From Friends to Lovers (Chapter 4)

49 1 0
                                    

Isang gabi, bibisitahin ko sana yung friend ko na nakatira malapit sa bahay nila sheryl(Beshii) at napadaan ako sa park, may napansin akong babae na nakaupo at parang naiyak, di ko makilala kasi medyo madilim konti lang yung ilaw sa park. Lalampasan ko na sana nang maaninag ko yung mukha nya, shocks si beshii pala yun at naiyak nga sya pero bakit? napahinto ako, alam ko sa sarili ko na kailangan ko sya lapitan pero bakit parang ayaw humakbang ng mga paa ko? siguro sa gulat na makita syang naiyak, pinilit ko yung sarili ko na lapitan sya.

Kahit awkward yung moment, tumabi ako sa kanya tinignan ko sya, tumingin sya sakin, nagkatitigan kami, nakita ko yung mga mata nya, may mga luha, mga luha na ayokong nakikita sa kanya dahil nasanay ako na palaging masaya ang mga mata nya. Ngunit ang pagkakataong iyon totoo, totoo na naluha sya at malungkot, di na ko nag atubiling tanungin sya.

me: beshii ano nangyare.? bakit ka naiyak? ano problema?

her: beshii umamin sya sakin na may niligawan syang iba habang mag-on kami.

me: ano!!? walang hiya pala yung lalaking yon ee!

her: pero nag sorry na sya at hindi na daw yon mauulit.

me: totoo ba naman yung sinabi nya? napaka walang hiya nya aa!

her: beshii masakit lang kasi nagulat ako pero inamin nya naman so it means di nya na talaga siguro uulitin at titigilan nya na.

me: gusto ko sya makausap.

her: wag na beshii let me handle this, kaya ko to. may tiwala ka naman sakin diba?

me: (medyo nainis ako don) cge ikaw bahala, ayoko lang na iiyak ka ulit ha? pero for now.. ilabas mo muna lahat ng luha na yan at baka beltukan kita.. iyak-iyak ka pa jan wag na maaulit yan ha?

her: opo beshii...

At dahan dahan syang sumandal sa balikat ko at syempre tuwang-tuwa naman ang lokong ako! sandalan ba naman ako ng taong mahal na mahal ko, nga lang may iba nang nagmamay-ari sa kanya kaya dapat my distansya padin, pero... ang sarap sulitin ng gabing yon. parang ayoko na matapos. 

Maya-maya pa ay nagyaya na sya na umuwi, at ayun nakakatuwa kasi naulit na ihatid ko ulit sya sa kanila nag-paalam na sya, nakangiti ako na nagpaalam at umalis ngunit may bagabag sa aking dibdib at pangamba na paano kaya kung maulit yon, makita ko sya ulit na naluha at nasasaktan? sana sakin nalang talaga sya para hindi nya na danasin na lumuha at puro saya nalang ang maranasan nya. Ang nasabi ko nalang sa sarili ko ay, "hindi ako susuko, di ko sya dapat pabayaan lalo na sa mga gantong sitwasyon."

At umuwi ako sa bahay at naabutan kong walang tao sa bahay. Nga pala kung nagtataka kayo bakit pag nauwi ako sa bahay namin wala ang aking mga magulang, kasi OFW sila parehas sa USA, ang tangi kong kasama sa bahay ay ang aking Auntie. Anyway ayun pag-uwi ko nga walang tao, dumeretso ako sa kwarto at may tumawag sa cellphone ko, akala ko si beshii na, pero nakita ko pangalan ng tropa ko yun na nakatira malapit sa kanila, nak nang! nalimutan ko kaya pala ako napadpad sa village nila ay dahil sa tropa ko na yon.

me: yow men! sorry di ako nakapunta jan aa bgla kasi nagkaron ng emergency ee (palusot)

him: daya mo naman men ee, ikaw lang kulang kanina, alam mo naman na magco-cover tayo ng kanta ngayon diba?

me: oo nga sorry na nga ee db? ahahaha bawi nalang ako next time.. ano nang yari sa inyo?

him: wala nganga lang! ee alam mo naman na ikw ang vocalist namin e wala naman papalit sayo.

me: flattered naman ako don men ahahah loko! cge babawi ako promise.

him: o cge sched tayo ulit ha? text mo kami kung kailan ka pwede mr.busy man!

me: haha busy man loko loko! sa bagay busy naman talaga ako madalas kahit bakasyon ngayon e. cge na matutulog na ko bye.

At nahiga ako sa kama ko, pakiramdam ko ang haba ng gabing yon, nakatingin lang ako sa kisame at nag-iisip, at naalala ko bigla yung mga mata nya na may luhang umaagos, at yung pagsandal nya sakin, nalungkot ako para sa bestfriend ko kasi sa kauna-unahang pagkakataon hindi nya pinakinggan yung payo ko, mahal na mahal nya talaga yung vince na yon, wala naman akong magagawa kundi ang suportahan sya, humanda lang talaga sakin yung vince na yon pag inulit nya na paiyakin si beshii. Sa kabila ng lahat, hindi talaga nawala ang duda ko na may susunod pang mangyayari pang mas malala, wala talaga akong tiwala sa Vince na yon, hayy natatakot ako para kay beshii.

Until such time na may isang insidente na hindi ko inaasahan, nagkayayaan kaming magkakabarkada na mag hang out so tambay kami sa mall, wala lang we're just chilling out, at nakita ko si Vince sa isang resto sa mall na kung saan dun kami kakain ng mga kabarkada ko, laking gulat ko kasi may kasama syang babae at hindi si beshii yon, so nag antabay ako sa susunod na mangyayare nasa medyo malayong distansya kami nakaupo kaya hindi nya ko mapapansin, at nakita ko ng umalis sila Vince, hawak nya yung kamay nung girl, ang katangahan ko bakit di ko kinompronta, siguro dahil nadin sa pag pipigil ng galit ko at baka kung ano ang magawa ko kay Vince. Walang ibang nasa isip ko kundi ang sagipin si beshii mula sa lalaking yon napakawalang hiya niya.

At nagmadali akong pumunta sa bahay nila beshii para sabihin sa kanya ang nakita ko..

(To be continue)

From Friends to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon