Lumipas ang isang linggo mula nung mag-away kami ni sherly at nagdesisyon ako na iwasan na sya, hayyyz wala akong ibang magawa, boring na boring ang buhay ko, hindi kagaya dati na maya't-maya may text na galing sa kanya, well kailangan ko nang masanay na ganito. Wala akong ginawa kundi ang lumabas kasama ang barkada. At syempre balik sa dating libangan.. ang tumambay kasama ang barkada at magkantahan o kaya naman ay tumugtog sa mga band rehersal studios. Until such time na nag-decide kami na ang libangan namin ay gawin nang totohanan, naging banda kami pero hindi kami yung kina-career ung pagtugtog,, ang amin ay libangan lang talga :) at syempre.. ako ang vocalist .
hayyy.. nagkaron nga ako ng bagong libangan at pampalipas ng oras, ang kaso hindi ko padin maiwasan na isipin sya, kamusta na kaya sya, anu kaya ginagawa nya, sobrang na mimiss ko na bestfriend ko, hindi ko mapigilan yung lungkot although hindi na masyado pero ang lungkot at mananatiling lungkot. nagtatanong ako sa sarili ko, ilang panahon pa o araw ang lilipas? mababalik kaya ang lahat sa dati? namimiss nya din kaya ako? iniisip nya pa kaya ako? may halaga pa kaya ako sa kanya? ay lintek ang dami kong tanong pero lahat naman walang sagot. nakakaasar na kung minsan.
kung minsan may gig kami, kinukuha kami kapag may b-day or party yung saktong trip lang nila sa party may banda, at one time may gig kami, debut nireto lang kami ng kakilala namin para tumugtog sa debut na yon 5,000 daw ang budget para samin, so practice kami agad, aba mahirap din kitain ang 5k no!
Friday at exactly 6:30 pm ng narating namin ung venue ng debut na yon grabe ah mayaman nga ang debutant sa tema palang ng party napaka formal, anyway so di ko nalang pinansin ang paligid, so nag set-up na kami, nga pala, member ng banda namin si Migz ang drummer namin, angelo on bass guitar, stanley on lead/rythm at ako syempre ang pasaway na vocalist. at ayun na nga, 7:30pm ng magsimula kaming tumugtog..
nakaka-tatlong kanta pa lang kami, nang biglang dumating debutant, so sxempre binigyan ko ng malupet na intro yon.. habang tinutugtog namin ung "Today my life begins" pinakilala ko ung debutant, at pagkatapos ko sya ipakilala, so kinanta ko na yung today my life begins, syempre 18 na sya ee life begins na talaga, hehe, at ayun sinimulan na ang party. habang nakanta ako, may nahagip ang mata ko, hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako o totoo yon?
nakita ko si beshii sherly ko, sandali akong napahinto sa pag kanta, napaling ang mata ko sa ibang direksyon at pag balik ng tingin ko sa lugar kung san ko sya nakita wala na sya.
sya nga ba talaga yung nakita ko? alam kong hindi imposible na invited sya sa debut na yon kasi same village sila nakatira at baka nga magkaibigan pa sila or classmate. pero, hindi ko alam paano pag nakita ko sya ulit? ano ang sasabihin ko? hayyy,, ang hirap ng sitwasyon ko...
nakatapos kami ng 5 songs namin, breaktime muna kami, syempre foodtrip.... SILA! kasi ako hinanap ko baka sya nga ung nakita ko, at hindi nga ako nagkamali.. sya nga yung nakita ko,, ang kaso....................
(To be continue)