At nang makarating ako sa bahay nila beshii agad kong sinabi ang aking mga nakita.
me: beshii! mahalaga to! makinig ka.
her: oh anu yun at hingal na hingal ka? pahinga ka nga muna.
me: di na, huuu! nakita ko si Vince may kasamang babae sa mall! hindi ako pwedeng magkamali sya talaga yung nakita ko kahawak nya pa yung kamay nung girl! behii! niloloko ka lang ni Vince!.
her:(sumimangot) baka naman hindi sya yung nakita mo? alam mo naman minsan malabo din mata mo hahaha!
me: hindi naman ako nagbibiro ee! kitang-kita ng dalawang mata ko! sila yon si Vince yon! 100% sure beshii!
her: beshii! ano ba! mahal ako ni Vince! nangako na sya na ako lang at walang iba! sinisiraan mo ba sya? wag ka namang ganyan! kahit kaylan di magagwa ni Vince sakin yon!
me:(pasigaw akong sumagot) ano ka ba! ako pa ngayon ang sa tingin mong nagsisinungaling? ako pa sa ngayon ang tingin mong naninira? nabulag kana masyado ng pagmamahal mo kay Vince. wala ka nang tiwala sakin, siguro nga bale wala na ko sayo! sige tutal sobrang nagbago kana! siguro hindi mo na ako kailangan.
her: (sad face) beshii kasi hindi naman talaga kapani-paniwala yang mga sinasabi mo e hindi nya naman talga magagawa yun e.
me: (ouch) ok cge tutal ganyan na bulag kana talaga sa katotohanan siguro lalayo nalang ako, bahala kana sa mangyayare, o baka mas kailangan talaga na ikaw ang makakita para magising ka. lalayo muna ako, hindi ako mag ttext o tatawag, hindi din muna ako magpapakita sayo.
her: (malungkot padin) sige bahala ka beshii.
hindi ko napigil ang sarili ko, naghalo ang galit at sakit sa dibdib ko, di ko napigil ang mga nasabi ko.
me: (pasigaw ng konti) Alam mo beshii! mahal kita! oo mahal na mahal kita! hindi lang bilang kaibigan kundi higit pa don! mahal kita matagal na pero tinago ko iyon! kasi alam ko naman na malabo maging tayo, yung araw na umiiyak ka dahil umamin sya na nagkaron sya ng iba? alam mo bang gusto kitang yakapin at sabihing sakin ka nalang para hindi kana luluha? pero wala. bale wala na din tong pagmamahal na to kasi may iba kana, pero sana ikaw mismo ang makapag patunay na totoo ang sinasabi ko tungkol sa Vince mo na yan! paalam.
nakita ko sa mukha nya ang pagkagulat sa mga sinabi ko, at umalis ako sa bahay nila ng mabilis, hindi ko mapigil! paglabas ko palang ay umagos ang luha sa aking mata, indikasyon ng sakit na naramdaman ko, kalakip ang pag-aalala dahil sa pagiging bulag ni Sherly sa BF nyang si Vince. lungkot din na ang matalik kong kaibigan ay nawalan ng tiwala sa akin dahil lang sa pagmamahal nya sa taong niloloko naman sya. sobrang iyak ako nang iyak ng araw na yon.
Sa sobrang lungkot, gusto kong maglasing ang problema hindi ako nainom ng alak, kaya ang ginawa ko nalang ay naghanap ako ng lugar na kung saan mag-isa lang ako at walang kasama. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, di ako makapaniwala na mula nang araw na yon ay lalayo na ko sa taong mahal ko..... sa matalik kong kaibigan. inalala ko lahat ng pinagdaanan namin, mula sa mga problema, hanggang sa mga kasiyahan, naririnig ko ang pagtawa nya na pagkalakas at yung mga ngiti nya na nagpapasuko sakin. at nang mga oras na yon... hindi ko na napigil, humagulgol ako, bakit ba ako lang naman mag isa sa park ee, kung may makakita sakin wala din naman sila magagawa ee. at nung gabing yon na umuwi ako, pakiramdam ko ang bigat bigat ng likod ko, ang sikip ng dibdib ko at di ako makapag isip ng maayos, gusto kong bumilis ang oras para makalimot agad ako sa sakit na to, gusto kong maghilom agad sugat na to. at ako nga ay nakatulog sa isang tahimik na gabi......
(To be continue )