At habang malungkot akong naglalakad sa mall may batang lumapit sakin, sabi nung bata "kuya bakit ang lungkot mo? wag ka maging malungkot, ako nga masaya e" aba lokong bata to ah hehe pero ang wierd nya ah pero nagulat ako sa batang yon hindi ko naman sya kilala pero napansin nya na malungkot ako.. it means.. wew obvious ba na malungkot ako? hayyyz! anyway palusot ko lang yung bibili ako ng guitar capo,syempre umuwi na ko, at pag uwi ko hawak agad si gitara, gusto kong malibang. kumanta ako ng kumanta at tumugtog ng tumugtog hanggang sa maibsan ang lungkot at mailabas lahat ng emosyon.
8pm nag text sya sakin, "hi beshii gandang gabi kakauwi ko lang hayy dami ko pagod pero ok naman hehe" nag reply ako.. sbi ko.. "good.. mag pahinga kana beshii cgurado ako inaantok kana ee" at sabi nya "haha kilalang kilala talaga ako ng beshii ko.. pero teka twagn muna kita, gusto ko mna mrnig boses mo bgo ako mtulog." then wala akong nagawa di ko sya napigilan tumawag na nga sya...
(Phone conversation)
her: Beshii!! hehe kamusta ka?
me: ayus naman.
her: oh beshii! ano ba yan bkit ang lungkot ng boses mo? my problema ba?
me: wala ahh, ok lang ako don't worry medyo malat lang ako.
her: weh? baka naiyak ka ha?
me: hindi aa? bkit naman ako iiyak?
her: hehe oo nga naman bakit nga ba? pero beshii kung my problema k lapit ka sakin agad ah?
me: oo nmn pero dpende sa problema hehe.
her: hindi pwede!!! dapat lahat ng problema mo alam ko pra nadadamayan kita.
me: hehe opo (kung alam mo lang beshii :(( )
her: o cge na beshii nantok na tlga ako solve na ko nkausap n kta ung bf ko kc tulog na ee.
me: haha gnun ba cge sweet dreams...
her: bye beshii mwa mwa! wag ka magpupuyat ha?
me: geh good nyt..
at ang tahimik ng gabing yon, sobrang tahimik. tibok lang nag puso ko yung naririnig ko....
nag patuloy ang ganoong sitwasyon ko masaya na malungkot na hindi maintndihan...
lumipas ang tatlong buwan...
hindi ko alam pano nangyare.. kung dati lagi syang nagttext ngayon hindi na.. kung dati hindi sya makatulog kapag hindi ako nakakausap ngayon ay hindi nya na ako natatawagan. naisip ko tuloy. siguro nga ganun talaga kapag may boyfriend na ang bestfriend mo. hindi imposible na makalimutan ka nya..
isang araw nakita ko sila na magkasama, doon sa lugar kung saan kami natambay at nakain ng ice cream. napakasaya nila, nakakatuwang pagmasdan, at mula noong araw na yaon, tanggap ko na. na "kapag nandiyan ng ang boyfriend.. tumabi ka na muna bestfriend..." buong puso kong tinanggap ang katotohanang iyon, at sa aking pag-uwi, nag text ako sa kanya bilang huling pamamaalam ko.
"Beshii... sa tagal na panahon na naging bestfrnd kta, ipinagmamalaki ko iyon. salamat sa saya na naidulot mo skn, salamat sa mga lessons na natutunan ko syo, salamat sa lahat ng ngiti na nabigay ko ng dahil sayo salamat sa pagiging mabuti mo sa akn salmt sa pgttwala mo sakn salamat sa lahat lahat. pero sa tingin ko itong pgiging magbstfrnd ntn ay mttpos na. alam ko na nappnta na lhat ng oras mo sa bf na na un naman talga ang dpt. tanggap ko beshii na hanggang dito nalang talga. maraming salamat. pero wag kapadin mahhya na lumpt skn aa? ung closeness lng ntn ung mttpos pero ang pgging mgkaibgan ntn ay hndi mttpos kailan man. maraming salamat."
hinintay ko sya magreply kaso 3hours na wala padin talaga. siguro nga wala to.pero ilang saglit pa bago pa ko makatulog ay tumunog ang cellphone ako, at pangalan nya ang nabasa ko. sabi nya..
"Beshii, alam mo naman na ikw lng ang sndlan ko db? ikw ang tntkbuhn ko sakaling my prblma ako. sorry kung di na kta nttxt d n kta nttwgn at di na tau nagkakasama.. ayaw kc nya na may kahati sya sakin ee sana naiintndhan mo at sana wag ka mwwla blang beshii ko."
reply ko..
"hayy beshii naiintndhn ko yan.handa nmn aq mgpraya at d ako mwwla promise ppilitin kong intndhn n d n ntn mggwa ung mga dati nting mssayang gngwa cge na gabi n msxado.. good nyt"
"opo sorry talga beshii.. good nyt... beshii kta forever aa"
ilang linggo pa ang lumipas...ganun padin ako.. mag-isa ni hindi na nga ako nagpapaload kc wala naman nag ttext...
napaisip ako.. hanggang kailan ba to? maibabalik pa kaya ang lahat sa dati... talaga bang wala na kong pag-asa sa taong minamahal ko dahil meron na syang iba? hindi ko alam ang sagot sa tanong ko pero hahanapin ko ang kasagutang iyon...
ngunit isang gabi.. mayroong nangyari na nagpabago ng lahat...
(To be continue)