Kinabukasan pag gising ko laking gulat ko ng makita ko na tadtad ang cp ko ng message mula sa beshii ko, (at kinilig ako don) ang dami nyang text na gumising na daw ako, mag breakfast na daw, at iba pa, hayy sa wakas bumalik na talaga sya, di ko maiwasang ngumiti, ikaw ba naman itext ng taong mahal na mahal mo ee kahit corny ee bakit ba natutuwa ako pag tinetext nya ko ee, ewan ko ba masxado na talaga akong inlove sa best friend ko, alam mo yung feeling na everyday gusto mo sya makita at makasama at syempre maka-bonding sya sa pamamagitan ng paborito namaing pagkain ng ice cream :). Anyway, at bumangon na ko as usual nakakatamad nanaman, kaya ayoko ng bakasyon ee so eto ako nakatulala sa TV at nanonood ng kung ano anong non-sense na palabas, ewan ko ha pero hindi talaga ako palanood ng TV ee oo weird talaga ako kasi habang ang mundo ay nababaliw sa mga telenovela ako naman hindi ako nakaka-relate sa mga usapan nila, ee bakit ba kanya-kanyang trip yan ee :).
At habang ako ay tinutubuan na ng ugat sa sobrang bored.. my nag text sakin. (nakanaks sa wakas may nakaalala din) at umabot ang ngiti ko hanggang tenga ng makita ko text ni beshii yon at guess what.. niyayaya nya ko mag mall, dun daw kami mag lunch. Sa sobrang tuwa ko nag ayos agad ako ng sarili ko at tinext ko sya na pupunta na ko sa kanila para sunduin sya. At dahil sa sobrang saya... nakalimutan ko na paglalabas nga pala kami AUTOMATIC sagot ko ang GASTOS :) inshort ILILIBRE KO SYA >.< parang nautakan ako ni beshii dun aa pero ayus lang masaya naman akong kasama sya. at pag dating ko sa kania..
me: oh beshii.. nagulat ako sa text mo, ngayon ka nalang ulit kasi nag yaya ee.
her: oo nga ee yaan mo na namiss ko kasi makasama ka ulit sa gala ee..
me: hahaha ako din naman ee :)
her: oh pano tara na!
at nagpaalam na sya sa magulang nya.. at syempre ako din, binilin pa nga sakin ang anak nila ee ang nsa isip ko lang na sagot sa parents nya "opo iingatan ko po talaga anak nyo mahal na mahal ko po to ee" pero syempre sa isip ko lang yan haaha TORPE kaya ako.
at ng nasa mall na kami, gala muna kami konti, pero syempre para di naman boring ang gala, niyaya ko sya mag sine. at pumayag naman sya, pinanood namin yung movie na hindi ko alam ang title pero yun yung gusto nya panoorin, so ok na pasok na kami sa loob, at nagsimula na yung movie, kalagitnaan ng movie may pang PBB-Teens na seen haha nangingiti nalang ako at that time kasi maya't maya tinitignan ko reaction nya, masyado pala syang seryoso kapag nanonood, at nag concentrate na ko ulit sa panonood, pero inantok ako sa palabas na yon kasi nga hindi ko talaga trip ang manood ng kung ano ano, napansin nya yata na nag he-headbang na ko sa antok, kinalabit nya ko, at sabi nya....
her: BEshii! nantok kana yata ii gusto mo ba labas na tayo?
me: ay hindi aa! hindi ako inaantok! kaw talaga hindi syempre tatapusin ntn ung movie..
her: ahh ganun ba? o cge, pero di mo naman matatago sa kinna inaantok kana ee.
me: hahaha naman to, oo na po aamin na pero konti lang,, kaya naman i-manage ang antok ee hehe nood lang tayo.
her: hmmf ikw, o cge na nga, sandal mo nalang sa balikat ko yung ulo mo, para makatulog ka man di ka he-headbang hehehe.
at yon ang tinatawag na momentum, hehe sa kauna-unahang pagkakataon ako naman ang sasandal sa kanya. hay ang sarap sa pakiramdam, ramdam ko yung care ni beshii para sakin, bumabawi talaga sya sakin, ang sarap nya talagang maging bestfriend... pero malamang mas masarap syang maging..... girlfriend :) hindi ko na talaga maikakaila pa na si beshii lang talaga ang gusto ko makasama...
Natapos ang movie na pinapanood namin, ay este nya pala kasi ang totoo hindi ko naman talaga napanood ng ayos ee nag enjoy lang akong kasama sya sa sinehan rak na yon. :) so kain kami sa isang resto, at syempre ang paborito nyang linya.... "oh beshii treat mo ko ha?" at wala na nga akong nagawa dahil ginamitan nya nanaman ako ng mahiwaga nyang ngiti! na pag binitaw nya na ang smile nya, hindi ako maka hindi sa kanya. :) so edi sige treat ko sa kain kami.at pagkatapos namin kumain pahinga kami ng konti at gala nanaman.
Sa dinami-dami nag pwedeng makasalubong sa mall ang nasalubong pa namin ay si Vince kumapit sa kamay ko si beshii hindi ko alam kung bakit pero yung kapit nya may halong pang gigigil siguro dala ng galit kay Vince, nakita kami ng walang hiyang lalaking yon at lumapit samin, at sinabing..
Vince: oh ex what are you doing here...?
aba nabwiset ako at parang wala syang masamang ginawa kay beshii so sa inis ko bumulong ako kay beshii na "wag kang sasagot ako bahala".
me: oy kamusta mr.manloloko ay este Vince pala. lakas loob dre aa kaw pa may ganang manloko ha? gwapings!
Vince: pare nakakalalake kana aa!?
me: aY!!!! deym! lalaki ka pala?
at ang loko lokong beshii ko tumawa ng malakas hindi ko napigil ang sarili ko tumawa din ako hanep yung banat ko na yon havey na havey.! at parang napikon yata ang hudas na Vince at parang gusto akong sapakin pero dumating yung ka-PBB teens nyang girl at sinabi..
girl: hey Vince what's happening here?
Vince: nothing.
me: ahh miss, hmm wala naman binabati ko lang yung tropa kong babaero, ay ooops! di pala babaero mapagmahal lang,, kaso madami ang gusto mahalin.
at haha tumawa nanaman si beshii! hay nako pikon na pikon talaga yung Vince na yon sa mga banat ko o napahiya din sya sa bago nyang GF bagay lang sa kanya yon matapos nya saktan ang beshii ko, walang ya sya. pagkatapos ng scene na yon at ng gala namin, finally nagyaya din sya umuwi, habang nasa jeep kami my binulong sya sakin...
her: beshii, salamat ha?
me: salamat san?
her: sa pagtatanggol mo sakin kanina. alam mo feeling ko talaga pag kasama kita safe na safe ako.
me: aba syempre naman, pababayaan ko ba naman ang bestfriend ko? haha.
her: hehe salamat talaga beshii
me: walang anuman...
hayyy, nakakapagod pero masaya yung araw na yon, unti-unti na syang nakakarecover sa mga nangyari, at sana tuloy-tuloy na pag move on nya.
ang problema ko ngayon, pano kaya ako ulit aamin sa kanya? papano ko sasabihin sa kanya na mahal ko sya? oo nasabi ko na dati pero yun yung time na hindi ako magpapakita sa kanya ee. iba to ngayon, kung aamin ako ippropose ko na sa kanya kung pwede ba akong manligaw sa kanya. natotorpe nanaman ako, hay...
ano ba talaga, naguguluhan ako natatakot ako umamin kasi baka ma reject ulit, pero hayyy.. bahala na nga... kung umamin man ako sana tanggapin nya......
(To be continue)