yan.
Pero salamat sa sulat nya kahit papano napatunayan ko na may halaga pa naman pala ako sa kanya, namimiss nya din naman pala ako, naisip ko, "bisitahin ko na kaya sya bukas? o kaya yayain ko sya ulit mag ice cream? sasama kaya sya? hayyy makatulog na nga lang." at nakatulog na ko.
at kinabukasan.....
Anak ng tokwa naman oh alas dose na pala ng tanghali at kakagising ko lang hayyz puyat talaga kung puyat, hindi ako agad bumangon sa kama, tinatamad ako, hindi na ko nag tanghalian, nag check ako ng cellphone ko, 5msgs ang nakalagay, di ko na pinansin sigurado naman kasi ako na sa barkada ko lang yung mga text na yon, alas dos na ko ng hapon bumangon, sobrang tinatamad kasi ako magkikilos. naligo na ko agad, at pagtapos ko maligo kinuha ko yung phone ko at binuksan ang inbox. SHOCKS! isa pala sa 5msgs na yon ay galing kay beshii ko!
text message: Beshii ko <3 11:47am "Beshii i need you :'(( pwd b tau mgkta mmya sa park ng 7pm? pls beshii di ko alam ggwn ko e pnta ka pls khit last n pnta mo na yn.
awts.. kinabahan ako agad non at kinutuban ng masama ano kaya ang nangyare. tinawagan ko sya agad hindi nasagot, nagtext nalang ako sa kanya na 6pm kami magkita sa park sobrang kinabahan ako hindi kasi yon magtetext ng ganon kung walang mabigat na nangyare ee...
6pm nasa park na ko pero wala padin sya, nag hintay ako, hay talaga naman si beshii 6pm ang usapan dumating sya ng 7.
habang papalapit sya bakas na bakas sa mukha nya ang kalungkutan... iniisip ko ano kaya nangyari sana may maitulong ako...
(To be Continue)